Prologue

116 4 0
                                        

Sa isang malaki at isang sikat na paaralan matatagpuan ang isang kakaibang babae.

Unang tingin mo palang sa kanya ay aakalai mong hindi sya tunay na babae dahil sa kanyang dating.


Maangas, Matapang, laging galit.



Sya si Athena Lacsamana, isang 4th year high school student. Isa sya sa may matatapang na personalidad sa eskuwelahan nila pero sa likod ng kanyang katapangan ay mayrron yang malambot na katauhan.


Oo matapang sya pero madali syang maawa sa mga taong walang wala sa buhay.


Hindi nya kayang makakita ng mga batang kung ano ano ang kinakain sa tabi ng kalsada. Kilala sya bilang isang matapang at walang kinatatakutang babae kaya naman ayaw nyang mayroong makakita sa kanya na naaawa sa mga taong walang wala sa buhay. Gusto nyang manatili sya kung ano yung pag kakakilanlan sa kanya ng mga tao.


"Sinong may sabi sa inyo na dito kayo pumwesto?" Tanong nya sa grupo nang mga kababaihan na nakaupo sa lugar kung saan sya madalas na umupo.


"Wala naman, gusto lang namin, bakit?" Matapang na sagot ng isang estudyante sa kanyang kaharap.


"Kilala mo ba kung sino ako?" Matapang na tanong nya sa estudyanteng nag tataray sa kanya.


"Sino ka ba? Bago ka lang ba dito?" Tanong naman nang isa pang estudyante sa babae na may pagka maangas ang pagkakatanong. Tumaas naman ang kilay ni Athena at napangisi.


"Ah oo, hindi nyo nga pala ako kilala. Kaya sige na umalis na kayo" pag pipigil nya sa sarili nya.



"Bakit mo ba kami pinapa alis, sayo ba to ha? Walang kang karapatan na utusan kaming umalis dahil kami ang nauna dito!!" sa makabilang banda meron naman punto ang babae sa kanyang mga tinuran ngunit nag init si Athena sa paghiyaw sa kanya ng babae kaya naman hi awakan nya ito sa kwelyo nang pagka higpit higpit.

"Sa lahat nang ayaw ko ay sinisigawan ako, ang lakas din naman ng loob mo" nakangisi nyang wika habang nakangisi sa babae.


"You're hurting me ah!" Wika ng babae na tila nahihirapan nang huminga.


"Sa susunod kahit na nasa tama ka wag na wag kang mag tataas ng boses kung hindi naman kita pinagtataasan ng boses ha? Kasi sa lahat ng ayaw ko eh yung pinag tataasan ako ng boses, naiintindihan mo ba iyon?" Nanggigigil na wika nya sa babae saka tinulak ito.


Nakatingin ang mga estudyante sa eksena nilang dalawa kaya naman nilisan na ni Athena ang lugar.


Dumeretso sya sa kanilang classroom,

Dumating sya sa classroom nila nang may magugulo na upuan,madumi ang sahig, may tapon ng tubig sa gilid, nagkalat ang basura sa loob, at maiingay na mga kaklase.


"Guys, pakilinis naman yung classroom natin" malambing na wika nya sa mga kaklase ngunit wala ni isa ang nakinig sa kanyang mga tinuran.

"Guyss, pakilinis naman yung classroom natin" medyo malakas na wika nya ngunit wala paein ni isa ang nakarinig sa kanya.


Madali naman syang nag init sa mga kinikilos ng kanyang mga kaklass kaya't kumuha sya ng isang silya at ibinato ito nang pagkalakas lakas sa pader.


Lahat ay nagtinginan sa kanyang ginawa, lahat ay nagulat at namangha.


"Hi guys, pakilinis naman yung classroom natin ang dumi kasi ehh" malambing na wika nya sa mga kaklase. Iniiwasan nyang makapanakit sa mga kaklase nya dahil para na nya itong mga kapatid. Walang nakinig sa kanya nakatingin lang lahat sa kanya, ilang segundo lang ang lumipas at bumalik ulit ang kanyang mga kaklase sa kanilang mga ginagawa.


Nagulat si Athena sa inasal ng mga kaklass nya sa kanya,

Maayos naman ang pakikipag usap nya sa mga ito ngunit bakit hindi manlang sya pinakinggan ng kahit isa manlang sa mga kaklase nya.

Muli syang kumuha ng upuan atnitinaob ito nang pagka lakas lakas.


"ANO BA?! HI DI BA SABI KO MAG LIBIS TAYO NG CLASSROOM?! BAKIT WALANG NAKIKINIG?! KILALA NYO AKONG LAHAT WAG NYPNG HINTAYIN NA AKO PA MISMO ANG GUMALAW SA INYO UPANG LINISIN ANG MGA KINALAT NYO!!" Nataihan ang kanyang mga kaklase at mabilis na naglinis ng classroom.


Wala syang magawa sa labas ng kanilang classroom, nakita nyang may paparating na grupo ng mga babae at nang dadaan na ang mga ito sa harapan nya ay hinarang nya ang paa nya sa daraanan ng mga babae dahilan upang matumba ng sunod sunod ang mga ito.


"Ooopps, sorry!" Wika nya at nakangisi sa mga babae. Saka tumakbo papasok sa kanilang classroom upang hindi na sya masundan pa ng mga ito.



Nang makita nyang malinis nang muli ang classroom, at busy nanaman ang kanyang mga kaklase sa pakikipag kwentuhan kumuha sya ng ballpen at sinira ito, may lumabas na ink dito at saka nya pinhid sa puting pader ng classroom ang ink.

Iningatan nyang walang makikitang ink sa katawan nya.



"SINONG GUMAWA NITO SA PADER?!" Sigaw nyang muli dahilan upang mapatingin ang mga kaklase nya sa kanya.


"WALANG SASAGOT?!" muli nyang tinakot ang mga kaklase sa pagsigaw.


"Ako ako!!" Natatarantang sugaw ng isang lalaki saka nag mamadaling kumuha ng basahan at pinunasan ang pader.


Muling lumabas ng classroom si Athena nang may tatawa tawang muka.

Ganyan lamang ang kanyang ginagawa sa mga panahong wala sya g magawa sa buhay.
Mantitrip sya kung kailan nya gusto dahil alam naman nyang takot sa kanya ang mga tao.


Natapos ang isang buong araw ni Athena na punong puno nng pantitrip sa kapwa nya mga estudyante.


Matapos nang kanilang klase ay nagtungo na sya sa kanyang madalas puntahan.

Ang The Children's Home, na pinatayo nya para sa mga batang walang matirahan at wala nang mga magulang. Oo pinatayo nya ito, ngunit walang kahit na sino man ang nakaka alam nito bukod sa mga parents at staff ng nasabing lugar.


Galing sa isang mayamang pamilya si Athena kaya naman naisipan nyang mag patayo ng ganitpng lugar para sa mga batang walang matuluyan. Ito ang sikretong ini-ibgat ingatan nya matagal na dahil ayaw nyang may maka alam ni isa sa mga kakila nya.

Kaya naman sinabihan nya nag parents at staff ng nasabing lugar na huwag sabihin kung kanino nakapangalan ang lugar na ito kaya walang kahit na sino ang nakaka alam dito.

Dito sya madalas mag palipas ng araw kapag walang pasok at tuwing uwian nandito sin sya upang makipag bonding sa mga batang nakatira dito.

The Bad Girl's SecretMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon