Winter's Pov
"AAAAAAAAAAAAHHHH!!" nagsisigaw ako dito sa luob ng kwarto ko with matching pa gulong-gulong sa kwarto. Tangina hindi ko matanggap!
"HOY WINTER ANONG NANGYARI!? MAY MAGNANAKAW BA!? HA!? ASAN!?"
Nagulat na lang ako ng makita ko na naka formation sina ate at kuya si ate may dalang payong tapos si kuya naman may dalang walis muntanga talaga.
"Ate kuya muka kayong tanga sa pinagagawa niyo" kung nakikita niyo lang tong nakikita ko.
"ba't kaba sumisigaw ha!? Alam mo bang nabilaukan pako!" Sermon ni ate pake ko di ko kasalanan kung bakit nabilaukan sha
"Eh kasi ateee kuyaaaa waaaaah huhuhu" tapos nag simula na akong umiyak huhuhu
"O-oy winter bat ka umiiyak ha? Hoy autumn anong ginawa mo dito!?" Bulyaw ni kuya kay ate pero di ko siya pinansin umiiyak pa din ako huhuhu
"Oy ka rin Rain! Di ko yan pinaiyak!" Ayan nag aaway na sila pero heto ako at umiiyak pa din hindi ko kasi matanggap eh huhuhu
"Bakit kaba umiiyak ha winter?" Tanong ni kuya sakin habang nakatingin naman si ate sakin hinihinaty yung sagot ko.
"Kasi *huk* na disband na yung 2NE1 tapos umalis pa si Taehyun sa WINNER kuya waaaaah ayoko ayoko ayokooooo kasalanan to lahat ni YG eeeeh waaaah" alam niyo yun!? Yung feeling na ilang taon kang naghintay kasi akala mo mag cocomeback yung fandom mo. Shet nakakaiyak lang
"Tss Akala ko kung ano na makaalis na nga!" Tapos nag walk out na si kuya. Hindi ko pa nga tanggap na nag disband na yung 4minute dumagdag pato huhuhu
"Hay nako winter. Okay naman samin yang pagkakafan-girl mo pero sana wag kang sumobra ha? Yung parang sinasamba mo na sila. Yung palagi ka na lang nakatutok jan sa laptop o cellphone mo. Tandaan mo hindi lang sakanila umiikot yung mundo mo. Aabot talaga yung panahon na magkakahiwa-hiwalay yang paborito mong grupo at magkakapamilya sila. Tapos ikaw naman magagalit ka kong hindi mo gusto yung nobyo nila o di kaya iiyak ka kasi nadisband yung paborito mong grupo aalahanin mo FAN ka lang. Wala kang karapatan magalit o sa kung anong desisyon ang gawin nila buhay nila yun. Kaya ikaw tumahan kana" pagkatapos sabihin ni ate yun umalis na sha sa kwarto pero hindi ko maiwasang mapikon sa huling sinabi niya pero tama din naman siya. FAN lang naman ako wala akong karapatan kasi nga buhay nila yun. Pero kahit anong mangyari nandito lang ako susuportahan ko pa din sila kahit anong mangyari.
Sila kasi yung inspirasyon ko. Kaya kung nasaan man sila ngayon kahit nadisband na sila sana hindi nawala yung friendship na nabuo nila.
----
A/n:
Blackjack's at Yg stan kaya natin to! Malalagpasan din natin ito. Masakit pero kailangan tanggapin.
At sana nagustuhan niyo yung First Chapter thank you :)
YOU ARE READING
Ang Girlfriend kong adik sa KPOP (ULTRAMEGA SLOW UPDATE)
Teen FictionBakit ganyan kayong mga babae!? Ang tataas na ng standards niyo ng dahil sa kapapanood niyo ng kdrama eh! dapat daw ganito dapat ganyan! Kinain na kayo ng sistema ng mga koryanong puno ng mga kolorete sa muka! - HIM Eh gago ka pala eh! Standards lan...
