Ano daw? Nakuryente? Sino?





"Are you okay now Baby Sis?" Tanong ni kuya pagkalapit sakin.





"Ano pong nangyari Kuya?" Tanong ko.





Sinamaan niya ako ng tingin.


"Anong anong nangyari? Nakuryente ka lang naman! Yan kase tatanga tanga" To namang si Kuya kung makatanga, parang wala kaming pinagsamahan. Tss.





Nakuryente? Ay, akala ko naman mararanasan ko na yung the thing they called 'love' . Charot lang! Akala ko talaga sa tagal nun ay LOVE  na yung nabuo eh tsk tsk... Yun pala malapit na sana akong matigok.





"Pasalamat kay Cargen at nalayo ka niya kanina" Napatingin naman ako kay Cargen na nakaupo at mainam na akoy tinitingnan at nailing.





"Tanga kase" bulong niya pero rinig ko.





"Grabe ka naman!" Ako at nagpout. Nag iwas lang siya ng tingin.





Napatingin ako sa kamay ko, may hawak pa kasi akong papel eh. Yung kay Amy.





Dear Bes Chemay,


Una na akong umuwi ah? Di kasi tayo bati eh! Hmmphh.. Bahala ka dyan NGAYON! OO ngayon lang! Alam mo namang lab na lab kita bruha ka eh kahit nagtatampo ako sayo. Sige bye na nga. Ihateyou!😘





Napangiti nalang ako. Ang sweet talaga ng bruhang yun.





"Oh san ka pupunta?" Tanong ni Kuya. Tumayo kasi ako.





"Sa mall, may bibilhin pa kasi ako eh."





"Okay sige, sasama na kami" Sabi ni Kuya kaya tumango nalang ako.





Mabuti na rin yun, tinatamad akong mag drive.





Pagdating sa Parking Lot ay nadatngan namin ang mga kaibigan ni Kuya.





"Okay ka lang ba che-che?" Kuya Adrian





"Okay lang po ako Kuya Adrian"





"Okay ka na babes?" Si Pau. Nabatukan ko nga.





"Aray naman. Sorry na nga loves" Sinamaan ko sya ng tingin kaya naman nag peace sign lang siya sakin.





"Waahhh Che! Anong masakit ha? Okay ka lang bah" O.A na tanong ni Kuya Louie. Napatawa lang ako.





"Baliw ka talaga Louie, ofcourse okay lang siya. Si Merry pa ba? Di ba Merry?" Tanong ni Kuya Shawl sakin at kumindat pa. Napatango lang ako.





"Oo naman! Ako pa ba?" Ako





"O sya sya. Umalis na nga tayo. Baka gabihin pa tayo nito." At yun nga sumakay na kami.





~~~~At the mall


"Baby Sis, san ba talaga tayo pupunta? Kanina pa tayo lakad ng lakad ah?" Reklamo ni Kuya. Well, that's true. May hinahanap kasi ako eh pero di ko makita kung asan na yun.





"Atlast! Yun oh!" Ako at turo dun sa store.





Nanlaki naman yung mga mata nila at nalaglag ang mga panga. Well, biro lang. Hindi nalaglag yung mga panga nila no. Pero nakabuka yung bibig.





Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Dec 11, 2016 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Ms. Nerd Meets Mr. GeekTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang