Nagsimula ang lahat sa isang gabing panaginip. Noong una, nakakatuwang nakapanaginip ako ng ganoong klase ng pangyayari dahil mayroon akong kahiligan sa mga aksiyon movies. Idol ko pala si Angelina Jolie kahit break na sila ni Brad Pitt.
Pero noong mga sumunod na mga araw, naulit pa ito ng ilang beses. Mga iba't ibang senaryo ngunit iisa lang ang pinapakita, ang walang awang pagpatay ng isang babae sa mga inosenteng tao - bata, matanda, babae o lalaki, mapera man o wala - walang ni isa ang may kawala.
Mayroong mga beses na nagkakatinginan kami, at kahit hanggang sa paggising ko, naramdaman ko ang lamig ng kanyang titig. Hindi iyon dahil sa electric fan na umuugong sa aking tabi, o dahil sa aircon na naka-on kasi wala ako niyon, kundi ang lamig na iyon ay parang isang titig na alam lahat ng pagkatao ko.
Walang kurap at walang awa niyang pinagpapatay ang kanyang mga target. Sa katunayan, para siyang isang robot. Sinusunod ang bawat utos ng kanyang amo, ito man ay karumaldumal o isang kasuklamsuklam na krimen.
Sa mga sumunod na gabi, ganoon parin ang mga eksenang nangyayari sa mga oras na ako'y nananaginip - mga pagpatay ng mga iba't ibang klase ng tao. Mayroong mga nagmamakaawa, humahagulhol para sa kanilang buhay ngunit ultimo ang paghingi ng kanilang kaunting oras ay hindi pinapatapos.
Siya ang babaeng lagi kong pinapanaginipan. May maliit na katawan, balingkinita, at may mahabang buhok. Ngunit ang porma ng kaniyang mukha, labi't ilong, ay tila isang silweta. Palagi itong malabo kapag pilit kong inaalala at kapag pinupuwersa ko ang aking utak na alalahanin ang lahat, sumasakit lang ang aking ulo.
Ngunit isa lang ang masasabi ko sa lahat ng aking mga nakikita, hindi ko man alam kung bakit o paano, nararamdaman ko, mayroong namamagitang hindi matukoy sa aming dalawa.
Ako nga pala si Zedrieven Dela Feuel. Isang labinsiyam na taong gulang na estyudente na ang akala'y normal lang ang pamumuhay niya sa walang kakulay-kulay niyang mundo. Sinong mag-aakalang may pipintura sa buhay niya ng kulay pula? Kulay pula hindi dahil sa pag-ibig ngunit dahil sa madugong pangyayari na akala niya ay isa lamang panaginip?
Tunghayan.
KAMU SEDANG MEMBACA
Clandestine
AksiMga sumusunod na bahagi ay maaaring tunay o hindi, kapani-paniwala man siyang basahin, maging isang impormatibo, alamin kung ano ang totoo. Ito ay base lamang sa aking imahinasyon. Ngunit mayroon ding mga eksena, lugar, ngalan ng tao, hayop, o bagay...
