HG12. Unpredictable

Start from the beginning
                                    

"Ibig sabihin ba nun, ayaw ko na siya para sayo?" tanong ko.

"Parang ganun eh." sabi niya.

"DJ, kapag ba sinabi kong ayaw ko si Julia para sa iyo, anong gagawin mo?" tanong ko.

"Hindi ko alam, kasi ayaw ko naman na magkalayo ang loob natin dahil sa isang tao lang. Tsaka Kath, gusto ko sang-ayon ka lahat. Diba ikaw pa ang pumipili ng tshirt na sinusuot ko? Ikaw pa ang pumili ng tie ko noong JS. Ikaw ang pumipili ng medyas ko. Lahat na. Kaya sana, pati yung babaeng mamahalin ko, sasang-ayon ka rin." Grabe, wala na bang mas imamanhid itong lalaking ito?

How I wish our story was one of those cliché lovey dovey story. But the thing was, our life was not a fiction. This is reality. Hindi ito yung two people were secrelty in love with the other. Ito yung one-sided love at buhay ng isang hopeless romantic na kahit yung lalaking palagi niya kasama ay hindi siya makita.

"DJ, hindi na tayo bata. And besides, kapag ba sinabi kong ayaw ko si Julia, may magbabago ba?" sabi ko na lang. I need to be very careful with my words. Baka I will accidentally slip something out from my mind. Mahirap na, eh di buking na ako pag nagkataon.

"Ibig sabihin, ayaw mo nga si Julia?" sabi niya.

"Diyos ko po, Lord God in the Highest! Wala akong sinabi DJ." sabi ko.

"Eh ano nga gusto mo ba siya para sa akin?" tanong ni DJ.

I thought of it hard. Maganda si Julia, maputi, matalino. Sure akong matalino siya, hindi naman siguro siya makakapasa sa isang comprehensive school sa abroad kung hindi siya matalino no? Mabait? I don't know, hindi naman kami close noong high school at ngayon. Mayaman? Siguro, nakapag-aral nga sa abroad eh. And from her looks and all the brands of her stuffs, sure akong mayaman siya. Masipag? I don't know. Ewan ko! Hindi ko siya kilalang-kilala.

Pero I need to say something to DJ. Ugh, bahala na.

"Oo naman. As long a-as she m-make you, uhm, happy. Okay siya para sa akin." sabi ko, stuttering in every syllable. I'm not good in pretending, I'm sorry.

DJ suddenly hugged my tightly, crushing every bone on my vertebrate and spinal cord. Kidding, not literally. Basta hindi ako makahinga.

"Thank you, Kath! You don't know how much this means to me. Mas lumakas ang loob kong manligaw kay Julia. Salamat." he stated as he hugged me as tight as ever.

"So, when can I meet her?" grabe ang masokista ko.

Ang gusto ko lang naman ay maging masaya si DJ. At kung ang ikasasaya niya ay ang magkasundo kami ng nililigawan niya, gagawin ko. Kahit anong sabihin ko, gagawin ko pa rin ang lahat para sa kanya. Even risking my happiness would be the consequence of doing everything for him.

"I'll talk to her and ask her kung kailan niya gusto. She wants to meet you too, nasabi ko na rin na best friend kita." sabi niya.

"Okay lang sa kanya yun?" I asked.

"Ha?"

"Na babae ang best friend mo." sabi ko.

"Okay lang daw. Alam naman niya na best friend lang kita eh."

I just sighed a laugh. Yung parang tawa na plastik na ewan na hindi ko alam kung tawa ba yun.

"Okay then, sabihin mo lang kung kailan niya akong gusto imeet." Masokista mode: on.

Heartbreak GirlWhere stories live. Discover now