CHAPTER 3 - THE REVENGE OF THE FAN GIRLS!!

Start from the beginning
                                    


"Ah kasi—ano--" balisa namang wika ni Arvic, "Andito na pala tayo, pasok ka na, may practice kami.." nagmamadaling saad nito sabay takbo.


Anyare?


hay Arvic..

ang hirap mo ring intindihin..

kung gusto mo ako,

sabihin mo lang..

ako pa manliligaw sa'yo..



"Hey!" bating sumira sa pagpapapantasya ko.


Nilingon ko nga..

O_____O

waaaah!!!!


May limang babaeng pumalibot sa'kin, hinawakan ng dalawa ang magkabilang braso ko at kinaladkadkad ako..


Kidnapping ba itey?!


"T-teka.. saan nyo ako dadalhin?" natataranta kong saad.


Bakit kasi biglang nawala ang mga estudyante sa paligid? Masyado pa bang maaga?


Hindi naman nila ako sinagot at mas binilisan pa ang pagkaladkad sa'kin..

'yung mala-mangkukulam nilang kuko bumabaon na sa balat ko..


ang sakit..

T^T


Padabog nila akong itinulak ng marating namin ang storage room, walang estudyanteng naliligaw sa kwartong ito..


Si kuya janitor lang ang madalas nagpupunta dito, pero mukhang wala siya ngayon..


Ano kayang mangyayari sa'kin?


"S-sino ba kayo? A-anong kailangan nyo?" I asked.

"well, well, well.. andito kami in behalf of our prince.." turan nung kulot, siya ata ang lider.. siya nasa gitna ihh..

"Sinong ------"

"Sng kapal lang ng mukha mo, matapos mong magconfess sa kanya ibang lalaki naman ang nilalandi mo!" sabat naman nung pango..

"wala akong -----"


=____=


Sige wag nyo akong patapusin..


"At sino ka para makipagbreak sa kanya?!" sigaw naman nung nakacontact lens..


Break? Nagbreak ba kami?

Siya 'tong biglang nawala ah..


"Tsk, tsk.. maswerte ka na nga at pinatulan ka nya tapos ang kapal ng mukha mong ipagpalit siya sa iba? Anong akala mo, maganda ka?" saad naman nung nakapony tail..

GANGSTER'S GIRLFRIEND?!Where stories live. Discover now