11th Shade

1.9K 63 9
                                    

Probably this will be my favorite part of my one shot series. Walang vk line, sa kanya to naka-base.

P.S; maghanda ng tissue o kaya ng panyo :) (kung iyakin ka ha)

and also, magulo to. naguluhan ako eh haha, pero alam kong matatalino kayo kaya magegets nyo to :-)

Legend:
Italicized na naka-bold: song lyrics
****

Gulong gulo ang puso
Saan ba 'to patungo?
Di ko alam
Di ko alam.

(PRESENT TIME)

"Hatid na kita pauwi, K."

Kinuha nya ang malaking backpack ni Karylle at isinaklay sa kanyang mga balikat.

Tahimik lang silang naglalakad sa mga kalye ng Maynila, umaasang makakahanap ng bakanteng bus sa dis-oras ng alas sais ng gabi, rush hour ika nga.

Magkahawak ang kanilang mga kamay, rason para mapagtanto ng mga tao sa paligid na sila'y magkasintahan, hindi kase ito halata sa kanilang mga mukha.

"Vice, ako nalang uuwi mag-isa, malayo pa condo mo, kaya ko na."

"Okay lang, K. Hindi pa naman ako pagod."

"Hindi, sige na. Dito na ko. Kita nalang tayo sa UP (Usual Place - tambayan, kitaan kapag may pupuntahan) bukas. Tawagan mo ko kapag nakauwi ka na." hinalikan ni Karylle si Vice sa labi at sumakay na ng bus.

Hindi maipinta ang mukha ni Vice, hindi mo malalaman ang kanyang emosyon sa sandaling ito --- kung sya ba ay masaya, malungkot, galit, pagod, atbp. Kumbaga sa pagpipilian sa eleksyon, abstain ito.

*

To: Karylle

Nakauwi na ko.

From: Karylle

Ako din. Tatawag ka ba?

To: Karylle

Hindi na. Pahinga ka na. Kita nalang tayo bukas.

From: Karylle

Ok. Good night. I love you.

*

Hinarap lahat ng balakid
Pero bakit walang kapit
Ang mga pangakong binitawan?
Di ko alam
Di ko alam

Karylle's perspective (POV)

Three years. Three years na kami Vice. Ang dami naming pangarap ni Vice. Pangarap namin makatapos ng kurso namin. Planado din ang mga kurso namin --- Civil Engineering kinuha nya kase balak namin magtayo ng bahay sa tagaytay. Tapos Interior Design naman yung akin kase ako yung mageexecute nung interior ng bahay na yon.

Pagkatapos namin mag-aral, magttrabaho kami at mag-iipon. May blueprint na nga yung bahay namin eh. Tapos ikakasal kami sa caleruega, doon ko kase sya nakilala, rason para maging kami. Retreat kase namin yon tapos retreat din ng school nila.

Ang galing nga eh, connected talaga yung gusto naming kurso, hindi yon puchu puchu lang. Bago ko sya makilala, C.E na talaga ang gusto nya, tapos ako naman, I.D. Ikinonekta talaga kami ng tadhana --- yan lagi ang sinasabi ni Vice sakin. Iba sya eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

14 Shades of VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon