Chapter Seventeen: Clouded (2)

2K 48 7
                                    

Tama na muna sa comedy sa susunod na update ko na lang :)

ITO ANG NAPAPALA NG MGA MAHILIG MAG "I THEREFORE CONCLUDE"

______________________________________________________________________________

[Clarisse's POV]

Para akong timang dito kanina pa ako umiiyak.. Pag uwi ko palang umiiyak na ako.. Basang basa na ang unan ko.. Eh bakit nga ba ako umiiyak?! Nakakainis naman kasi si Zack. Sasabihin niya na mahal niya ako pero bakit ganun? Hindi niya ako pinapansin..

I deserve it anyway.. Yung tono kasi ng sagot ko sa kanya parang nirereject ko siya eh.Pero that's not my intention.. Hindi ko lang talaga alam ang isasagot dahil hindi ko tlaga ineexpect na sasabihin niya yun eh..

Somebody knocks at my door.. "Clarisse kakain na!" sigaw ni Pierce..

"Wala akong gana! Kayo nalang kumain!"

"Badtrip naman oh! Tayo nalang nga ang magksama dito sa bahay ngayon ayaw mo pa akong samahan! Samahan mo na ako kumain! Birthday ko ngayon pagbigyan mo ako!!" O__O birthday ni Pierce! "Sigeeeee naaaaaaaaaaaa!!"

"Ahhh sige na nga!" Tumahan na ako tapos pinunasan ko luha ko.. Pero naiiyak pa rin ako.. Lumabas na ako ng kwarto.. At nakita ko si Pierce.. "Birthday mo nga?"

"Hindi joke lang yun.. Sinabi ko lang yun para lumabas ka.."

"Ahh bwiset ka naman ehh!!" pinaghahampas ko siya..

"Aray aray! ano ba?" sabay hawak niya sa kamay ko.. "Ikaw niyayaya ka nalang kumain galit ka pa.. Tara na nga.." sabay hatak niya akin papunta sa kusina, may maliit na dining table doon diba..

"Kain ka na.." sabi sa akin ni Pierce..

"Luto mo?"

"Oo.." Ang niluto niya eh sinigang na baka.. So sabay kaming humigop ng sabaw ni Pierce at natahimik kami pareho.. Pumasok ang bad aura sa kusina at nagkatitigan kami.. "Gusto mo sa labas nalang tayo kumain? Treat ko.." sabi niya..

"Sige.." bakit ganun reaction namin? Wag niyo ng alamin..

So kumain kami ni Pierce sa isang restaurant -na malapit sa lugar kung saan ko nakita si Zack at Lia- kaso wala ng upuan sa loob mismo kaya doon kami sa labas nakaupo.. Sabi ko kay Pierce eh lipat nalang kami kaso ayaw niya.... Inorder niya ako ng sinigang na beef again.. "Bakit ba lagi kang naka sinigang Pierce?"

"Ehh ayan ang favorite ni Chelsey eh.. Pinagaaralan ko.."

"Ah okay.." wala ako sa mood mang-asar o mangulit.

"Ikaw bakit namamaga mata mo? Umiyak ka nanaman no? Iyakin ka talaga.." =___= pigilan niyo ako papakainin ko ng kutsara to..

"Eh wag kang magulo! Kumain ka nalang.."

"Okay sabi mo eh.." maya maya may parang tinanaw siya sa may bandang likuran ko.. "Diba si Zack yun? Sino yung kasama niya? Girlfriend niya?" Napalingon ako.. Si Zack nga at si Lia, nakaupo sila sa isang resting bench doon, malapit sa amin.. Ginagamot ni Lia ang mga sugat ni Zack.. Hala bakit napano si Zack? Nakipagaway ba siya? "Akalain mo yun may girlfriend pala si Zack.. All this time akala ko ikaw ang gusto niya.." nanliliit ako sa mga sinasabi ni Pierce..

"Ano ka ba? Imposible namang magustohan ako niyan.. Eh nireject na ako niyan dati.." nanlaki ang mga mata ni Pierce..

"Talaga? Kailan?" kinwento ko sa kanya yung nagtapat ako kay Zack nung after ng graduation namin, at nireject ako ni Zack..

"Wow may ganun pala kayong history ni Zack.." ayun na ang end ng conversation namin at lumafang nalang kami ng bonggang bongga.. Dinedma ko nalang si Zack.. Kung may eraser lang sa memories talaga.. (__ __)

Five (A House Rumble)Where stories live. Discover now