Journey of a 256 Paged Book

33 3 0
                                        


"Nararamdaman ko na. Naririnig. Naaamoy. Nakikita. Nalalasahan."

Tiningnan lamang ni Sosay ang kaibigang si Say-pay habang inaakto nito ang bawat mga salitang sinasabi. Natatawa s'ya sa itsura nito dahil halos hindi naman ito makagalaw dahil sa plastic na nakabalot dito.

"Nakikita mo ba? Nakikita mo ba, Sosay?"

Kinagat na n'ya ang kanyang mga labi para pigilan ang pagtawa. Gustuhin man n'yang seryosohin ang kaibigan; hindi n'ya magawa. Masyado talagang comedy ang itsura nito habang naiipit ang mga nanlalaking mata at mahahabang nguso sa plastic

"Ang pintuang 'yon?" Itinuro pa ni Say-pay nang eksaherado ang pintuan habang nagsasalita. "D'yan papasok ang mga taong magkakagulo sa atin. Hahawakan nila tayo. Babasahin ang likuran. Titingnan ang bawat sulok ng cover. Susuriin ang bawat pahina. Aamuyin. Titikman—"

"Pwedeng 'wag kang malikot?!"

Parehong silang napabaling ni Say-pay sa biglang nagsalita sa likuran nila. Nakita nila ang isang librong manipis na may malambot na cover at nagkatupi-tupi na sa likuran nila.

"O, paumanhin, kaibigan," agarang saad ni Say-pay. "Ngunit anong ginagawa mo r'yan? Romance ang genre rito. Horror ka naman. Hindi ba dapat nasa kabilang shelf ka?"

Ngumisi muna ang librong nasa likod nila bago sumagot. "Dahil natatakot ang isang mambabasa na maubos kaagad ang kopyang tulad ko kaya itinago—"

"Hey, cut that crap, Tupi!. Almost three months ago ka nang nandito, hindi ka pa rin binabalikan ng nagtago sa'yo. 'Wag ka nang umasa, uy!" sabat naman ng isang librong kulay asul na nasa ibabang parte ng shelf nila.

Unti-unti itong umakyat sa banda nila. Hindi alintana ang ilang librong nagrereklamo dahil naapakan nito.

"Magsitahimik nga kayo! Gugusutin din kayo ng mga bibili sa inyo sa bag nila kaya 'wag kayong maarte!" Matapos sigawan ang mga narereklamong libro ay bumalilng naman ito sa kanila.

"Hello, I'm Blue. Romance-tragedy ang genre ko. Tungkol ako sa isang babaeng gustong magmahal pero laging ginagago ng mga taong minamahal n'ya. Isang kwentong patunay na walang forever."

Tumawa pa si Blue pagkatapos sabihin 'yon.

"Hi—" Bago pa man s'ya matapos kanyang sasabihin ay nagsalita agad si Say-pay.

"Ako nga pala si Say-pay! Science-fiction-slash-romance naman ang trip ng writer ko. Tungkol ako sa isang taong na-in love sa isang artificial intelligence. Tapos nalaman n'ya na ginawa pala talaga ang program na 'yon para sa mga tulad n'yang nag-iisa sa buhay at na-realize n'ya na mag-isa lang talaga s'ya sa mundo."

"Wow." 'Yon lang ang nasabi ni Blue sa mga sinabi ni Say-pay. Halata sa mukha nito na namangha talaga ito sa kwento ni Say-pay. Sinuri nito ng tingin ang kabuuan ni Say-pay. "'Yon nga lang, hindi kilala ang author mo."

Matapos sabihin 'yon ay muling s'yang binalingan nito. Ngunit bago pa man uli s'ya makapagsalita ay muling dumawit si Say-pay.

"S'ya naman si Sosay. Mahilig sa societal issues ang sumulat sa kanya Sosay ang itinawag namin sa kanya. Tungkol sa buhay ng mga taong-kalye ang kwento n'ya. Alam mo na mga mahihirap na nagkainlaban tapos hindi naman magawang tustusan ang mga pang-araw-araw nila."

Nang bumaling si Blue sa kanya ay nakataas na ang isang kilay nito. "Hindi na uso ang mga ganyang kwento ngayon."

Napalunok s'ya nang lumapit sa kanya si Blue at sinuring mabuti ang kanyang itsura. "Hindi rin kilala ang writer. Wala kang pag-asa na mabili pa ng mga mamimili," sabi nito matapos s'yang tingnan mula ulo hanggang paa.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Dec 01, 2016 ⏰

¡Añade esta historia a tu Biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Journey of a 256 Paged BookHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora