My Mansion's Haunted Room

143 5 2
                                    

It's so nice to be back! Ang tagal ko din hindi umuwi ng pinas. Buti na lang at may kakilala ako dito na nagbenta ng isang malaking bahay, or should I say, a mansion for a cheap price! It's a 4-storey house na parang rest house lang pero it's big talaga para ibenta lang ng two hundred thousand. Hindi naman siya mukhang abandonado, parang bago pa nga pati yung pintura e.

First time kong makapunta dito kasi ang kapatid ko ang pinag-negotiate ko sa may-ari para naman ma-sure ko na talagang pwede pang tirhan yung masyon dito sa Tagaytay.

Isa lang akong titira dito. Medyo creepy pero ang sosyal lang tignan. May mga gamit pa nga eh.

Maraming kwarto, 1 guest room sa baba, the kitchen, yung sala.

Sa second floor ay may dalawang kwarto, a veranda and receiving area again.

Sa third floor isang malaking kwarto lang and parang library.

And sa fourth floor ay dalawang kwarto na halos magkatabi.

Where should I sleep?

And wait, I checked all the rooms at lahat ay may bed, as in kumpleto yung gamit!

Siguro mas maganda kung dito muna ako sa 4th floor since mas malamig dito at hindi rin ganoon kalaki ang kwarto.

Bukas ko na lang aayusin ang mga gamit ko dahil it's almost 12 o'clock midnight na.

Time to sleep and to rest!

But of course I'll get my iPad first and log in to my fb account.

2 Friend Requests.

3 Messages.

20 Notifications.

Inopen ko muna yung friend request.

Ashley Dela Cruz

Kilala mo ba ako

Since I'm the kind of person na accept lang nang accept sa friend requests kahit hindi ko kakilala, edi accept agad! They can't harm me naman kahit anong gawin nila eh,

Then I opened the messages.

Kilala mo ba ako:
Alexis.

Alexis Yanna San Diego:
Hi! Your fb name is somewhat cool. What's your real name then?

Kilala mo ba ako:
Pwede bang humingi ng picture mo?

Alexis Yanna San Diego:
Please go to my timeline~ Madami akong picture dun! :)

Kilala mo ba ako:
Pwede bang humingi ng picture mo?

Alexis Yanna San Diego:
Okay fine.

--

Then nagpicture ako ng panibago using my iPad's cam.

--

Alexis Yanna San Diego:
There you go! Then, send me your picture as well. Para fair!

Kilala mo ba ako:
*sent an image*

--

Loko pala 'to eh. Sinend yung picture ko.

--

Alexis Yanna San Diego:
Are you kidding me? Send me your real picture, are you that ugly? Joke.

Kilala mo ba ako:
Tignan mo ng mabuti yung picture na sinend ko sayo.

Nandun ako sa likod mo.

Alexis Yanna San Diego:
Stop it or I'll unfriend you.

Kilala mo ba ako:
Gusto mo ba talaga akong makita?

Alexis Yanna San Diego:
Of course, I sent you my picture so you have to send yours as well.

Kilala mo ba ako:
Nandun ako sa kabilang kwarto.

Silip ka naman dito.

--

Ano ako, tanga?

Wala naman akong kasama dito eh.

I blocked that Kilala mo ba ako.

Then I read another message which is from Ashley Dela Cruz.

Ashley Dela Cruz:
Hi! Dati akong nag-stay diyan sa mansion mo.

Alexis Yanna San Diego:
Oh really? Hi! I should say maganda talaga 'tong bahay.

Ashley Dela Cruz:
Diyan din ako sa kwarto mo dati.

--

Pano naman niya nalaman at gaano siya kasigurado na nandun nga ako? Even the fact na alam niyang nasa mansion ako. Creepy.

--

Alexis Yanna San Diego:
4th Floor? First room?

Ashley Dela Cruz:
Oo. Bakit dyan ka? Mas maganda dun sa kabilang kwarto.

Alexis Yanna San Diego:
Ah. Wait, do you know that certain 'Kilala mo ba ako' guy?

Ashley Dela Cruz:
Hindi ko siya kilala. Pero nakita ko na siya.

Alexis Yanna San Diego:
Tumira din ba siya dito?

Ashley Dela Cruz:
NAKATIRA PA DIN SIYA DYAN. KASAMA MO.

--

Both of them are talking nonsense. Bakit ba ang creepy ng mga taong 'to?

Kilala mo ba ako:
Labas ka muna. Usap tayo.

--

I already blocked this person but namessage nya parin ako.

Dammit, I'll better go to sleep.

--

Kilala mo ba ako:
HINDI KA RIN MAKAKATULOG. HIHILAHIN KO PAA MO.

--

Pinatay ko yung iPad ko at nagtalukbong ng kumot.

But then I felt something cold na humawak ng paa ako.

I saw a girl in white dress and is staring at me with her bloody eyes.

"HINDI KA MARUNONG SUMUNOD."

Hindi ko alam kung papaniwalaan ko tong nakikita ng mga mata ko pero wala na ko sa kondisyon para mag-isip.

"IKAW NA ANG ISUSUNOD KO."

BIGLA NIYANG HINILA ANG MGA PAA KO. SIGAW AKO NG SIGAW AT PINILIT KONG KUMAPIT SA MGA BAGAY NA PWEDENG KAPITAN. NAKAKAPIT AKO SA ISANG LAMESA SA GILID NG PINTUAN PERO TUMUMBA LANG YON AT KASAMA NA RIN ANG PAGTAPON NG TUBIG NA NAKAPATONG DOON.

~

Kinabukasan ay natagpuang patay si Alexis na hawak ang iPad niya. Hinala nila ay nadulas lang ito sa tumapong tubig at naging dahilan ito ng pagkahulog ng biktima. Agad na sinara ang kaso nito.

Dalawang tao na ang namatay sa mansyong ito. Ang tanong, dalawa nga lang ba? O meron pang iba? O baka may mga susunod pa?

Kung gusto mong malaman ang sagot sa mga tanong na ito. Kung gusto mong makita ang totoo. Kung ayaw mong may humila sa paa mo mamayang gabi. Kung ayaw mong matulad kina Alexis at Ashley.

Kilalanin mo kung sino ako.

Kilala mo ba ako?

Kung hindi pa.

Patayin mo ang ilaw, makikita mo ko.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Feb 10, 2016 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

The Room Next to MineTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang