Bakit?

31 1 0
                                        


@Miss_Silent_Stalker

This is a work of fiction, names, characters, businesses, events, places and incidents. Or either the products of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. 

Do not publish, distribute, transmits, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any other way. Please obtain permission. 

Sorry for all typo errors/grammar.

***********



Isang ordinaryong estudyante lamang ako. May normal na buhay at may simpleng pangarap.

''George! Bilis paakyat na si Sir! ''

Tanging tango lamamg ang ibinigay ko sa aking kamag aral.

Hindi ako mahilig magsalita pero kapag kinakailangan sumasagot naman ako.

Pagpasok ko sa loob ng silid aralan may mga kanya kanyang ginagawa ang mga kaklase ko. Ang iba nag kwe-kwentuhan, nag lalaro at gumagawa ng assignments.

Naupo na ako sa aking upuan at tumungo. Napapaisip na lamang ako kung bakit nga ba ako o ang mga tao ay isinilang sa mundo.
Syempre may dahilan naman ang Diyos kung bakit niya tayo nilikha diba? Ayun yung para mahalin natin Siya, kilalanin Siya, sambahin Siya; purihin Siya, at mamuhay tayo sa kapiling Niya. Ang tao ay nilikha bilang kawangis ng Diyos, ito ay ang nasa katwiran at kabanalan ng katotohanan.

''Good morning class! '' bati kaagad ng aming guro na may ngiti sa kanyang mukha pagpasok pa lamang niya at binati din namin siya.

Nag turo lamang si Sir sa Math.

Sobrang naiinis na ba kayo sa Math? Na lagi na lang hinahanap sina X at Y?
Ganyan talaga sana huwag kayong magsawa na hanapin at bigyan ng solusyon ito dahil kung ikukumpara nito sa tunay na buhay ng tao magagamit mo ito. Dapat kilala mo ang mga taong nasa paligid mo ikaw ang radius at ang mga tao ang nasa 360 degrees mo dahil kapag 180 degrees lang kukulangin ka at tsaka mo lang hahanapin si X. Pero kung sadyang wala kang muwang sa mundo baka 90 degrees lang ang magamit mo pati si Y ay mawala na din, kaso sa panahon ngayon baka wala pa sa 45 degrees  ang magamit mo.

''Class may charity works activity tayo this coming Saturday.  Pagusapan na natin ang plano ninyo. ''

Nausap usap naman sila tungkol sa mga bibilhin at ang mga donations.

''Aba. Aba class!  Huwag naman puro sardinas na de lata. Lagi na lang silang kumakain nun! Kung pwede nga lang mag pa lechon eh. Kaso ung matitino naman. Kagaya ng maling or meat huwag naman puro itlog, barakong kape at tuyo o dilis man yan. Maganda kasi eh yung hindi pa nila nakakain o di nila ma afford. Di ba? Sino na ba nakaranas sa inyo isang buong araw walang kinain na pagkain??? As in. ''

Mahabang sermon ni maam sa amin. Tumingin ako sa aking paligid wala manlang tumaas ng kamay kaya tinaas ko ang kanang kamay ko.

''George Fortelejo''

Mahinang sambit ni maam nang tumingin siya sa akin kaya ibinaba ko na ang kanang kamay ko.

''Ang hirap noh? Nung nakaraan nga eh may binigyan akong suka at toyo yung nasa maliit na sachet lang. Dun sa isang bata siguro mga nasa anim na taong gulang palang siya na ngangalakal na nga eh. Tapos nung nakita ko ulit siya tinanong ko kung anong ginawa niya sa toyo at suka ang sinagot niya sa akin ina-dobo niya daw niya para sa mga kapatid niya. Akalain ninyo iyon? Adobo na sa kanila yun. Kaya malaking bagay na din sa kanila ang maranasan ang masasarap na pagkain.  ''

BAKIT??? (One-shot) Où les histoires vivent. Découvrez maintenant