cenon

817 18 15
                                        

*ERI*

"Okay class. Isa-isa kayong pumunta dito sa harapan at bumunot dito sa kahong hawak ko. Eto na ang magiging sitting arrangement niyo." nakangiting sabi ng aming adviser.

"Nu bayan!" Rinig kong reklamo ng katabi ko at bestfriend kong si Aia.

Haaay. Bakit kaya hindi nawawala ang sitting arrangement na yan? Di ba pwedeng kung ano ang gustong pwesto ng estudyante ay dun na lang? Tsaka dalawang linggo na ang nakalipas nang magsimula ang pasukan tapos ngayon lang ang sitting arrangement?

Isa-isa kaming bumunot at ang nabunot ko, number 13. Di ba malas ang number 13? Nubayan. Dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko at lumipat sa ika-13 na upuan. Sino kaya ang magiging seatmate ko?

Pinagmasdan ko ang bawat kaklase ko. May masaya may mga hindi. Hanggang sa naituon ko ang atensyon ko sa lalaking papalapit sakin. Napa-isip ako, sa lahat ng mga kaklase ko siya ang pinakatahimik. Literal na pinakatahimik, di ko pa siya narinig magsalita kahit isang word man lang. Kahit recitation hindi siya tinatawag.

Umupo siya sa tabi ko. Siya pala ang magiging seatmate ko. Swerte ba ako o malas? Swerte kasi hindi siya maingay at hindi ako maririndi o malas kasi hindi siya maingay na magdudulot naman ng sobrang katahimikan na mabibingi ka. Haay. Ewan.

Lumapit sa amin ang kanyang pinsan na si Xavi. "Yow Eri! Alagaan mo pinsan ko ha?" Kahit hindi ko maintindihan ay tumango ako. Tumingin naman siya sa katabi ko. "Hindi ko alam kung bakit bro pero wag kang mag-alala mabait naman yang katabi mo. Sige." Sabay tapik niya sa balikat ng katabi ko at pumunta na sa upuan niya.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko. Napatingin naman siya sakin ng gulat. "Kung gusto mo sabihin ko na lang kay ma'am na kayo na lang ni Xavi ang magkatabi. Ayos lang sakin." Sabi ko. Napansin ko kasing malungkot siya kanina. Malay mo ayaw niya akong katabi at si Xavi ang gusto niya.

Hinihintay ko ang sagot niya pero parang wala siyang balak kausapin ako. Ouch ha. Hindi naman ako nangangagat eh. Friendly ako.

Mukhang hindi niya ata talaga ako kikibuin kaya tumingin na lang ako sa harap.

Simula first year kaklase ko na siya. Kung gaano kadaldal ang pinsan niyang si Xavi ay ganoon din ang katahimik niya. Simula first year si Xavi na lang ang nakikita kong kasama niya at seatmate niya. Never ko pa siyang nakitang nakipag-usap kahit nga kay Xavi hindi ko rin siyang nakitang nakipag-usap. Tango, iling at turo lang ang nakikita ko sa kanya. Ngayon fourth year na kami may magbabago kaya?

Bumalik na lang ako sa realidad nang kinalabit ako ng katabi ko. "Bakit?" Tanong ko. Binuka niya ang bibig niya pero sinara ulit at saka umiling at tumingin sa harap.

Huh? Anong problema nun?

Nagdiscuss na si ma'am ng mga lessons niya hanggang sa nagring ang bell. Hinila na ako kaagad ni Aia papuntang canteen. Patay gutom eh.

"Nakakainis naman bat yung bully pa na classmate natin ang katabi ko?! Nakakainis! Mas okay pa pa kung wala ng sitting arrangement at least ikaw ang katabi ko." Maktol niya.

"Konting tiis na lang. Gragraduate na rin naman tayo eh." sabi ko bilang comfort.

"Buti ka pa ang pinakatahimik ang katabi mo. Swerte mo." sabi niya sabay sipsip sa shake niya.

"Hindi rin." bulong ko.

"Huh? Oh. Speaking of seatmate. Ayan na oh yung seatmate mo kasama si Xavi. Kung hindi ko lang sila kilala, mapagkakamalan kong may relasyon yan."

"Sus. Selos ka lang eh." Sabay sundot ko sa tagiliran niya.

"Whatever!" At nagroll eyes pa ang loka. "Pero alam mo, kahit parang snobber yang si Cenon ang dami pa rin nagkakacrush sa kanya."

"Oh?"

"Oo. Ang gwapo niya kaya. Alam mo bang inggit yung iba nating classmate sa'yo kasi ikaw ang kauna-unahang katabi niya sa classroom maliban kay Xavi."

"Alam mo bang nasasayang ang laway ko."

"Yaan mo na, gwapo naman eh tsaka marami ka pa namang reserbang laway."

"So siya na yung crush mo?" tanong ko.

"Hindi. Loyal ako kay Xavi noh."

Hanggang sa nagring yung bell kaya tumayo na kami at bumalik sa classroom.

Nang malapit na kami sa classroom namin, napansin kong ang tahimik. Luh. May masama bang espiritu ang sumanib sa mga classmate namin at biglang tumahimik sila. Dati dati naman ay maingay yan.

Pagpasok namin, kaya pala. Walang naiwan. Ay meron pala. Si Cenon pero parang wala ring naiwan.

Di pa naman nakakaupo si Aia ay may tumawag na sa kanya. "Aia, pinapatawag ka ni ma'am. Punta ka raw sa faculty."

"Okay sige." Lumingon siya sa pwesto namin. "Alis muna ako. Landiin mo na teh." Bulong niya sa huli at saka siya ngumiti ng nakakaloka. Aba! Hindi ko siya lalandiin.

Napatingin ako sa katabi ko. Mabuti na lang at nakaheadphone siya at nagbabasa ng libro. Tama nga si Aia, gwapo siya. Mukha siyang anghel na pinadala mula sa langit. Tekaa, bakit pala mag-isa 'to? Bakit hindi niya kasama si Xavi?

Bigla siyang napatingin sakin kaya agad akong umiwas. Grabe! Kinabahan ako dun ah. Relax lang Eri. Breath in. Breath out. Breath in. Breath out.

Naglabas na lang rin ako ng libro at nagbasa. Baka matitigan ko ulit siya. Delikado.

Kahit nagbabasa na ako ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya. Haay. Gusto ko siyang makausap, maging kaibigan. Curious na ako sa buhay niya. Jahe. Kaya mo yan Eri. Hingang malalim.

"Pst. Cenon." No reaction. Nakayuko pa rin.

Ay tungaw. Nakaheadphone pala.

Kinalabit ko siya at success, tumingin siya sakin. Tinuro ko yung headphone niya. "Pwedeng alisin mo muna. Usap tayo." Nakangiti kong sabi pero siya seryoso ang mukha at nakatingin sa bibig ko.

Omg. Type niya ba ang bibig ko?

"Uy. Usap tayo. Sige na. Gusto kong maging kaibigan ka." Kaso nakatingin pa rin siya sa bibig ko. Ano ba yan. Ganito ba kahirap makipag-usap sa kanya? Bakit ba siya tutok na tutok sa bibig ko? Ano bang meron sa---WAG MO SABIHING GUSTO NIYA AKONG HALIKAN?!

Imposible. Di naman siya ganoon.

"Sige na oh. Usap lang tayo. Gusto nga kasi kitang maging kaibigan." Pumayag ka na kasi. Usap lang naman eh.

Inalis naman niya yun headphone niya pero nakatingin parin siya sakin. "Usap na tayo?" tanong ko pero seryoso pa rin yung mukha niyang nakatingin sa bibig ko.

"Ayaw mo ba akong kausap?" No reaction. Seryoso pa ring nakatingin sa bibig ko.

"Kung ganoon ayaw mo rin akong seatmate. Sige alis muna ako at sasabihin ko kay ma'am na palit kami ni Xavi." Tatayo na sana ako kaso pinigilan niya ako. Eto na ba? Kakausapin niya na ba ako?

"Kakausapin mo na ako?" Nabuhayan ako ng loob pero nawala rin agad kasi umiling siya. Aww. Ang sakit pala ng rejection. First time kong maramdaman. Friendly kasi ako kaya halos ng mga nakakasalamuha ko gustong gusto akong kausap.

Nakakalungkot talaga. Akala ko kakausapin niya na ako kaso hindi naman pala.

"Bakit ba ayaw mo akong kausapin? Di naman ako masyadong madaldal eh. Makikipagkwentuhan lang naman ako sa'yo." Nakatingin lang siya sakin. Tapos bigla niyang kinuha yung papel at ballpen niya para magsulat.

Bakit ba ayaw niya akong kausapin? Wala pang isang araw na seatmate kami, ayaw niya agad sakin?

Pinakita niya ang papel. Nakangiti siya ng malungkot. Kaya pala. Kaya pala siya ganoon.

Hindi ko na namalayan na nakayakap na ako sa kanya. "Simula ngayon kaibigan mo na ako. Wala ng permi-permission pa."

Sa simpleng sulat niya ng 'sorry' sa papel. Dun ko narealized na may espesyal sa kanya.

Kaya pala siya tahimik. Kaya pala si Xavi lang ang kasama niya. Kaya pala hindi siya nakikihalubilo sa iba.

Kasi... pipi siya't bingi.

Cenon (One Shot)Where stories live. Discover now