C1: Not A Dream

13.6K 490 130
                                    

Kana's POV

St. Peter's Academy

Matagal-tagal na rin mula nang tumungtong ako sa school na 'to. Hindi na ako sanay. Hindi na ako sanay na mga normal na tao ang nakakasalamuha ko.

Parang walang nangyari. Ang tagpong 'to ang normal na makikita mo sa isang eskwelahan. Busy ang mga tao. May mga nag-uusap, nagpapahinga sa ilalim ng puno, at may mga naghahabol sa klase dahil takot ma-late.

"Kana! Hinahanap ka na ni ma'am! Late ka nanaman." Napaligon ako sa nagsalita. Kilala ko pa naman sya kahit papano.

Si Dione. Tinignan ko sya ng mabuti. Seryoso syang nakatingin sa akin pero bigla syang ngumiti.

"Alam mo, ang weird mo. Pumasok ka na! Magpapa-photocopy pa ako kaya hindi tayo pwedeng magsabay." Seryoso ba 'to?

Bakit kung makipag-usap sya sa akin ay parang hindi sya isa sa mga natakot nang makita nilang naging red ang mata ko noon? Bakit parang hindi nila ako tinawag na demonyo noon?

"Uy!" Narinig kong nag-snap sya ng fingers nya.

"Sorry! Eto na, papasok na." Napakamot ako sa ulo ko.

Imposibleng panaginip 'yon eh! Alam nina mommy ang tungkol sa Academy kaya imposible talaga ang naiisip ko. Pero kung hindi naman 'yon panaginip, paanong hindi takot ang mga estudyante sa akin?

Kumatok muna ako bago pumasok sa klase. Tinignan ko silang mabuti pero ni bakas ng kahit na anong takot wala sa kanila.

"Sorry I'm late." Mahina kong sabi saka naglakad papuntang upuan ko.

Tahimik ang buong klase. Kahit si ma'am ay nakakapanibago rin. Himalang hindi mainit ang dugo nya sa akin ngayon. Samantalang dati ay binato nya pa ako ng eraser.

"Miss Yamaguchi, will you step out of the classroom, please?" Napaangat ako ng ulo ko. Labas daw.

Tumayo ako pero bago ako makalayo sa upuan ko ay may humawak sa kamay ko. Tinignan ko sya pero naka subsob ang mukha nya sa desk.  Naka itim din syang jacket at nakasaklob sa ulo nya ang hoodie ng jacket nya. Mukhang bago syang estudyante.

Mabilis kong binawi ang kamay ko sa kanya dahil hindi ko naman sya kilala.

"I don't want you to be late again tomorrow, do you understand?" Sabi ni ma'am sa akin nang dumaan ako sa gilid nya.

Tumango ako. "Yes ma'am."

"Nakasalubong ko si Dione paglabas ko ng classroom. Nagkatinginan kaming dalawa. Nginitian ko nalang sya dahil nakita nya akong lumabas ng classroom.

"Pinalabas ka ba ni ma'am?" Tanong nito sa akin. Tumango naman ako at naupo nalang sa gilid ng classroom.

"Ang maiinitin na talaga ng ulo ni ma'am. Pumasok ka nalang ng maaga sa susunod. Ayaw nya talaga ng nale-late." Sabi nya pa sa akin. "Muntikan nya pang pagalitan yung bago nating kaklase kanina kasi nalate din. Nalaman nya nga lang na transferee kaya hindi nya natuloy yung inis nya." Okay... Bakit parang dumaldal ang isang ito?

Nginitian ko na lang sya ng may halong pagkailang. Hindi naman kasi kami close noon kaya anong magagawa ko?

Pinagmasdan ko syang pumasok sa loob ng classroom at nang makapasok sya ay napabuntong hininga nalang ako.  Bakit parang biglaan ang naging pagbabago ng lahat?

Himitsu Academy IIWhere stories live. Discover now