"ETHAN, ikaw naman"

Sakto naman na ako na yung dadaan. Sya pa talaga ang mag rarate sa akin? 

"1


Medyo natigilan naman ako. Pero saglit lang. Ayaw ko naman na mahalata na apektado ako sa sinabi nya.

1?!!

Malabo ba mata nya? 1?!! talaga?!! Eh yung babae kanina 8 yung rate nila tas ako 1?!! Nakakainis lang kasi huwag naman nya masyadong ipamukha sa akin na ganun lang kaliit ang tingin nya sa akin. Huwag naman nya masyadong ipagdiinan na WALA TALAGANG PAGASA NA MAGUSTUHAN NYA AKO!!

1 talaga?!!

Sana nagbigay man lang sya ng consideration di ba?

plus 1 pa sana kasi kapatid ako ng kaibigan nya.

plus 1 pa sana para sa mga pagkain na kinain nya sa bahay namin.

plus 1 pa sana para sa mga gabing nakikitulog sya sa bahay namin.

plus 1 pa sana kasi schoolmate kami.

plus 1 pa sana para maka 5 points man lang ako. para naman kahit papano napakalahati ko man lang. Para kahit papaano katanggap tanggap naman. Pero ang 1?!! bulag ba sya?!!

TAYO NA LANG (Published under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon