"Ah okay" Siya at bumalik sa ginagawa niya.
Ano bang ginagawa nito? Matingnan nga.
*silip*
Watda!?
Bigla kung inagaw sakanya yung papel na sinulutan niya.
"Haha Grabe ka bes! Feeling elementary lang? Hahahha" Ako at tumawa habang nakatingin sa papel.
"Hmmpph, tse! Wag ka ngang makial bes! Akin na yan!" Sabi niya at hinablot sakin ang papel at dumukmo sa arm chair niya.
Bwahahaha ang pula na ng mukha niya! Mukha na syang kamatis.
Hiyang hiya ang bruha.
Alam niyo ba kung anong ginagawa niya? Haha
Nagdrawing kasi siya ng malaking heart tas sa gitna ay linagyan niya ng AMY ♥ ANT may 4EVER pa! Hahaha di pa yan tapos dahil sa baba ng heart ay nag flames pa siya... Grabe kung maka crush feels si Bes! Parang elementary lang ang peg.
Umalis sa sa pagkakadukmo at tiningnan ako.
"Di tayo bati ngayon! Bukas mo na ako kausapin! Hmpphh." Nakapout niyang saad at dumukmo ulit.
Kakausapin ko na sana siya ng may biglang pumasok na lalaki err-- babae? Ay I don't know basta may pumasok!
"GOOD NEWS MGA BAKLUSH! WALA SI MAM TERROR KAYA PWEDE NA TAYONG GOMURA!" Yung pumasok tas umalis lang rin pagkatapos.
Classmate ko pala yun? Eh?
"Bading talaga" Rinig kung bulong ni Ant umiling iling pa ang gago.
Speaking of Ant, napatingin ako kay Amy. Eh? Nasan na yun?
Tumingin ako sa may bintana. Dapat kung mag ingat dito dahil may electricity wire na may cut tas baka ma kuryente pa ako.
"Hinahanap mo ba yung kaibigan mo?" Tanong nung katabi ko. Si Cargen.
"Oo eh, nakita mo ba?" Tanong ko. Mabait naman eh.
"Umalis na. Ito o pinabibigay sayo" Inabot niya sakin yung papel at nagkalapat pa yung mga balat namin.
Nakaramdam ako ng pagkuryente nung nagkalapat yung balat namin.
Ito ba yung kuryenteng nararamdaman ng tao pag nagkakagusto na siya nito? Eh bakit parang ang tagal naman matapos ng kuryente? At bakit parang nahihilo at naging dalawa siya? Ang tagal matapos ng kuryente ah, ano to? LOVE na ba itech?
Naramdaman ko nalang na may biglang humila sa buhok ko palayo dun sa may bintana.
"Tanga" Narinig kung may nagsabi.
And everything went black.
---------------------------
Nasan ako? Bakit puro puti? Kinidnap ba ako? Nino?
"Kamusta na ho sya doc?" Narinig kung may nagsalita.
"Okay lang naman ho sya Mr. Perez. Baka nahilo lang sya dahil di niya nakayanan yung kuryenteng dumaloy sa katawan niya." Doc
YOU ARE READING
Ms. Nerd Meets Mr. Geek
Teen FictionAno nga ba ang pinagkaibahan ng nerd sa isang geek? Pano pag nag-cross ang landas ng nerd at geek? Magiging boring ba ito tulad ng inaakala natin? O magiging exciting ito ng hindi natin inaasahan?
Chapter 7
Start from the beginning
