Napaisip at napangiti ako sa narinig mula sa kanya. Tutal wala naman talaga akong gagawin sa summer why not magpaturo na lang ako kay Andrei magluto.

Plano ko nga sanang mag-enroll sa cooking class kaso nagdadalawang isip ako. Andrei's idea would be great. Mas maganda kung siya na lang ang magturo sa akin. Sa tingin ko mas marami akong matutunan sa kanya. Libre na at ako lang ang tuturuan niya.

Nasabi ko na bang masarap magluto si Andrei. One time kasi inaya niya ako sa kitchen lab dahil may ipapatikim daw siya sa akin. HRM kasi ang course niya. Hindi sana ako sasama sa kanya kaso mapilit siya. Kailangan niya raw ang opinion ko dahil iyon 'yong food na ipepresent niya for their midterms.

He don't need my opinion dahil masarap talaga siyang magluto. Ilang beses na rin niya akong pinapa-pre taste at busog talaga ako palagi. 'Yan din 'yong mga time na hindi kami magkasama ni Summer. Mabuti na lang palaging nandyan si Andrei. Sana sa kanya na lang ako nagkagusto. Pero hind ko siya kayang paasahin. Mabuting tao si Andrei para saktan ko ng ganoon.

Maganda ng magkaibigan kami. Naiintindihan niya ako kahit na hindi ako magsalita. Parang ang dali lang sa kanya na basahin ako.

"So... What do you think?" Muling tanong niya.

"Yeah. That's a great idea."

"Yes! I can't wait to be with you all summer long. Uhm... S-sorry." Mukhang hindi inaasahan ni Andrei ang sinabi niya. Maski ako nga nagulat. Naawkward tuloy ako.

"T-Tell me Andrei, may gusto ka pa ba sa akin? Hindi ka naman umaasa diba."

Napaiwas siya ng tingin pero agad din naman niya iyong ibinalik sa akin. "Of course, I still like you. Umaasa din ako kasi nga gusto pa kita but I know where I stand. Alam kong mawawala rin ito, unti-unti ko pa lang naman nakikilala ang sarili ko kaya don't worry dahil ang gusto ko lang sa ngayon ay maging kaibigan kita. Ikaw lang kasi ang nakakaintindi rin sa akin ngayon."

Napahinga naman ako ng maluwag. "That's a relief."

"Mabuti pa tapusin na natin ang pagkain."

"That's a great idea."

Pagkatapos naming kumain ay gumala pa kami sa mall. May bibilhin di kasi akong album ng Twice, Gfriend, Seventeen, Got 7 at EXO. Sana may available pa. Huwag niyo na ring itanong, adik ako sa kpop okay.

"Mahilig ka pala niyan?" Tanong ni Andrei habang naghahanap ng mga albums. Mabuti na lang at may mga available pa. Isa na lang ang kulang.

"Yeah. Matagal na. Ikaw anong pop country ang gusto."

"Random. Pero I'm on OPM. Nakikinig din ako ng korean music. Favorite band ko ang CN Blue at Ft Island. Sa solo si Taeyeon. Sa mga group Btob ako."

Nabuhay naman ang pagkatao ko sa narinig sa kanya. Mahilig din pala siya sa kpop. Gosh! Magkakasundo talaga kami nito.

Bumili din ng album si Andrei tulad ko. Pagkatapos naming mamili at mabayaran ay sa dept. store naman kami pumunta. May bibilhin daw kasing shoes si Drei.

"Iba talaga kapag mayaman." Komento ko nang makapili na siya ng shoes.

"Malaki lang kasi ang naipon sa allowance ko."

"Oo na. Pero mayaman ka talaga."

"Ikaw naman din."

Kasalukuyan kaming namimili ng mga damit ni Drei nang mahagip ng mata ko ang dalawang tao.

Si Summer at Danica.

They are sweet as sugar. Magkahawak pa sila ng kamay. May hindi ba sinasabi sa akin si Summer. Sila na ba ni Danica? Hindi naman kasi ata tamang magkahawak ang kamay nila kung hindi sila.

Agad na gumuhit ang pamilyar na sakit sa dibdib ko. Mas masakit ngayon.

"Okay ka lang?" Tanong ni Andrei but I didn't bother to answer him. Napansin ko na napatingin din siya sa tinitingnan ko.

"You know what, mas maganda ang mga damit do'n. Let's go." Pag-aya ni Andre sabay hawak sa braso ko at hinila ako.

Hindi pakami nakakalayo nang marinig ko ang pangalan ko sa likurang bahagi ko.

"Trey, hintay!" Sabi pa nito. Please Andrei, bilisan mo ang paghila sa akin. Ayaw ko siyang makita, ayaw ko siyang makaharap. Matapos ang ginawa niya ngayong araw, hindi ko na gustong dagdagan pa niya.

"Bitawan mo nga siya Andrei!"

Itinigil ni Andrei ang panghihila sa akin at binitawan ang braso ko. Nakaharap na siya ngayon kay Summer habang ako nanatili kung saan nakaharap.

"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?" Bungad na tanong niya sa akin.

Hindi ako sumagot. I feel like there is something in my lungs that I cannot speak.

"Humarap ka nga sa akin Trey. May sasabihin ako. Gusto ko ring humingi ng sorry dahil hindi ako nakahabol. Sinundo ko pa kasi si Danica." Napapitlag ako nang hawakan niya ang braso ko at hinila paharap sa kanya.

Pumaharap din ako pero nakatungo lang. Kalahati lang ng katawan nila ni Danica ang nakikita ko.

"Hi Trey." Bati nito sa akin. Napaangat ako ng tingin dito. "Hi." Bati ko rin at tumungo ulit.

"Nice to see you. Sorry pala kung nalate kami ni Summer. I forgot that we will go out with you and your friends kaya hinintay pa niya ako dahil hindi pa ako nakakapaghanda." Paghingi ng paumanhin nito. I heard a bit of sarcastic tone in her voice.

Someone is getting b!tchy. Sana hindi ako nagkamali ng pagkakakilala sa kanya. I hope she's the approachable Danica I know. Kung sa pagiging b!tch, iyan ang mahirap i-deal.

"Okay lang." 'Yon na lang ang nasabi ko kahit pa sobrang hindi okay sa akin. Kahit ang sakit sa akin.

So 'yon pala ang dahilan.

"Sa'n ang punta niyo?" Muli kong narinig na magsalita si Summer. Parang ako ang tinatanong niya.

"We're going to buy clothes." Si Drei ang sumagot.

"Hindi ikaw ang tinatanong ko." Supladong saad ni Summer. Hindi talaga maganda ang turing niya kay Andrei.

"Dan, kakausapin ko muna bestfriend ko saglit."

"O sure."

Sa mabilis na pangyayari ay nakahawak na sa braso ko ang kamay ni Summer at hila-hila palayo kina Andrei at Danica. Nasa kabilang stall ng mga damit.

"Trey sorry. Hindi ako umabot. Maganda ba 'yong movie?"

"Okay lang. Naiintindihan ko. At oo maganda ang movie." Pinilit kong maging normal kahit sobra na akong nahihirapan.

"Pero Trey may sasabihin ako sayo na ikakatuwa mo."

Nang tingnan ko siya, halos mapunit ang labi niya dahil sa pagngiti niya.

"A-Ano 'yon." I never saw him this happy. May mas ikakasaya pa pala siya. Pati mata niya ngumingiti rin. Ang sarap sa pakiramdam na nakikita siya ng ganito.

"Kami na ni Danica Trey. Sinagot na niya ako kahapon. Sayang nga lang at plano kong ipaalam sa inyo ni Mikael ngayon kaso ayun nga nagkaroon ng problema.

I'm speecless. Totally speachless while hurting.

Hindi ka na napapagod na saktan ako Summer?

***

He's the Brother of My Kuya's Bestfriend (Book 2 Of MKB) (Boyxboy)Место, где живут истории. Откройте их для себя