"Miss Lelina!!"
"Yes Ma'am?!!" napatayo ako bigla sa pagkakalupasay ko sa table ko at humarap sa nakakatakot na galit na itsura ni Mrs. Villanueva, ang English teacher namin. May hawak-hawak siyang meter stick sa kanang kamay niya. Nakuu po~!! Wag naman niya ako sana paluin sa pwet nyang dambuhalang ruler na yan!! ( TT ^ TT )
"Before everything else, I would like you to wipe off the drip on the left part of your lip," sabi ni Ma'am Villanueva. Hanu daw?!?! Straight english e! Nakakadugo. Pwede paki-ulet? Sa language naman na maiintindihan ko.
"Ma'am, Pardon?" sagot ko naman sa kanya.
Akala niya ha! Siya lang marunong mag-English? Kaya ko din ata yan! Maruong naman ako ng onting-onting English. Onti na nga lang yung alam ko, wrong gramming -este wrong grammar pa! San ka pa?! The best na ako ee!
"I said, would you like to dispose of that drool on your face!" sabi niya ulet.
Di ko pa rin maintindihan. British accent kasi siya, kaya ang dating sa isang unggoy na katulad ko na hindi masyadong magaling mag-English e nagsasalita na siya ng Marsian Language. Anong magagawa ko? Bagong gising na nga ako tapos mag-maMarsian talk pa siya.
"Ma'am, can you please repeat?" sabi ko ulet sa kanya. Di ko kasi talaga maintindihan.
"Ang sabi ko punasan mo yang laway na tumulo sa gilid ng labi mo!!! Is that so much to ask Ms. Lelina? You're already a fourth year student and you cannot even understand a simple sentence!" sabi ni Ma'am habang napa-kamot ulo na lang ako ( = 3 = )
"Hindi ka na nga ganun kabihasa sa English language, and you even dared to sleep in my class?! This is costing you a lot of demerits Miss Lelina!! After class, I would like you to spend your lunch break in the detention room," utos ni Ma'am.
"But Ma'am I - " nag-try akong magpaliwanag.
"No buts!" sabi ni Ma'am at pinaupo na ako habang pinagpapatuloy niya ang pagdi-discuss tungkol kay Shakespeare.
DETENTION?!?! Never pa akong nakapunta dun! Mula kasi bata clean ang record ko kahit di ako ganun katalino. Tapos ngayon, naglaway lang ako sa klase, detention agad?!?! Huhuhuhuhuhuhuh ( TT ^ TT )
Tapos lunch break pa ako pupunta sa detention room? Atat lang?! Pwede namang uwian na lang para makakain ako ng lunch diba?! Nagugutom pa naman ako. ( TTTT ^ TTTT ) Di ako pwedeng mag-skip ng lunch, mamamatay ako sa sobrang gutom!!
Hindi ko naman intensyon na matulog sa klase e. Nakatulog lang ako sa sobrang antok!! Pano ba naman kasi, si Jarrod the demonyito chi-nat ako kagabi sa Facebook. Binulabog pa ako eh stino-stalk ko pa yung wall ni Enzo!
Flashback:
*ting!*
Napatingin ako sa lower part ng monitor ko at nakita na nag-message si Jarrod sa akin. Haist!! Ano nanaman ang problema ng demonyitong ito?! Nambubulabog nanaman!! Jeez! Bakit ko nga pala siya inadd sa FB? Well, blinack-mail lang naman niya ako na sasabihin niya kay Enzo ang tungkol sa pagpasok ko sa shower room ng boys para magtapat. Hindi ko naman kasalanan yun e! Peer pressure lang!! ( > . < )
YOU ARE READING
Mission: Finding Mr. Superman
RomanceSi Melo Lelina ay isang babaeng 'No Boyfriend Since Birth' at kwinekwestiyon ang meaning ng love and soulmate. Paano na lang kung may natanggap siyang love letter na galing kay Mr. Superman? Whether it's the School's Prince Charming, her Dazzling Be...
