MW: 4

3.1K 113 9
                                    

MAYMAY's POV

Napakadrama pala ng lovelife ni Edward. Pero buti nalang gwapo parin sya, kasi pag ako yun siguro nasa mental na ako ngayon.

Nagluluto ako ngayon ng fried chicken. Bumili kasi si Kisses ng chicken legs tapos crispy fry kaya ako daw magluluto.

Nasa labas nga si Kisses kasi hinihintay nyang dumating si Edward.

"KISSES! Bantayan mo nga saglit"

Sabi ko. Pero hindi nya ata narinig kaya hininaan ko muna yung apoy at pumunta sa labas. Hindi ko naman sinasadyang makinig sa kung sino man ang kausap ni Kisses pero binanggit din kasi nya ang pangalan ko.

"Kasama ko siya ngayon. Si Maymay? Nandito din. Hindi naman siguro nya makikilala. Ako ang bahala. I'll convince him na bumalik. Hindi mo na sya kailangang alalahanin. Oo. Sige bye!"

Dinig kong sabi ni Kisses, syempre bumalik ako sa loob at itinuloy nalang ang pagluluto.

Ano kayang meron? Namention pa yung pangalan ko.

"Maymay!"

Sabi ni Kisses.

"B-bakit?"

Tanong ko.

"Para ka namang nakakita ng multo sa itsura mo"

Sabi nya.

"Tinatawag mo ba ako kanina?"

Tanong nya sakin, tumango lang ako.

"Bakit?"

Tanong nya ulit.

"Pakibantay lang sana itong niluluto ko kasi may bibilhin lang ako dyan sa labas"

Sabi ko, ngumiti naman sya at tumango

Paglabas ko hindi ko mapigilang hindi magtanong sa sarili ko.

Bakit parang kalahati ng pagkatao ko hindi oo kilala? Bakit naglilihim sakin si Kisses? Bakit andami kong tanong sa sarili ko?

"Ouch"

Mahinang sabi ko ng may makabangga sakin.

"Sorry miss"

Sabi nya tapos napatingin ako sa kanya tapos sya naman biglang natulala.

"Maymay?"

Tanong na tawag nya sa pangalan ko.

"Po?"

Sabi ko, hindi ko naman kasi sya kilala at di rin naman kasi ako famous.

"Ako to, si Christian"

Sabi nya.

"Sorry hindi kasi kita kilala"

Sabi ko tapos aalis na sana ako ng hilahin nya ang kamay ko. Biglang parang may blurred visions na nagpapakita sakin.

Kung inaakala nyo na may sakit ako? Wala! Healthy ako at never akong naaksidente.

"Bitawan mo nga ako!"

Sabi ko tapos tumakbo na ako papunta sa apartment, hindi ko na bibilhin yung kailangan kong bilhin.

"Ang bilis mo naman"

Sabi ni Kisses tapos pinatay na yung stove at lumapit sakin.

"Christian?"

Patanong na sabi ko tapos parang nagulat din si Kisses.

"A-anong n-nangyari?"

Tanong nya.

"Sabi nya kilala nya daw ako"

Sabi ko naman.

"Kahit anong sabihin nya wag kang maniniwala kasi stranger sya"

Sabi ni Kisses. Pero kilala nya ako.

"Ok"

Sabi ko nalang. Madaming tanong sa isip ko ngayon.

First. Bakit ako na-involve sa usapan nila Kisses at yung nasa phone?

Second. Bakit kilala ako ng Christian na yun?

Third. Ako ba talaga to?

Madami pa, ang hirap lang i-mention kasi sobrang magulo ang isip ko dahil sa mga nangyayari.

"Bukas pala wala kaming pasok. Maglilinis ako dito"

Sabi ko. Tumango naman si Kisses.

"I need to meet someone naman kaya hindi kita matutulungan"

Sabi ni Kisses. Ayan, alam ko naman na umiiwas lang sya sa paglinis.

"Kisses?"

Nagulat naman kami ng biglang nasa harap na pala namin si Edward.

"Nandyan ka na pala"

Sabi ni Kisses tapos nag-hug sila.

After ng ilang oras na pagkukwentuhan at pagkakamustahan nila, kumain na kami, alam nyo ba yung feeling na para kang na-exile sa sarili kong apartment kasi sobrang nao-OP pa.

Syempre ako ang naghugas ng pinggan at yung dalawa naman nasa labas bumibili ng midnight snack daw nila kasi magmo-movie marathon daw sila. Inaya naman nila ako kaso wala ako sa mood.

"Maymay!"

Sabi ni Edward.

Bigla akong naka-feel ng awkwardness sa aming dalawa.

"Bakit?"

Tanong ko naman.

"Pahingi ng plate"

Sabi nya, binigyan ko naman sya agad ng plate.

Pagkatapos kong maghugas pumunta ako sa sala tapos nakita ko silang dalawa dun. Si Edward nakaakbay kay Kisses at si Kisses naka-lean yung ulo sa shoulder ni Edward. Ang sweet nilang tignan.

Pero nasasaktan ako, nasasaktan ako para kay Kisses kasi feeling ko she likes Edward pero may mahal namang iba si Edward. Haist!

"Maymay"

Sabi nilang dalawa. Tapos inalok nila sakin yung chips, syempre ayaw ko kasi nakapag-tooth brush nadin ako at matutulog nalang ako.

Syempre hindi ko naman sinasadyang matadyakan yung ilalim ng kama.Wala naman akong gamit sa ilalim!

Grabe may multo ba dito? Kailangan na ata naming ipa-bless ang apartment na to.

Lakas loob naman akong sumilip sa ilalim tapos may nakita akong brown case sa ilalim. Saan naman galing to? Hindi ko pala nililinisan ang ilalim ng kama ko kaya maalikabok.

Great Pretender (mayward)Where stories live. Discover now