"Ah ganun po ba? Sige thank you nalang." Hay. Ang daming nagmamahal kay mommy.

"Sandali lang Prinsesa! May ibibigay lang po ako sa iyo."

Nice, welcoming gift? Charot. Namimiss ko na si mommy, siguro kung nandito yun ibibigay nya nalang sakin yung pana nya na gold.

"Prinsesa, sayo nalang po itong kwintas na ito. Muka po kasing sobrang gusto nyo ng pana, kaso wala po kami eh. Kaya ito nalang po."

Binigyan nya ako ng kwintas na gold yung chain tapos blue and white yung pendant na pana, ang ganda! *u*

Kaso wala padin akong weapon!

Zack's Point of View

Lahat kami nakapili na ng weapon pero tong si Freya kanina pa paikot ikot sa shop. Maya maya lumapit sya dun sa nagbabantay na parang may tinatanong.

Pagtapos nilang mag usap parang sobrang disappointed nya, tapos binigyan sya nung nagbabantay ng kwintas na may pendant na pana. Pero mukang malungkot padin eh, kaya nilapitan ko.

"Oh ba't nakagusot yang muka mo?"

"Eh kasi walang pana dito!"

Pana? Pana as in bow and arrow? Pareho sila ni tita! Sabi ni papa pana rin daw yung ginamit ni tita dati. Pero wait! Walang pana dito? San kaya meron?

"Zack, sabi nung nagbabantay wala na daw pana dito simula nung nalaman ng lahat na wala na si mommy."

Ay? Nangbabasa narin sya ah.

"Masamang basahin yung isip mo? Siguro puro ano yan. Hahaha! Joke lang! Pero gusto ko talaga ng pana, Zaaaaack!" Sabay nag pout. Hala ang cute! Hahaha. Kinurot ko tuloy pisngi nya.

"Awaaaay, mashakit. Sssschaaaack!"

"Hehehe. Sorry! Wag ka kasing magpout! Mahalikan pa kita eh."

"We? Di nga? Hahaha! Pero yung weaaaapooon!"

Hahaha! Ang cute cute talaga ni Freya.

"Tanong ko nalang si papa kung nasakanya pa yung pana ni tita Eliana."

"Ows? Hahaha! Sige sige thank you!"

Yung dalawa nga pala? Asan na? Biglang nawala.

Freya's Point of View

Alam nyo kung nasan sila Alex pati Lorraine? Aha! Baka nagtanan na! Mwehehe.

"Alam mo kung nasan si Lorraine/Alex?" Sabay naming tanong.

"Hindi eh!" Sabay ulit kami. Hahaha!

"Tara nga labas tayo hanapin natin sila."

"Sige sige!"

Paikot ikot kami sa Tridon di parin namin sila mahanap. Pagod na pagod na nga kami eh! Saka konting kembot nalang gabi na.

"Tara Freya, punta muna tayo kay papa ng matanong natin. Ipapahanap nalang natin sila."

Eh nagaalala ako sa dalawa. TToTT

Baka mamaya kinuha sila ng monster!

"Freya, walang monster dito! Baliw ka talaga. Hahaha!"

"Eeeeh! Zack! Nagaalala lang naman ako!" Mawawalan ako ng privacy sa mga to eh.

Pumunta muna kami kila Zack tapos dumiretcho sa kwarto ni Head Master.

"Pa! Nandito na po kami."

"Oh? Asan yung dalawa?" Ako naman sumagot.

"Di nga po namin alam eh, baka nagtanan? Hahaha! Joke lang po!"

Natawa nalang yung dalawa sakin.

"Pareho talaga kayo ni Eliana. Diba Zack?"

"Onga po eh! Kahit sa weapon."

Wow. OP ho ako, pramis!

"Oh? Pana rin sayo Freya?"

"Opo head master."

"Freya! Wag na head master tawag mo kay papa. Tito nalang. Saka pa! Nasayo paba yung pana ni tita?"

"Ay. Ano kasi wala na, nilagyan ko yun ng spell kaya naging kwintas sya. Kasi wala na nga si Eliana, kaso nga lang nawala ko."

Napanganga ako kwintas? Wait nga lang!

"Head mas-- este tito ano pong itchura nung kwintas?"

"Hm. Gold yung chain nya saka blue & white yung kulay nung pana."

Omaayghaaad!

"T-tito eto po ba yun?" Sabay taas ko nung kwintas, yung tama lang para makita nila.

"Yan nga! San mo nakuha? Pano mo nakuha?" Alam ko na talaga kung kanino nag mana si Zack. Hahaha!

"Nung naghahanap po kasi ako ng pana sa shop sabi wala na daw tapos binigay sakin to."

"Ah!" Eh pano to gagamitin?

"Pano po to gagamitin?"

"Ah eh. Ano kasi di ko alam kung pano sya palakihin ulit."

"Ay ganun po ba? Sige salamat po! Tsaka tito pwede nyo po ba ipahanap sila Lorraine?"

"Oo naman. Pero balik muna kayo ng school baka naman nandun na sila, saka diretcho na kayo sa main building ng REA, punta nalang kayo sa training room. Si Zack na bahala sa oras nyo."

"Ah sige po! Salamat ulit tito!"

Bumalik na kami sa village, at tama nga si tito! Nandun silang dalawa sa bahay ni Lorraine. Aba aba! Hahaha!


Royal Elemental Academy Where stories live. Discover now