Chapter 1: First Day of School ^-^

1.7K 12 3
                                        

"Mira, I have something to tell you." 

"Wag ka mag-english, nagno'nosebleed ako"

"Oh sige. Ahm, Mira .. kase .. ano ehh .. ahm .. Matagal ko nang gusto 'tong sabihin sa'yo."

"Aber, ano yun?"

"Mahal Kita."

"Naku . Kung alam mo lang Chris. Matagal na rin kitang mahal, natatakot lang akong sabihin sa'yo"

"Okay na ngayon. Nasabi mo na. I love you very much Mira."

[ Papalapit na ang mukha ni Chris kay Mira, hahalikan na siya .. ]

BOOM ! PAK !

"Aray, ang sakit !"

"Hoy ate Mira, kanina pa kita tinitignan jan habang natutulog ka. HAHAHA. Nakakatawa ka ate sobra! Nagsasalita habang natutulog. Bleh ! Buti nga sa'yo nalalaglag ka sa kama mo, at natauhan ka rin !" sabi ni Lira, kapatid ni Mira.

"Aishh. Whatever Lira. Uy, teka, paano ka nakapasok sa kwarto ko?!"

"Ate, matagal ko nang sinabi sa'yo, I have superpowers!"

"Kilikili powers kamo. HAHAHA"

"Ewan ko sa'yo! Pumasok ka na nga ate, male'late ka na! First Day of School pa naman!"

Shemayy, oo nga! 7:30 na pala. Haruu ! Nakakainis talaga. Hindi pa natuloy yung maganda kong panaginip! Anyways, okay lang. Makikita ko naman sya ngayon eh, ang lalaking pinapangarap ko, si Chris. Chris Residencia. Pati na rin ang mga BEST FRIENDS FOREVER ko. WHAHAHA. :D 

Oo nga pala, ako si Maria Frencheskka Elaine Mira Verde, Mira for short. Ang ikli ng pangalan ko noh? Ewan ko nga, kase sa aming dalawa ni Lira, mas mahaba yung pangalan ko. Panganay kasi ako eh. 

Way back to the story ko,yun, dahil sa medyo ka'badtrip'an, binilisan ko na lang kumilos. Then right after, nagmadali na akong nagpaalam kina Mommy at Daddy para pumasok.

SA SCHOOL [Mira's POV] 

Oh my goshness. Ang laki na ng pinagbago ng University namin, lalo na dito sa College Department. Dati pumapasyal-pasyal pa kami dito ng BFFS ko nung high school. Well, sabi kasi nila, maraming nirenovate at pinagawang buldings during the summer vacation. Malaki tong University namin. In fact, lagi na lang dito ginaganap yung mga Championships sa iba't ibang sports, basketball, volleyball,etc. Sa lawak ba naman din kase ng court namin. And since malaki itong aming university, marami ding students ang nag-aaral dito. 

Ayy, oo nga pala, college na ako ngayon. Actually, first year college taking up the course Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management. 

Nung naglalakad na ako papunta sa destination ko, which is the Freshmen's rooms, sinalubong ako ng mga BFFS kong sina Ellie at Fam.

"BFF! Kamusta naman ang summer vacation?" tanong ni Ellie.

"Oo nga, enjoy ba? How about Chris? Nakakatext mo ba sya or nakakachat?" sumbat naman ni Fam.

"Haays.Ayos lang ang vacation. Not that bored di katulad nung last year. You know what? Nageenjoy ako kahit di ko man lang nakakatext or nakakachat si Chris, kase lagi ko syang napapanaginipan. And take note girls, its always about me and him. Lagi na lang kaseng nasa panaginip ko na may feelings din sya para sa'kin."

"Haay. Oh! Sana nga totoo na lang yan. Mira, I'll be happy if mangyayari talaga yan." sabi ni Ellie

"Lagi kang maga'update ha!" sabi ni Fam. 

Itutuloy pa sana namin ang chikahan, pero biglang tumunog yung bell, which means .

Start na ang classes.

Sabay-sabay kami nila BFFs na pumasok sa room namin, dahil magkakaklase pa rin naman kami eh. 

Nakaupo na sila BFF, at ang natitira na lang na upuan ay ung sa tabi nung isang lalaking nakatungo, para kasing may inaayos sya sa baba ng upuan nya.

"Can I sit right next to you?" 

"Sure."

Oh Em Gee. Familiar ang voice na yun! Could it be?

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Si Ma. Frencheskka Elaine Mira Verde po yung nasa picture. :D

The UNEXPECTED.Where stories live. Discover now