Chapter 7: It's a no!

Magsimula sa umpisa
                                    

Dahil mukhang wala siyang balak na magsalita, ako na lang ang gagawa. Napabuntong-hininga muna ako bago nagsalita. "Ahmm.. K-Kanina po ba kayo rito?" Nauutal na tanong ko. Sandali ko siyang tiningnan. Nang magkasalubong ang mga mata namin ay tila ba naintimidate ako.

Ngayon ko lang napansin ang aura niya. Parang napakstrikto niyang tao at dominante. Sa nakalipas na dalawang buwan ay hindi ko iyon nakita sa kanya. Sabagay, galit ako sa kanya kaya wala akong napapansin dati.

Malaking tao pala siya pero mukhang bata. Maliban sa maputi napakaganda ng kutis niya. Halatang mayaman. Gwapo rin ito kahit may edad na ito. Nagpadagdag pa sa kagwapuhan nito ang suot na puting longsleeve at slacks.

"M-Medyo kanina pa." Napansin ko rin na medyo hindi niya nabibigkas ng maayos kapag nagsasalita siya ng tagalog. Slang ito at halatang englisero.

Pagkatapos niyang magsalita ay natahimik ako. Wala na akong maisip na sasabihin o itatanong. Napatungo na lang ako.

Nakita ko na siyang gumalaw at parang may kinuha na ano. "This is for you son." Aniya. Napaangat ako ng tingin. Nakalahad na sa akin ngayon ang isang paper bag na hawak niya.

Nagdadalawang isip ako kung kukunin ko ito. Ito ang magiging unang pagkakataon na tumanggap ako ng regalo mula sa kanya.

Ngumiti ako at sa unang pagkakataon, tinanggap ko ang regalo niya sa akin. "Salamat po sa regalo... P-Papa."

Ilang beses na ba siyang nagulat?

"Binibigyan na po kita ng pagkakataon at tinatanggap na kita bilang ama ko. Unti-unti na rin po kitang pinapatawad." Binigyan ko siya ng ngiti na may assurance.

Matagal bago siya nakabawi mula sa pagkagulat pero kalaunan ay sumilay ang ngiti sa kanyang mukha.

"Maraming salamat. Thank you, son. Thank you so much."

***

"Mukhang mapeperfect mo ata ang exam ngayon ah." Takang tiningnan ko si Trey. Nandito kami sa labas ng room kung saan kami mag-eexam. Midterm exam na kasi namin at nandito na rin kami dahil limang minuto na lang ay oras na ng exam sa isang Major subject namin.

"Masaya lang ako Trey." Tanging sagot ko at tiningnan siya sabay ngiti.

"Care to tell. Just a hint. Mamaya mo na lang ikwento ng buo sa vacant natin or sa lunch time na lang." Sabi niya sabay hila sa laylayan ng uniform ko.

"Nakipagbati na ako sa kanya Trey. Kay Papa." Nanlaki ang kanyang mga mata sa naging sagot ko.

"Talaga?" Halos mapasigaw ito. Sinaway tuloy siya ng lahat ng kaklase ko dahil nag-eexam pa nasa loob ng room. Nahihiyang humingi siya ng paumanhin sa mga kaklase namin.

"Is that true, Summer?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Hindi naman siguro masamang pagbigyan ko siya."

"That is so great. So paano mo sinabi kay Tito Fred na tinanggap mo na siya bilang ama niya?" Tanong ulit niya.

"Sabi mo mamaya ko na lang ikwento. Excited masyado." Natatawang wika ko. Napasimangot naman siya. 'Tong baklang 'to talaga.

"Fine. Mamaya na lang." Mas lalo lang akong natawa.

"Nagreview ka?" Tanong ko sa kanya.

"Of course! Kailangan pa bang tanungin 'yan."

"Yabang ah!"

"Hindi ah. Obvious naman kasi na kailangang magreview kasi exam."

"Bakit ang sungit mo. Hindi ka kasi makapaghintay eh. Sabi mo mamaya na lang ako magkwento."

He's the Brother of My Kuya's Bestfriend (Book 2 Of MKB) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon