INTERROGATION

33 2 0
                                        

INTERROGATION

+++

I’ve never realized how used I am to being a vampire until now, when I’m surrounded by 12 beautiful boys who are stronger than me, making me feel like a human- weak and fragile.

Nang sandaling hawakan ni Chanyeol ang kamay ni Kai ay bigla na lang kaming napunta sa lugar na ito, na ang hula ko ay ang bahay nila base sa mga gamit na nakakalat sa paligid at pagiging kumportable ng bawat isa sa lugar. Pagdating pa lang namin ay nagkanya-kanya nang salampak ang mga ito. Ang iba ay umupo sa sofa, ang iba sa sahig, hanggang sa ako na lang ang nag-iisang nakatayo sa gitna ng sala. Sa tapat ko umupo si Chanyeol, nakadekwatro. There’s a fire in Chanyeol’s eyes and I know how dangerous he is, but the burn in my throat is still there. I still want to suck Chanyeol’s blood no matter how much I hate him. Napalunok ako nang titigan niya ako.

“Ooh… someone’s thirsty.” Basag ni Luhan sa katahimikan. Nang-aasar na nakatingin sa akin.

Pumikit ako at binlangko ko ang aking isip. I covered my own thoughts at nang dumilat ako ay wala na ang nang-aasar na ngiti ni Luhan. Ako naman ang ngumiti. “What now, mind reader? Not too happy you can’t read my thoughts anymore?” mapang asar na sabi ko.

“Woah. Hindi mo mabasa ang isip niya, Luhan?” amazed na sabi ni Chen at tumingin sa akin.

“Shut up, Chen. May ginawa siya para hindi ko na iyon mabasa.” Naiinis na sabi ni Luhan.

Nakita kong nainis din si Chanyeol. “Sino ka?” mayabang niyang tanong.

Hindi ako nagsalita.

“Magsalita ka kung ayaw mong masunog sa kinatatayuan mo.” Nagbabantang sabi ni Chanyeol.

“Ha! Eh di sunugin mo.” Mayabang na sabi ko. “I’ve had enough of living, anyway. Naranasan ko na ang lahat ng kailangan kong maranasan sa dalawandaang taon na nabubuhay ako. Wala akong pamilya o kaibigan. Mamatay man ako ngayon, wala namang mawawala sa akin eh. Baka nga magpasalamat pa ko sa’yo.”

 “Ano ang kailangan naming gawin para sagutin mo ang mga tanong namin?” tanong ni Xiumin.

Napaisip ako. Ayaw kong sagutin ang mga tanong nila, pero kung may kapalit ang bawat tanong…

“Sa bawat tanong niyo na sasagutin ko ay sasagot din kayo ng isang tanong ko.”

Nagtinginan sila. Tanging sa Chanyeol lang ang hindi inaalis ang tingin sa akin.

“I think it’s a fair deal.” Tumatangong sabi ni Suho.

And then the interrogation began.

“Bakit parang uhaw na uhaw ka kanina at sabik sa dugo?” unang tanong mula kay Sehun.

“Dahil isandaang taon na ang nakakalipas mula nang huli akong uminom ng dugo.” Gulat na nagtinginan ang mga ito.

Pero hindi ko sila pinansin dahil ako na ang magtatanong. “Ano kayo?”

Nagtatakang nagkatinginan ang mga ito. “Hindi moa lam kung ano kami?”

Hindi ko sinagot ang tanong ni Baekhyun.

“We’re wolves” simpleng sabi ni Kris.

Wolves? Wolf? Ano’ng ibig sabihin ni Kris? Ayon sa mga nababasa ko, wala namang kakaibang kapangyarihan ang mga werewolf. Pero sa nakita ko ngayong araw, bawat isa sa mga kaharap ko ngayon ay may iba’t- ibang kapangyarihan. “Wolf?” hindi nakatiis na tanong ko. “Anong wolf? Werewolves? Talagang nag-e-exist kayo? Pero bakit may kapangyarihan kayo?”

“Oops. That’s a lot of questions, vampy.” Sabi ng mukhang high school student na si D.O

“Yep. It’s our turn for questions now.” Masiglang sabi ni Kai na parang tungkol sa panahon lang ang pinag-uusapan namin.

“Bakit ka huminto sa  pag-inom ng dugo ng tao?” tanong ni Lay.

“Dahil tuwing umiinom ako ng dugo ng tao ay na-a-attach sa akin ang taong kinagat ko. Atsaka pwede naman akong kumain ng normal na pagkain eh.” Hindi ba nila alam iyon? Ngayon lang ba sila nakakita ng totoong bampira? Natawa ako. “Huwag niyong sabihing naniniwala kayo sa mga movies at libro na nakakamatay ang kagat ng bampira?” Tahimik ang lahat. Walang nakitawa sa akin. “Umm… guys. Hindi totoo yun. Nasa harap niyo ang totoong bampira kaya maniwala kayo sa akin.”

Alanganing nagsalita si Tao. “Hindi namamatay ang kinakagat mo? Kahit wala doon si Lay para iligtas sila?”

“At pwede kang kumain ng normal na pagkain?” amazed na tanong na naman ni Chen.

“Um… well. Na-a-adik sila sa kagat ko. Tulad nga nang nakita niyo kanina, gusto pa ulit nung babaeng magpakagat sa akin…” natahimik ako dahil base sa tingin nila sa akin, parang hindi sila makapaniwala sa mga pinagsasasabi ko.

Napakunot- noo ako. “Normal lang yun samin-“

“Hindi normal yun!” napatigil ako dahil biglang sumigaw si Chanyeol.

Napatayo si Chanyeol at nagpalakad- lakad habang lahat kami ay sinusundan lang siya ng tingin.

“Aargh! This is useless!!!” bigla siyang huminto at humarap sa aming lahat. “Tama na ‘tong isang tanong, isang sagot. Marami tayong kailangang malaman tungkol sa bampirang ito.” Tinuro ako ni Chanyeol. “Ikaw. Itanong mo na lahat ng gusto mo, sasagutin namin.”

Nakatango na ako bago ko pa marinig ang sunod na sinabi ni Chanyeol.

“Pero pagkatapos, sasabihin mo sa amin ang lahat ng tungkol sa’yo.”

Good things come to those who are bored (exo fanfic)Where stories live. Discover now