Decision

5 0 0
                                        

Stop! Don't move. Itinutok ko sa kanya ang baril na hawak ko.

Subukan mong gumalaw. Hindi ako magkakamaling kalabitin ang gatilyo para sumabog ang ulo mo. Pananakot ko sa kanya.

Tahimik lang ang lalaking tinututukan ko ng baril.  Nakataas ang dalawa niyang kamay bilang pagsuko.

Unti unti akong lumapit habang nakatapat pa rin sa kanya ang baril ko. Hindi naman siya natinag at nakipagtitigan lang sakin.

Kinuha ko ang isang kamay niya gamit ang kabila kong kamay at inilagay ito sa likod niya.

Sandali kong isinukbit ang hawak kong baril sa lalagyan nito sa bandang beywang ko at kinuha ang posas at ikinabit sa palapusuhan niya.

Dahil nakaposas na siya ay hinayaan ko siyang makawala sa pagkakahawak ko sa kanya dahil tatawagan ko ang mga nasa istasyon.

Ngunit bago ko pa mai-dial ang numero ay nakaramdam ako ng pangmamanhid ng buo kong katawan at nakita ko ang pag-aalala sa mukha ng lalaking nakatayo sa harapan ko bago unti unting lumabo ang paningin ko hanggang sa nilamon na ako ng kadiliman.

Nakarinig ako ng mga ingay at hindi na ako nagdalawang isip pang buksan ang mga mata ko para makita kung sino ang mga maiingay na yon.

Nakita ko ang mga lalaking nakauniporme ng pang pulis at tila may seryosong pinag-uusapan. Nilibot ko ang paningin ko at napagtantong nasa hospital ako.

Dahan dahan akong umupo at tinanggal ang dextrose na nakakabit sa kamay ko. Dumugo man ay hindi ko na ito pinagkaabalahan pang tingnan bagkus ay lumapit ako sa mga lalaking nag-uusap.

Cheif anong pinag-uusapan ninyo? Nahuli niyo ba yung lalaking kasama ko kanina? Sigurado akong siya ang salarin kaugnay sa patayan naganap kamakailan lamang. Dirediretso kong paliwanag.

Nagkatinginan sila at lumabas ang dalawa kong ka grupo sa operasyon at natira na lamang si Chief na nag-aalalang nakatingin sa akin.

Magpahinga ka na muna at kami na ang bahala sa kasong sinasabi mo. Sige na magpahinga ka na. Bakas sa kanyang mukha ng kapaguran. Kaya hindi na ako tumanggi.

Tumango na lamang ako at tahimik na bumalik sa higaan ko at sinikap na makatulog.

Officer Mara! Tawag sakin ng bata.

O bakit mukhang nagmamadali ka ata bata? Nginitian ko siya at ginulo ang buhok niya.

Hindi na po ako bata. Officer, 25 years old na ko hindi na ako baby. Paliwanag niya.

May pagtataka ko siyang tiningnan at sinimangutan.

Hoy Diego, anong pinagsasabi mo dyan? Eh labing-siyam na taong gulang ka palang. Bata ka pa dahil sa edad na bente uno pa ang pagiging binata ng isang lalaki.

Nakita ko sa mukha ni Diego ang pagkabahala ngunit agad itong napalitan ng masiyahing hilaw na ngiti.

Sige po Officer, hindi na po ako makikipagtalo sayo. Mauna na po ako. Binisita lang kita. Babye po! Kumakaway siyang tumakbo paalis sa harapan ko.

Bakit naman niya ako bibisitahin eh parehong nasa opisina lang naman kami. Bakit puro nalang malulungkot ang mga kasama ko? Ah siguro dahil hindi pa namin nahuhuli ang may sala sa patayan.

Tsk! Kung hindi lamang ako hinimatay noong nakaraang araw ay panigurado hindi makakawala ang lalaking iyon.

Naglalakad ako papuntang banyo dito sa opisina. Nang mahagip ng paningin ko ang pagpasok ng isang lalaki. Teka saan ko nga ba nakita ang taong ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 21, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DecisionWhere stories live. Discover now