Chapter 20

1.8K 35 1
                                    

JHOANA

"Yes beh?"

"Pwede magtanong?"

Hindi ko alam kung dapat ko bang tanungin to. Hindi naman kasi ako sure. Baka akala ko lang to and bata lang din yung nagsabi. Maybe mas mabuting panghawakan ko nalang yung sagot ni bea na wala lang nga yun.

"Ano yun beh?"

Anuna self? Sasabihin mo ba?

"A-ah wala haha"

Kinusot ko naman yung mata ko kasi para kong inaantok. Kinabahan ako ng biglang tinignan ako ni bea sa mata.

"I know ur mind is full of questions"

Seryoso nyang sabi. Halah ka jho. Ikaw kasi.

"Haha wala nga! Kulit mo beh"

Sabi ko sabay pisil ng pisngi nya. Wieee ang cute 😄💙

"Beh sa tingin mo pag umamin tayo kila mama magagalit sila?"

Biglang tanong ni bea.
Honestly ayoko to pag usapan kasi alam kong hindi 'to matatanggap ng mama ni bea and ni mama 😩

Kahit yung sarili ko hindi ko din naman tanggap nung una eh. I dont even know bat ako na inlove kay bea. Ilang beses ako kinausap nila ate ells and jia pero ang alam ko lang mahal ko si bea. Hindi lang to basta emotions or thoughts. It's a deep feelings, na kahit sino and kahit ako hindi maintindihan. Basta gusto ko sya laging kasama, kausap. Gusto ko lagi ko syang nakikita. And i think sapat na yun.

Nawala 'ko sa pag iisip ng biglang nagsalita ulit si bea.

"Huy! Beh okay ka lang?"

"A-ano yun?"

"Eto hindi nakikinig. Sabi ko sa tingin mo matatanggap kaya tayo nila mama?"

"Uhmm maybe?"

"Hahaha jho. Yung maayos naman." sabi nya habang tumatawa. Pero alam kong nagpapanggap lang sya. Halata ko naman kasing kinakabahan tong babaeng to eh.

"Akala ko makakalusot na. Haha. Pero beh. Hindi ko alam kay tita det. Pero kung kay mama. 100% hindi nya to matatanggap" 😩

Nakita ko naman syang huminga ng malalim. Haynako bea. Kung kaya lang kita ipaglaban. 😞

"Hahaha beh grabeh ka naman. Nilamangan mo pa yung safe guard"

Grabeh ka din naman beatriz. Halata naman sayong nasasaktan ka pero nagpapanggap ka parin na masaya.

Gusto ko sabihin yan sa knya ngayon kaso wag nalang 😔

"Don't worry beh. Soon okay? Masasabi din natin to kila mama. Pero sa ngayon. Mag enjoy muna tayo. Kasi pag nalaman nila to. For sure problema na." pag checheer up ko kay bea para di nya muna isipin to. Ay mali. Sa totoo lang ang dami nya palang iniisip ngayon.

"Okay. All i want for you is to be happy. That's all" 😊

Tapos ngumiti sya ng napakalawak.

Halata kay bea na napakadami nyang problema. Pero bat ganun? Nakukuha nya parin ngumiti.

"Jhow. Alam mo bang ang tagal ko hinintay na mangyari to. Na magkasama tayo tapos masasabi ko sayo yung salitang i love you ng madali nalang. Akala ko kasi hindi mangyayari eh. Ur just one of my dreams before. Ngayon na-achieve ko na. Iniiyakan pa kita dati. Hahaha ang corny"

Nabigla naman ako ng biglang nagsalita si bea ng tuloy tuloy tapos about pa sa topic na yan. Knowing bea. Hindi sya open sa ganyan kasi nahihiya sya.

MEMORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon