"Happy New Year Kambal!", text ni Andy kay Emerald bilang salubong sa pagdating ng 2012. Hindi
sumagot itong si Emerald ng ilang araw. Nagtaka itong si Andy kung kaya't naisipan nitong
tawagan na lamang siya. Busy pala sa pag-asikaso ng kanilang thesis itong si Emerald kaya't
bihira na siyang makipag-kulitan umano kay Andy. Umaksyon muli itong si Andy na bahagi ng
kanyang mga hakbang upang makuha ang atensyon ni Emerald. "Ano bang pwede kong
maitulong, Emerald?", text ni Andy isang umaga bago magpasukan. Kinagabihan, nakatanggap
siya ng sagot mula kay Emerald. "Babe, ganito mga gusto kong mangyari sa thesis ko..." Babe?
Biglang napaisip itong si Andy. Siyempre, kinilig agad ito dahil nagulat siya sa tinawag sa kanya
nitong si Emerald. Iyon pala ang tawag ni Emerald sa lahat halos ng kaniyang mga kaibigan. Mula
noon, babe na ang kanilang naging tawagan. Nasundan pa ito ng pag-amin nila sa isa't-isa na tila
nagugustuhan na nila ang bawat isa. Nagbitaw na din sila ng mga matatamis na I LOVE YOU, at
iba pang endearments sa araw-araw.
Dream come true na ata ito para kay Andy. Kahit na alam nitong kakagaling pa lang ni Emerald sa
isang relasyon na kung saan ay puro problema lang daw ang dinanas nito dahil sa madalas na
pag-aaway, ay di alintana ito ni Andy, sa halip ay mas nagkaroon pa ito ng lakas upang sabihin kay
Emerald na 'di ako ganun para sa'yo babe.' Isang araw, ay napagkasunduan nilang magkitang
muli, isang buwan mula nung una nilang paghaharap. Pinaghandaan itong mabuti ni Andy. Nag-
ipon siya ng husto para maging masaya ang una nilang 'date' ni Emerald. Dalawang araw bago
ang kanilang date, nagtext ang kaibigan ni Emerald. "Ems, may gagawin ka ba sa Linggo?
Pumayag na yung kakausapin natin para matapos na ang thesis natin." Finorward ni Emerald ang
text na ito kay Andy sabay tanong na "babe, paano na yan?" Walang magawa si Andy kundi
ikansela ang kanilang 'date' upang bigyang daan ang mas mahalagang bagay para kay Emerald.
"Sorry talaga babe huh.", text ni Emerald. "Okay lang yun, mas mahalag pa rin dapat ang pag-aaral
diba?" Maluwag sa damdaming sagot ni Andy.
