Chapter Two

79 0 0
                                        

-Two years ago-

Si Emerald at Andy ay parehong taga San Martin ngunit magkalayo ng barangay. Ngunit sa hindi

inaasahang pagkakataon ay nagkrus ang kanilang landas sa isang patimpalak na ginanap sa

paaralan ni Emerald, na 4th year HS noong mga panahong iyon habang si Andy naman ay nasa

2nd year college na. Nakadalo si Andy dito dahil siya ang namamahala sa kanilang grupo kung

saan, sila ay bisita sa eskwela nila Emerald, ang Colegio de San Martin. Napansin ni Andy ang

isang grupo ng mga kababaihan sa isang gilid ng hardin ng paaralan. Tila ba nabighani si Andy sa

nakita niyang simple ngunit mala-anghel na mukha nitong si Emerald.Dahil nga bisita lang sila

Andy dito, ay nahiya itong lumapit sa mga babae upang sana'y tanungin man lang ang kaniyang

pangalan, kaya't sa isang estudyante na malapit sa kanya ito nagtanong. "Ah, excuse me. Tanong

ko lang. Kilala mo ba yung mga babae dun?" Tanong ni Andy sabay turo kina Emerald. "Si Trish,

Jenny at Emerald po yun kuya.", sabi ng bata. "Sino si Emerald dun?" "Yung nasa gitna po." "Anong

buong pangalan ni Emerald, alam mo ba?" Madami pang naging tanong itong si Andy sa bata

hanggang sahindi nito namalayan na wala na pala ang kanilang pinag-uusapan.

Pagkauwi ni Andy sa kanila ay dali-dali nitong hinanap sa intenet ang babaeng kanyang nakita

kanina. Nag-search siya sa Friendster kung meron bang account yung babae, ngunit di ito nakita.

Marahil, hindi nito ginamit ang kanyang tunay na pangalan. Laking pang hihinayang ni Andy nung di

nagtagumpay ang kanyang gustong mangyari. "Hay, sana makita ko ulit si Emerald. Mukhang

tinamaan ata ako sa kanya."

One Message ReceivedWhere stories live. Discover now