Good morning sa inyo! Sweet and mild ang kasama ko, tamis na iyong hatid .... blah blah blah, nawala na sa isip ko yung lyrics. Mehehehe.
Paunang salita: Hindi ito bagong hinampo, hinaing, rant, sama ng loob o kung ano pa man. Ito e isa lamang pagpapalusot sa lahat ng mga kasalanan ko sa inyo nitong mga nakakaraang buwan. Sana basahin mo, lalo na kung ikaw e interesado. Wala namang mawawala sayo. Pramis, peksman ... mamatay man yung aso ng kaaway mo.
Paumanhin sa mga pagkukulang ko sa inyo. Alam ko, kahit paano, mayroon namang mga taong bumabasa ng mga gawa ko, at may mga tao pa rin namang naniniwala sakin. Ang problema lang kasi, ako 'tong lubhang nawalan nang lakas ng loob, dala na rin ng mga nakararaang sitwasyon ng inyong lingkod. Ang hirap lang kasi talagang pagsabayin ng trabaho at pagsusulat. Gayundin naman ang pagsusulat at pakiki - salamuha sa mga kaibigan mo sa mundo ng Internet. At tulad ng sinasabi ng marami satin, may kanya - kanya tayong buhay offline.
Isa pa, nararamdaman ko kasi na ang dami nang nagbago dito sa wonderland natin. Para sakin, nawala na kasi yung karamihan sa mga taong naging dahilan ng pagse - stay ko dito sa Wattpad. Oo, may mga bago akong nakilala, pero lubha lang ding nakaka - miss yung 'ol good times na meron kami. Iba pa rin kasi yung pinagsamahan namin nung mga kaibigan ko dati. (Pasensya na ah, ito yung isang sakit ko e. Masyado akong naikakandado ng past kaya hirap akong mag - look forward sa present.) Bukod doon, may mga tao lang din kasi dito na ang lakas maka - badtrip, tipong lagi atang galit sa mundo, eh ayoko pa naman ng ganoon ... sa trabahong meron ako ngayon, malaking requirement ang anger at stress management. Kaya nga ako, kesa mabadtrip ako sa kanila, iiwas na lang ako para di masira yung maganda kong araw.
Mabalik tayo sa pinagsasasabi ko noong una. I really treasure my newfound friends. Alam niyo naman kung paano akong makisalamuha sa mga tao dito. Sabi nga nung mga datihan ko pang kaibigan, sa sobrang bait ko, maski yung mga nagpapanggap na tao, nakakapasok sa buhay ko. Pero echoz lang yan. Nangangailangan lang talaga sila ng pera noon kaya nila yan nasabi.
Oh siya. Ang dami kong segue, nakakaumay na. Bakit nga ba ko nawala sa Wattpad?
Simple lang ang sagot: nabaliw ako sa dami ng trabaho, at sa dami ng mga distraction sa mundo. Choz! Pero yun nga, sa dami ng mga nangyari sakin sa labas, nakalimutan ko na talagang mag - relaks, pati na rin ang pagtuunan ng pansin ang sarili kong kaligayahan. Nakalimutan ko na may mga taong nagmamahal sakin sa online world. Masyado kasi talaga akong na - hook sa buhay ko offline, kaya ang resulta, nagkanda - peste - peste tuloy ang maganda kong pagkatao. Sa totoo lang, kahit nga pamilya ko, medyo nakalimutan ko e, samantalang alam ko sa sarili ko noon na lahat ng ginagawa, ginawa at gagawin ko e para lang sa kanila. Oh diba? Ang sama ko na? Pero dahil magnyu - New Year, syempre magbabago ako, for the better.
May balak ba akong bumalik dito?
Oo naman. Kaya nga rin ako nagsisimulang magbasa - basa ulit ng mga naisulat ko. Nanghihinayang ako sa story line. Hindi ko lubusang akalain na ganoon pala ako mag - isip, na kaya ko palang maging imaginative at creative: in short, na kaya ko pa lang maging isip - bata at batang - isip.
Sa pagto - throwback ko sa mga likha ko, marami lang din akong napuna't napansin. Yung mga naisulat ko kasi, iba - iba ng genre, ng style. Nakakatuwang - nakakainis basahin yung iba. Nasasalamin tuloy yung pagka - multi polar ko e. Sandali, iisa - isahin ko ng paliwanag para naman magkaintindihan tayong lahat.
(WARNING: The following statements may or may not contain PREVIEWS/SPOILERS.)
My Ultimate Boyfriend: Sa pagkakaalam ko naman, may mga nagbabasa't nag - aabang nito, kasehodang sobrang cliche as in cliche na nung story line. Romance - Comedy (RomCom) ang genre nito e. At sa pagbabasa ko ng ilang kabanata, napapailing na lang ako kasi napansin kong ang immature ko pala habang isinusulat ko 'to. Pero, hindi ko pinagsisisihan na nasimulan ko ng katatawanan ang kwento nila Erin, Agent X44, Ava at Zairo. Proud pa rin ako sa ginawa ko, dahil bunga ito ng lahat ng dugot' pawis sa katawan ko. Ito rin ang kauna - unahang akda na naisulat ko in 3rd person's Point of View (POV). Sa totoo lang, napakahirap maging seryoso sa narration, lalo na't may halo nga itong katatawanan. Kaya, pagpapasensyahan niyo na sana kung mapapansin niyong ang immature ng kwento. Hindi ko idedefend ang mga kakulangan ko sa pagsusulat, pero gusto ko lang malaman niyo na sa abot ng aking makakaya, ibinibigay ko lahat ng makakaya ko, para lang mabigyan ng hustisya yung mismong kwento.
TAGAY: Angganda talaga ng pinaplano ko sa kwento nina Bea, Janine, Kelvin at Guido. Isama mo pa sina Alden, Tim at at at ... sino nga ulit yung isa pa? Pero seryoso: nagagandahan din ako sa story line nito, bagamat gasgas na bestfriends slash polygon romance ang tema. May pagka - RomCom din ito, although mas masture kumpara sa My Ultimate Boyfriend. Sabihin nalang nating marami talaga kong pinaplano para dito. Hirap nga lang talaga akong isulat 'to kasi nga, based naman sa Point of View ni Guido yung pagku - kwento. Idagdag pang, makakalimutin talaga ko kaya hindi ko agad nadudugtungan yung istorya. Eh sa haba ba naman ng update ko bawat kabanata, tinatamad pakong magbasa. Makakaasa kayong dudugtungan ko 'to. Hindi nga lang agad - agad. Ang hirap kayang mag - isip ng bawat eksena. Dami ko kasing chenes at cheber sa istorya, tuloy nakaka - imbyerna.
Para kay G: Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko para magsulat ng Historical Fiction/Fantasy. Nainspire kasi ako noon sa Queen and I, kaya naisip kong magsulat ng istorya ukol sa time travel. Anak ng tinapa. Hindi pala ganoon kasimple. Mas maraming kumplikasyon pala pag ganito ang isusulat mo. Kaya bilib na bilib ako sa mga sumusulat ng may temang nabanggit. Hands down ako sa inyo. Anyway, dudugtungan ko 'to. Kailangan ko lang din talaga ng ibayong research at madibdibang pagbabasa. Hindi pupwedeng mamamatay nalang ng basta - basta ang unquenchable thirst ni Alei sa pagmamahal ni Grei.
Berde: Gusto kong i - delete ang istoryang 'to. Seryoso. Mas mahirap dugtungan ang istoryang may R - 18 na tema. At baka maihambalos ko lang ang laptop ko pag nag - back read ako ng iilang kabanata. Buburahin ko ang istoryang 'to, siguro bago mag - New Year. Ayoko ng mag - attempt na magsulat ng R - 18. Hindi magandang tingnan lalo pag tiningnan mo kung anong propersyon meron ako. Kaya sa mga nag - aabang nito, patawad. Hindi ko na talaga kayang dugtungan ang kwento nina Arbie at Jarvis. Pero echoz lang 'to, tinatamad lang talaga ko. Mehehehe. (Buburahin ko ang kwento nilang R - 18 nasimulan ko, pero mag - iisip ako ng panibagong story line para sa kanilang dalawa.)
TDDT: Pinaka - malaking frustration (at depression) ko ngayon ang kwentong 'to. Liban sa nakalimutan ko na nang tuluyan ang kwento, hindi ko na rin kasi matandaan yung mga dare na pinaggagagawa ko. Nandoon lahat ng files ukol dito doon kay Sammie, doon sa unang laptop ko na napeste't nategi. Balak ko munang kontakin yung pinagpagawaan ko nito (na hanggang ngayon, hindi ko alam kung nandoon pa ba sa kanila yung laptop ko dahil di pa naman ako nagbabayad) at hingin lahat ng back - up files ko. Meron daw kasi silang inihandang back - up, lalo na kung wala na rin naman akong balak kunin yung laptop ko. (Pero babawiin ko talaga si Sammie, makaluwag - luwag lang din ako.) Narealize ko na hindi pala biro ang magsulat ng mystery. Mas mahirap kumpara sa R - 18. Ubusan ng brain cells kaka - imagine bawat eksena, bawat pangyayari. Pero namimiss ko na rin sina Aisha, Aeschy, Achie, Apollo, Ares, Amar at Alex. Sana matapos ko rin ang kwento nila. Magdadalawang - taon na rin pala akong walang update dito.
Hindi ako nangangakong magkakaroon ako ng update schedule. Susubukan kong maglaan ng oras para sa Wattpad at sa pagsusulat, pero hindi ko maipapangako na magiging regular gaya ng dati. Gusto ko lang magtanggal ng stress, at sa pagkakataong 'to, wala na kong pakielam kasehodang may magbabasa man ng gawa ko o wala.
Tanong: Kelan ko dudugtungan at tatapusin ang mga nobelang 'to? Sagot: Bukas na bukas din. Pero echoz lang yun, asa namang magawa ko yun agad - agad. Basta kung kailan siguro ako sipagin.
Yun lang ang malaki ko pang problema e. Yun ang wala ako sa ngayon. Sipag. Sana sa 2014, sapian ako ng espiritu ng kasipagan ... para naman makapagsulat at makatapos na ko ng mga nobela ko dahil talagang GUSTO ko, at hindi lang dahil basta KAILANGAN.
Maraming salamat po.
- CF.
|12|28|2013
YOU ARE READING
Chenes, Cheber at Eklavoo [Sulating maraming Tagay.]
HumorMga payo ni Si Ep sa pagsusulat. Random ek - eks sa buhay. Batung - Bato ka na ba? Rakrakan na. Kailangan 'tong malaman ng sanlibutan. Basahin kung gusto mong maliwanagan.
![Chenes, Cheber at Eklavoo [Sulating maraming Tagay.]](https://img.wattpad.com/cover/1516345-64-k250525.jpg)