Lahat may hangganan. Ang sakit na nararamdaman mo ay maglalaho den kung bubuksan mo ito para sa ibang tao at para naren sa sarili mo. Kailangan mo magmove on, Move on? ang daling sabihin pero mahirap gawin.
May isang babaeng nangangalang Tiffany Can...
Nasa garden ako ngayon sa School. Pinalabas ako ng siraulong kalbo na yun eh. Pasalamat talaga siya may respeto paren ako sa nakakatanda except sa mga matatandang MASASAMA ANG NAIS.
Habang nagmumuni lang ako dito may narinig akong may naggi-gitara habang nakanta. Hindi ko tinignan kung sino. Pero alam ko nasa likod siya ng puno edi sa likod niya naman ako nagtago at pinakinggan siyang kumanta.
Magaling siya... yan ang unang lumabas sa utak ko. Nakakagaan ang boses niya. Pinikit ko ang aking mga mata habang pinapakinggan ko siyang kumakanta.
Ng biglang tumigil ito. Bat tumigil? Binuksan ko ang nga mata ko at bumungad saken ang lalaking may bitbit na gitara. Tss.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
"It looks like you're enjoying my voice my love" Sabi ni Carlos habang nakangisi at makikita mo sa mga mata niya na masaya siya. Tumayo ako sa pagkakaupo ko at pinagpagan ang palda ko. Hindi ko siya pinansin. Kunware walang nangyare kaya lalagpasan ko na sana siya ng higitin niya ang braso ko pero inikot ko ang kamay niya dahilan para mabitawan niya ako.
"A-a-aww~" Carlos. Binigyan ko siya ng malamig na titig na dahilan para tumaas ang mga balahibo niya. "Joke lang my loves --" Inikot ko lalu "Aww! syet bab---" Inikot ko uli "Aray oo na hindi na best joke lang yun" Binitawan ko na siya. Sa pagbitaw ko sakanya bigla siyang lumayo at nahalata kong namumula ang kamay at bumakat ang aking kuko.
"Sorry na best eto naman binibiro lang ehh" Sabi niya na parang naiiyak na habang hinihilot yung braso niya. Yes, He's My childhood friend. Well siya lang ang lalaking kaibigan ko.
Tumango lang ako at naglakad na palayo pero alam kong sumunod siya saken.
"I saw someone with you lastnight..." bigla siyang pumunta sa harap ko, habang hawak hawak niya ang baba niya na para siyang nagiisip. tsk isip bata kamo.
"I hope he's not you're boyfriend dear" seryoso niyang sabi. Yes, He's only my Bestfriend but the way he act is really not not not... I dont know-whatever.
Tumingin ako sakanyang mga mata na nagtatanong at... nasasaktan? "He's nothing in my life" sabi ko sakanya ng pa-bored. Minsan nakakasakal siya pero nasanay naren ako lalu na sa kakulitan niya... He's the only one person I can trust in this world where full of bullsh*t people.
Biglang lumiwanag mukha niya sa sagot ko. "Thanks for the answer mah' que---" Pinutol ko ang sasabihin niya, dahil hinila ko ang braso niya at lumapit ako sakanyang tenga, kunti na lang pwede ko ng mahalikan ang tenga niya.
"Subukan mong ituloy ang sasabihin mo, isang isa kana lang Carlos tatama na sayo tong kamao ko" bulong ko sa tenga niya. Ramdam ko ang pagkagoosebump sa braso niya "Kapag may nakarinig nun papatayin kita" at tinulak siya ng bahagya.
Sa canteen muna ako tatambay nagugutom naren ako ugh. Tas maslalu akong na-badmood dahil sa mokong na yun.
Dumerecho ako sa counter at nagorder ng fruitsalad. I love veggie. Pagkatapos nun nagbayad na ako at kinuha ang order. Naghanap ako ng mauupuan. Hindi lang naman ako ang tao dito, may mga magcouple sa right ko at may nagiisang lalaki sa left ko I guess I pick the middle.