Chapter 6

8.9K 338 6
                                    

Shan's note: Zack ulit sa side :)))) wieee qtqt ❤

***
Freya's Point of View

Great! Suki nako ng hospital sa kung saan saan ah. Epal kasi yung Veronica na yun! Nilason pako, peste.

"Freya? Are you awake?"

Binuksan ko mata ko para makita ko kung sino nagsalita.

"Oh Alex? Yes. I'm awake now. Asan sila?"

"Good. Nasa labas lang sila. Buti nga di pa masyadong praktisado ni Veronica yon, saka wala pa sya Custos. Pero oy ha! Ang galing mo, pangalawa na yon. Are you that powerful? Kaso nga lang nawawalan ka ng malay."

So parang trainer namin yung mga Custos? I mean trainer and guardian at the same time?

Magtatanong palang ako bigla na syang nagsalita. What do I expect? Mental Telephaty, duh?

"Yeah, your correct. Our custos will be our trainer for the last phase of our powers."

Napa ah nalang ako sa sinasabi ni Alex tapos tinuloy nya ulit.

"Pareho naman yon sa mga Royals. Custos din ang trainer nila para sa last phase. And katulad nga ng sinabi ko di pa ganon kalala yung lason na nilagay ni Veronica sayo kasi nga di pa nya praktisado."

"Ah. Ang dami ko pa palang di alam dito. Ay! Diba may training pa tayo? Okay naman na ako eh. Saka di pa tayo nakakabili ng weapons natin."

"Sure ka ba? Pero sige, jan ka muna tawagin ko lang sila."

Maya maya pumasok na yung dalawa. As usual oa tong si Zack -____-

"Freeeeeyaaaa! Okay ka na ba? Wala bang masakit sayo? Mag pahinga ka kaya muna? Kami nalang bibili ng weapon mo. Ano ba sayo?"

"Zack! Chill. Okay nako, kaya tara na kaya no? Mauubusan na tayo ng oras eh."

"Di naman tayo mauubusan ng oras eh. Para san pa pagiging time manipulator ko?"

Time manipulator pala tong apoy na to? Galing!

"Aba malay ko ba. Tara na kaya!"

Bumalik na ulit kami dun sa part ng Tridon na maraming shops. Buti nga malapit lang eh. Maya maya nandun nanaman si Veronica, saka yung mother earth nya na tumulong sakin.

"Oh Veronica? Nandito ka nanaman para saktan si Freya?" Sigaw ni Lorraine sakanya.

"Prinsesa Lorraine, nandito ang aking anak upang humingi ng tawad kay Prinsesa Freya."

"Pasensya na po Ms. Veen, grabe lang po kasi yung ginawa ni Veronica kanina." Ow. Veen pala name ng mother dear nya? Owkaaay.

"Alam ko yun, sige na Veronica humingi ka na ng tawad."

Lumapit na sakin si Veronica tapos niyakap ako sabay bulong.

"Di pa tayo tapos, Prinsesa." Nainis ako sa sinabi nya. Sige nga, ikaw sabihan nun matutuwa ka? Akala ko pa naman magsosorry. -____-

Di ko nalang pinansin yung sinabi niya kaya ayun. Tumuloy na kami sa Weapon Shop. Lahat sila may napili na. Kay Lorraine daggers, yung katana naman kay Alex, tapos sword kay Zack. Yung sakin kasi di ko mahanap. Walang bow and arrow dun.

"Ms. Wala po bang bow and arrow dito?" Pagtatanong ko dun sa nagbabantay.

"Bow and arrow? Wala eh. Kahit saang weapon shop, wala nun. Inalis na lahat ng pana sa buong Veneficus World nung nalaman ng lahat na wala na ang Reyna Eliana, ang iyong ina. Yun kasi ang sumisimbolo sa iyong ina, hilig nya rin kasi ang pana"

Royal Elemental Academy Where stories live. Discover now