Chapter 10: Tired

Start from the beginning
                                    

Ihahanda ko na naman ang sarili ko sa sakit. Nakakapagod na eh. Umamin man ako o hindi, masasaktan at masasaktan pa rin ako. Siguro mas mabuti ng ganito, paminsan-minsan kailangan ko ring magtampo sa kanya. Tao pa rin ako at marunong makaramdam ng ganoon.

Tumayo na ako at lumapit sa dalawa na nag-aaway pa rin.

"Hey!" Napalingon naman sila nang tawagin ko. "Let's go the two of you." Tinalikuran ko na sila at nagsimulang maglakad.

"Hindi na natin hihintayin si Summer, Trey?" Tanong ni Mikael na nasa tabi ko. Gano'n din si Izzy.

"He will not come. Hayaan na natin siya. Baka busy ulit." I try not to sound sarcastic.

Hindi ko na kasi mapigilan ang sarili ko. Parang wala na kami sa kanya. Ni hindi siya nagtetext na hindi siya dadating. The best sa paasa. Katulad lang siya ni Ash. Magkapatid mga sila. Arghh!

Nakakainis. Nakakainis. Nakukuha kong magalit sa kanya pero kapag nasa harap ko na siya instant nawawala ang lahat ng galit.

"O---kay."

Mas binilisan ko na lang ang paglalakad. Baka mas mainis pa ako kapag naubusan kami ng upuan.

"Wait lang naman Trey." Narinig ko reklamo ni Izzy pero hindi ko siya nilingon at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Nasa pila kami sa ticketing booth nang may tumawag sa pangalan ko. Paglingon ko si Andrei. All smile ito na parang may magandang nangyari sa kanya.

Napalingon naman ang dalawang kasama ko sa kanya na nasa likod ko. Nagbatian sila pagkatapos ay tumingin sa akin si Andrei.

"Tabi tayo ah."

Mabuti na lang at may mga vacant seats pa sa loob ng sinehan. Tulad ng hiling ni Drei ay magkatabi nga kaming dalawa. Sa kabilang side ko ay magkatabi ang dalawang magkasintahan. Nakabili na rin kami ng popcorn at drinks namin.

"Kung alam ko lang na manonood ako edi sana nagtanong ako." Ani Drei.

"Well, sorry for that." Natatawang sabi ko na ikinatawa rin niya.

Nag-usap lang kaming dalawa ni Drei ng random things habang hinihintay na magsimula ang movie. Nang mag-umpisa na ito ay hindi na kami nag-usap hanggang sa natapos ito.

Pagkatapos ng movie ay dumiretso agad kami sa mga food carts para bumili ng makakain. Oo, gutom pa kami.

"Sagutin mo na." Napasingahap ako nang magsalita si Drei sa gilid ko.

Nakatingin ako sa phone ko. Tumatawag kasi si Summer. Nagdadalawang-isip ako kung sasagutin ko ba o hindi.

Mahirap man ay hindi ko sinagot ang tawag ni Summer. Inilagay ko ulit sa bulsa ang cellphone ko. Ngumiti muna ako kay Andrei pagkatapos ay tumingin na sa mga nakadisplay na pagkain sa isang food cart.

Pagkatapos makabili ng mga pagkain ay naghanap na kami ng mga mauupuan. May mga tables at chairs kasi sa gitna ng mga nakapalibot na food cart.

"Malapit ng matapos ang second sem no? Mhh... Anong gagawin mo this summer maliban sa trainings at practices natin." Panimula ni Andre nang makahanap kami ng bakanteng upuan.

Kaming dalawa na lang pala ni Andrei ang naiwan dahil umalis sila Mikael at Izzy. Si Izzy lang sana ang aalis kaso sinama niya si Mikael.

"Hindi ko alam. Siguro magiis-stay lang sa bahay. Boring nga ang summer ko eh."

"Why don't you come to our house or ako na lang ang pupunta. Boring din summer ko eh. Turuan kita magluto. Diba you wanted to know how to cook real food. I will share my mom's recipe to you."

He's the Brother of My Kuya's Bestfriend (Book 2 Of MKB) (Boyxboy)Where stories live. Discover now