I don't know if I will count this as a chapter.

2 0 0
                                        

Ang bilis ng oras pagbusy or pagmasaya ka. Napakabagal naman pag wala kang ginagawa or badtrip ka na parang gusto mo nang tapusin ang araw.
Katulad ngayon. Papasok na naman ako, natatagalan ako kasi nakakapagod ang trabaho ko plus yung mga taong nasa paligid ko. Mas nakaka stress pa sila kesa sa trabaho.

Alasingko ng umaga ang oras ng service namin minsan five fifteen or depende sa driver. Alas kwatro ako gumigising kadalasan pinapatay ko na alarm ko para makatulog pa ako, mabilisang kilos lang pati pagligo, di na ko naglalagay ng oras para mag ayos ng sarili dahil itutulog ko nalang, pagdating nalang sa trabaho.
Tumingin ako sa cellphone ko para tingnan ang oras, di ko na tiningnan relo ko sa wrist ko madilim din ko rin makikita. It's already five twenty six pero wala pa rin ang sasakyan. Nagtipa ako ng message para itanong sa mga kasamahan ko kung nasaan na sila. After three minutes tumawag si Wynna, kasama ko sa trabaho.

"Malapit na dyan, dito na kami malapit sa ospital." Rinig kong sabi nya sa kabilang linya, kahit hindi pa ko nagsasalita.

"Okay sige." Sagot ko nalang sa kanya bago tapusin ang tawag.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumingon sa kanan. Nakikita ko na ang liwanag ng dalawang ilaw ng sasakyan. Nang huminto ang sasakyan sa harap, tumawid ako para sumakay na.
As usual, same routine. This is my life everyday. Papasok ng trabaho, uuwi, kakain at matutulog ng maaga at gigising din ng sobrang aga. Hindi na ako magtataka kung tumataas ang timbang ko every week dahil wala akong proper diet at ehersisyo, though hindi naman talaga ako nageexsercise tsaka wala naman akong pake kung tumaba ako or pumayat.

Since maaga ang pasok namin o ang sundo rather. Karamihan ng kasama ko nakapikit pa. Humahabol pa ng tulog dahil trenta minutos ang byahe. Ang nakaugaliang gawain ko naman habang nasa byahe, nakikinig lang ng music sa cellphone at naka headset tsaka ko isasandal ang ulo ko sa sandalan ng iunuupuan ko.
Muni muni. Isip isip.

Actually, iniisip ko kung ano ba talaga ang balak ko sa buhay. I don't know exactly what is my purpose kung bakit ako nagkukumahog sa trabahong ito. Though, my job is not really hard, it is just difficult.lol.
I am four years college graduate pero until now i don't know if my course is really fit to me. Kaya naman business ang kinuha kong kurso dahil lima lang ang pwedeng pagpilian sa eskwelahan na pinasukan ko. Una, Education (for Elementary teaching) I know talaga at standard pagdating sa sukatan ng utak. May nagsabi sa akin dati na kung magaaral ka ng Education dito sa school ka na magenrol dahil mas marami ang nakakapasang estudyante sa LET exam, tingin ko ay tama naman sila dahil yun din naobserbahan ko sa school. Nahiya akong bigla eh yung grades ko mababa dahil galing ako ng syudad. Tsamba lang na nakapasa ako doon ng high school. Hindi ako katalinuhan aminado ako doon. Pangalawa, Tourism. Masyadong mahal. Pang mayaman. Bakit pangmayaman? Dahil mahal na ang ten thousand na tuition fee sa lugar na ito. Kahit may scholarship naman at pwedeng installment ang bayad.
Ganun din ang HRM, ang mahal bes. Maraming subjects ayoko nun dahil yun nga yung iniiwasan ko. Wala kong pake basta makatapos ako, keri na and friend ang daming pinapatahing uniform plus I am not into cooking chuchu things but i know how to cook may mga luto akong alam, okay na yun. May points na ako doon. And last yun nga. Yung course ko. Ang pambansang kurso ng Pilipino. Business Management. Kasi nga No Choice. But take note, major in Financial Management ako dzai. Dalawa kasi ang major Financial and Marketing. Mahirap din yung course ko, yun ang pagkakaalam ko ah. Kasi ang alam ko lang nung high school ako, mag art, mag style ng manila paper sa bawat gilid nito. Pero dahil tumigil nga ako ng three years after I graduated from high school nabulok ang utak ko kahit wala naman talagang mabubulok.
Nabanat ang utak ko sa kursong ito dahil sa mga professor. Yung mga inaasahan ko hindi nangyari at kabaligtaran pa. I assumed magrerelax lang ako dahil sabi nila madali lang naman ang course na ito. Naging leader pa ako ng mga kung anu anong grupo para sa report pati sa mga pageant ng eskwelahan at iba pang mga activities ay nasalihan ko na rin. Feeling ko nung mga panahon na iyon ay busyng busy ako at pagod na pagod pag galing ng school, kahit ang totoo hindi naman talaga importante ang mga ganoong bagay doon dahil nakapokus ang school sa pagpapadalubhasa ng istudyante.

Kahit imposibleng mapasunod nila ang lahat ng nagaaral doon. That's student's life isn't?

Anyway, ang layo na ng kwento ko. So yun nga. Move on na.

Tumingin ako sa bintana ng sasakyan dahil bukas ang bintana, mahangin, malamig yung simoy lalo na't maaga pa.
Ang tagal ng oras. Yung tipong papasok ka pa lang pero yung feeling mo uwing uwi ka na. Sa estimate ko mga five to  eight minutes nalang makakarating na kami ng Airport. Yep. Airport.

Nang tumigil ang sasakyan sa bukana ng airport hudyat na para kami ay bumaba ng sasakyan. Ang ganitong pakiramdam na parang sasalang kami matinding bakbakan ay ang dahilan kung bakit gusto kong laging umuuwi na. Juice colored.

I am a Customer Service agent in Airline company. Yan ang sikat na role na larangan ng airline.

Okay na di ba. Ang iniexpect ng iba sa bangko ang magiging trabaho ko dahil sa kurso ko. Eh wala naman akong pakialam sa kanila basta para sa akin maganda na trabaho ko kumpara sa ibang tao na nakatapos na pero walang makuhang maayos na trabaho.

But still my mind is floating, lalo sa mga bagay na di ko malaman kung ano ba talaga ang gusto ko sa buhay.

Itutuloy...

_________________€€_________________
Manunulat kuno:

Ang mga nilalaman ng 'istoryang' ito ay base lamang sa utak ng ambisyosa at nagiinarteng nagsusulat. Maaaring may mga reyalidad na nasasaad kagaya ng pangalan, lugar, sitwasyon at kung anu ano pa. Maaaring ang lenggwahe, karahasan, droga ay hindi angkop sa mga batang nagbabasa, de joke lang. Please read at your own risk and I just want you to know that this story is not yet ready. Yun lang. Salamat.

-= Untitled =-Stories to obsess over. Discover now