Crazy Paper :) chapter 9

12 1 0
                                        

"Kre, may scheduled seminar ka pala sa Cebu.",sabi ni Jasmin kay Krezia habang  nagmamadaling inaayos ang kanyang bag. "Bakit ngayon mo lang sinabi?Kailan ba yan?",iritadong tanong nito kay Jasmin dala ng pagkagulat sa surprise appointment. "Bukas.",sagot nito. Nandilat ang mata ni Krezia sa sinabi ng secretarya.

"Bakit ngayon mo lang sinabi? Ano oras flight ko?",sagot nito habang patuloy na nag-aayos. "7 am po.",sagot nito habang nakayuko. "Sa susunod sabihin mo na sa akin Jas para hindi ako natataranta..",mahinahong sabi nito at agad na umalis para sa isang meeting kasama sina Boss Phillip at iba pang Djs.

Tahimik at nakapikit na nakikinig ng Music sa kanyang IPOD si Krezia gamit ang kanyang headset. Biglang naramdaman niyang may nakaupo sa kanyang tabi ngunit hindi niya iyon pinansin. Di nagtagal ay dinalaw siya ng antok dahil sa pinapakinggan ng biglang lumapit ang stewardess at may inabot na menu. Naiiritang tinanggal ni Krezia ang kanyang headset at binalingan ng tingin ang katabi ng napansin niyang panay ay pangangalabit nito sa kanya. Imbis na magulat ay mas nabigla pa ito sa kanyang nakita, Si Resty!

"Miss, she would like you to sit properly, you're slouching.",sabi nito sa isang pormal na boses. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala sa nakita kaya agad rin siyang umayos sa pagkakauupo. "Thank you maam, would you like to order something?",magalang na tugon ng stewardess. "Pancakes with black coffee Miss, Thank you.",pormal rin nitong sagot. Biglang nailang si Krezia sa katabi na nagbabasa ng newspaper habang kumakain ng sandwich kaya mas ibinabaling niya ang atensyon sa mga ulap.

Hindi rin nagtagal ay dumating na rin ang kanyang order. Agad niyang nilagyan ng butter ang pancake atsaka nilagyan ng maple syrup.  Bigla namang gumalaw si Resty dahil inililipat niya ng pahina ang newspaper ng natapon ang maple syrup sa newspaper na binabasa niya. Nagulat si Krezia sa kanyang nagawa at awtomatikong ipinupunas ang tissue sa may pantalon ni Resty. Nailang naman si Resty sa ginawa nito kaya kinuha na lamang ang tissue at siya nagpatuloy sa pagpupunas.

"Di ka pa rin talaga nagbabago.",pabulong na sabi into habang pinupunasan ang pantalon. "Excuse me?",iritadong tanong nito.

Isang ngiti lang ang iginanti ni Resty sa kanya. God knows how I missed his smile!Di man niya aminin ay namimiss nya na ang ngiting ginawa niyang mundo niya. Kahit malaki ang ibinagsak ng katawan nito ay di parin maikukumbli ang sobrang gandang lalaki nito. Di rin niya maiwasang tingnan ang kanyang pag-itim pero bagay naman ito sa kanyang puting polo shirt na sinusuot tama rin upang lumabas ang kanyang kulay moreno.

Patuloy na lamang siyang kumain, kahit masarap ang pagkain ay hindi maiwasan ni Krezia ang kumain ng nakausmod ang nguso. Nang biglang napansin niyang nakatingin na pala si Resty sa kanya.

"Bakit?",tanong niya rito. Isang iling lang ang isinagot ni Resty sa dalaga. Siguro ay napansin nitong naka-make up siya dahil noon ay hindi naman siya naka-make up kapag lumalabas. Biglang na concious si Krezia sa kanyang mukha kaya mas yumuko siya.

Buong oras ay nagkailangan lang ang dalawa dahil sa sobrang dikit ng kanilang upuan. Hindi naman maiwasan na magnakawan sila ng tingin. Hanggang sa dumating na sila ng Cebu at dahan-dahan lumapag ang eroplano sa Cebu Airport. Unang umalis si Resty ngunit hindi na nasundan ni Krezia kung saan na nagpunta dahil sa sobrang napakaraming taong bumababa sa eroplano.

Sa Arrival Area ay pilit na pinapasyal ang mata sa paligid dahil tila wala pa ang kanyang sundo. Mahigit na Alas 11 na ng tanghali ay wala parin ang sundo niya kaya napagpasyahan niyang pumara ng taxi. Akmang papara na siya ay may isang puting Mitsubishi Montero sa kanyang harapan. Kumunot ang kanyang noo ng makita kung sino ang nasa loob.

"Halika na.", aya ni Resty sa kanya. "Don't bother.",tanggi nito habang pilit na naghahanap ng taxi. "Dali na, sulod na ba.",sabi nito sa wikang Cebuano. "Ano?",naguguluhang tanong nito. "Tingnan mo,sasakay ka ng taxi tapos di ka nakakaintindi ng cebuano. Halika na.",aya nito habang binubuksan ang pintuan.

Crazy PaperWhere stories live. Discover now