Lumipas ang mga araw. Di pa din nagpaparamdam itong si Emerald kay Andy. Nanibago itong si
Andy. Dati kasi ay halos lahat ng bagay, ay updates sila dapat. Magtetext kung kumain, nakauwi or
matutulog na ang bawat isa. Pero ngayon, wala kahit 'good morning' man lang. Nagtetext bawat oras
itong si Andy kay Emerald ngunit kahit isang reply, wala. Tinatawagan din niya ito ngunit hindi nito
sinasagot ang kanyang tawag. Gumawa ng paraan itong si Andy, sinubukan niyang dalawin ito sa
kanilang bahay ngunit napaisip na baka, wala naman ito sa kanila at siguro ay gumagawa pa rin
ng kanilang thesis. Nang sinubukan ni Andy na mag-message na lamang sa Facebook nitong si
Emerald, ay bumungad sa kanya ang isang status. Emerald is in a relationship with Brandon (Si
Brandon ay ang sinasabing EX ni Emerald bago sila naging close ni Andy). Hindi na tinuloy ni Andy
ang pag-compose ng message sa inbox ni Emerald, sa halip ay umuwi na lamang ito at
nagkulong sa kwarto. Sa loob ng ilang taon, ngayon lamang ulit umiyak si Andy dahil sa pag-ibig.
Kalungkutan na noon ay pilit kinalimutan ni Andy at tinapalan ng masaya at tila walang problemang
katauhan. Ang Andy na may madaming kaibigan dahil sa kanyang masayahing personalidad, ay
muling nagdurusa sa lungkot dahil sa kanyang mga sinapit sa muling pagbubukas ng kanyang
puso para umibig muli.
Never mind I'll find someone like you. I wish nothing but the best for you too. Don't forget me, I beg. I remember you said, "Sometimes it lasts in love, but sometimes it hurts instead."
