Chapter 1

5 0 0
                                        

"Hooh"

Buntong hininga ni Annie habang inaayos ang mga gamit ng kanyang mga magulang.

"Ma, pa, promise ko pagbubutihin ko po at hindi ko pababayaan ung sarili ko pati na rin ung naiwan nyo. Nakakatawa nga lang kasi paano ako titirang mag-isa. Ung negosyo natin hindi ko rin pababayaan yun, akong bahala doon."

Wika niya pa na halos maluha luha. Ulilang lubos na si annie, at dahil sya na lamang mag isa ay sya na ang magbabantay at magmamanage ng kanilang negosyo na maliit na restaurant.

"Kailangan ko pala puntahan ung restaurant mamaya."

Pag-iisip niya. Kaya matapos nya ligpitin ang mga gamit ay agad syang nag-ayos ng sarili upang bumisita sa restaurant nila. Gamit ang kanilang kotse ay tinungo nya na  ang restaurant. Pagdating doon bago pa man nya maipark ng maayos ang kotse ay tumpukan na ang mga tao sa harap ng kanilang restaurant. Matapos maipark ang kotse ay dali-dali syang bumaba upang alamin ang nangyayari.

"Excuse me, anong nangyayari dito?"

Tanong ni annie habang Nagpupumilit na isiksik ang sarili upang makapasok sa loob. Pagpasok nya sa loob ay tumambad sa kanya ang mga nagkalat na mga gamit pati na rin ang 4 na lalaki at isa na nakasuot ng black suit, white inner at black neck tie.

"Sino kayo?!"

Gulat na tanong ni annie.

"You must be the daughter of Mr.Dante Yoon? Gusto ko lang malaman mo na nakasangla ang restaurant nyo sa Starlight Group of Companies (SGC) at ngayon ang due kaya ngayong araw din mismo ay may hawak kaming memo na ipapasara na ito at ididimolish  kasama na rin ang inyong bahay pati ang mga ari-arian na nahahawakan."

Pagpapaliwanag ng lalaking naka suit. Nanghina ang mga tuhod ni annie sa narinig.

"Pero.p-pano?"

Pagtataka at maluha luhang tanong ni annie.

"Wala kaming magagawa miss. Pero kailangan namin sundin ang sinabi ng Chairman."

Dagdag pa ng lalaki. Napaluhod si annie at hindi na napigilan ang sariling lumuha. Parang gumuho ang kanyang mundo. Tulala at tuliro si annie habang naglalakad patungo kung saan, kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan ay ang kanyang luha sa bawat pag-alala sa kanyang mga magulang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 10, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Inheritance Where stories live. Discover now