Puno ng pawis ang muka ni Lauren habang walang tigil sa pagtakbo pahabol sa pulang sasakyan.
" Brennnnnnnnt.. brennnnnnt sandali huminto ka utang na loob" sigaw niya ngunit tila hindi manlang siya napapansin ng side mirror nito.
"Brennnnnnnnnt.. huminto ka" paulit ulit niyang sigaw habang patakbong hinahabol ang pulang sasakyan palabas ng subdibisyong iyon.
halos mamanhid ang paa niya sa layo ng tinakbo niya unti unti nadin ang pagbagal ng mga yapak niya sa mga oras na yon, puno ng pawis ang muka niya at tila isang kandilang nauupos, isang pag asa ang bumuhay sa pagod niyang pagkatao ng huminto ang sasakyan nito.
Muling sumilay ang ngiti sa kanyang labi ng bumukas ang pintuan nito. dali dali siyang tumakbo palapit sa sasakyan ng walang alinlangan sa kabila ng pawisan niyang katawan.
"Brent" bungad niyang hingal na hingal.
"Lauren?" kunot noong bigkas nito.
"Ba.. bago ka umalis gusto ko sanang bigyan mo ko ng pagkakataon para pagbigyan ang hiling ng anak ko" pagmamaka awa nito.
"Is that about marriage again?"
"Please. yun ang hiling ng anak ko alam ko na napaka hirap sayo dahil limang buwan palang mula ng makilala mo ko at sinabi ko sayo na gusto kita. Alam ko na mali dahil may anak na ko para magustuhan mo pero ngayon Ikaw ang kailangan ko at ng anak ko" malumanay na bigkas niya habang pinupunasan ang pawis at ang unti unting pagpatak ng kanyang mga luha.
"But I'm not the father of your son Lauren! kahit sinong lalaki pa ang iyakan mo hindi ka papakingan sa pakiusap mo!" madiin na bigkas nito.
"I really like you and my son wants you too. Hindi man tayo lubos na magkakilala pero alam ko na mabuti kang tao, utang na loob brent" walang humpay sa pagpatak ang butil ng luha sa kanyang mga mata. Hindi niya alam kung saan niya hinugot ang lakas ng loob para masabi ang mga salitang iyon.
" Lauren! Im not the one who deserves your heart bakit di mo hanapin ang ama ni Lucas. Sobrang nagtataka ko sayo at kailangang ako pa ang iyakan mo para lang may tumayong ama sa anak mo?" Sagot nito.
Hindi maipinta ang muka ni brent sa pagtataka ng mga oras na iyon. Limang buwan palang ng makilala niya si Lauren at laking gulat niya nga dahil halos tila alam na alam nito ang pagkatao niya, noon ding araw na iyon ay inamin nito na may gusto na ito sa kanya.
Nagkakilala sila nito ng bumalik siya mula sa Europe, isa ito sa babaeng nakilala niya ng magkaroon ng malaking pagsasalo sa tahanan nila bilang pag gunita sa pagbabalik pilipinas niya.
Nag iisa lang ito noon at agad siyang nilapitan. naging magaan naman ang loob niya para dito. noon ding araw na iyon ay naikwento na nito sa kanya na meron na siyang apat na taong gulang na anak. laking gulat niya dahil wala sa itchura nito ang pagiging ina dahil sa inosente at maamong muka.
Mula noon ay lagi na siya nitong tinatawagan at minsan nga ay pumunta pa ito sa opisina niya kasama ang anak. noon din ay humiling ang anak nito na magpakasal sila. Tila may taglay na katalinuhan ang batang iyon kung kayat naging magaan ang pakikitungo niya rito.
Ang isang bagay na nagpapa sakit sa ulo niya ngayon ay ang hinihiling ni Lauren na pakasalanan siya nito na kahit minsan ay walang namagitan sa kanilang dalawa. Oo ngat nalaman niya ang ibang detalye sa pagkatao nito pero ni minsan ay di niya inalok ang babaeng ito para lumabas manlang.
at ngayon nga ay naguguluhan siya dahil pinipilit siya nitong maging ama ng apat na taong gulang na anak nito.
-Goufletsxhingstar
YOU ARE READING
Hidden Tears of Heart
RomanceLauren returns to her hometown and makes a promise to her dying friend, Kyla. Kyla has just given birth to a son named Lucas, but she is terminally ill. She asks Lauren to hide Lucas's true identity from his father, Brent Silver Del Fier-a wealthy b...
