Ako Si Jack

236 13 16
                                    

Dear Tsaro,

Madam!!

Maayung adlaw.

Hindi ako galit po. Ako nga po pala si Early Seven Strikeland. Tubong probinsya pa po ako po sa may kabisayaan pa po. Pagpasensyahan mo na Tagalog ko po, masyadong matigas pa. Eh Bisaya man gug ta gud. Sori jud kaayo.

Kasalukuyan po akong naninirahan sa Maynila po. Naghahanap po ng trabaho. Tambay po ako ng dalawang buwan mahigit. Ala eh?. Ang hirap pala dito. Ang sikip at maalisangan pa. Buwis buhay na po. Nakikipagsapalaran. Nagbabakasakali lang. Walang mahanap na trabaho sa amin eh kasi hindi naman naghahanap. Mas gugustuhin ko na ang ganito kaysa sa tumambay at tutakan ang luma naming orasan na umikot buong araw. Mahirap palang maging tambay. Mas mahirap pa sa mga taong naghahanap-buhay. May naghahanap-patay?. Waley. Due care ba me?.

Isipin mo, ang hirap bantayan ng oras, upu-upo lang, update-update ng tsismis sa mga ochoserang kapitbahay, tulog-kain-tulog, buhay baboy. Ang sarap ng feeling. Feeling rich. Daig pang donya sa katamaran. Facundo! Pakainin ang mga naghihirap na mga hampaslupang alipin. Bigyan ng piging!.

Sa lahat ng tambay. Keep up the good work. Malay mo ma-promote ka pa nyan. Peace yow.

Hired na po ako sa isang pabulosong kompanya. Hindi ko na sasabihin kung ano po, saan na lang po. Matapos ang dalawang linggo pagfollow-up ng mga kinakailangang dokyumento, makisiksikan sa loob ng tren at ang walang kamatayang lakaran papuntang Makati. At last I was employed. Status ko pa nga sa facebook yan eh. Eight likes and ongoing comments. Post din pag may time.

Iba po pala ang ibig sabihn ng malapit dito po. Halos mapudpod at mapaltos na ang paa ko sa

kakalakad. DMD.

Ito po resume ko:

Name : Agapito I. Hampaslupa

Nickname : Jack

Birthday : February 29

Age : Doesn't matter

Status : Single

Sex : Never pa po.

Permanent Address : agapito_gwapokaayo@gmail.com

Religion : Catholic

Email-add : paulit-ulit?.

Uso pa po ba ang pagsusulat na liham ngayon?.

Tawagin mo po ako sa palayaw kong Jack.

Call me Jack.

Call Jack

Call Jack

Call Jack

Call Jack

Call Jack

Call.

Hoy! Tama na. Bad yan.

Wag na nga ate.

At uulitin pa talaga.

Unli?. Curious ka noh?. Haha. Di mo alam eh. Tanong mo sa mga boys.

Palibhasa babae.

PALIBHASA BABAEWhere stories live. Discover now