Prologue
Hopeless romantic
"Chemistry is a physical science that deals with the study of composition of substances and mixtures..."
I jotted down notes as our professor kept on introducing our first lesson.
Unang araw ng pasukan at ito agad ang bumungad sa amin. Hindi naman sa ayaw ko ang lesson na 'to. Gusto ko ang subject na Science. Mas maganda na rin ito kaysa magditch ng first day tulad ng ginawa ng iba kong mga kaklase ngayon.
I continued writing down notes. Kadalasan kasi sa highschool ay isa sa mga requirements ng mga maaarteng professors ay kumpletong notes. At ayaw kong naghahabol ng mga requirements. Dagdag pa iyon ng stress.
Hinintay kong matapos ang unang subject. Hinintay ko ring makalabas na ang lahat ng tao sa room kahit na mahigit dalawampu lang naman kami rito.
Bakit ko pa nga ba kailangan makipagsiksikan at makipagunahan sa pintuan kung alam ko rin namang puwedeng mas lalo lamang akong matagalan.
Kakalipat ko lamang sa unibersidad na ito. Hindi ko maiwasang hindi mapansin ang paninitig sa akin ng ibang mga estudyante. With my tall and narrow nose, almond eyes, perfect thin lips and fair complexion, I surely would attract their attention.
Don't get me wrong, I'm not boastful. Just stating a fact. At hindi ko rin maiwasang mailang sa mga titig nila.
Nagsimula akong ayusin ang mga gamit ko nang nakita kong kaunti nalang ang nasa pintuan. Marami sa mga kaklase ko ay magbabarkada. Tulad nang nasa likod ko ngayon. Maingay sila. Tila ba hindi pinapansin ang professor. Hindi ko alam kung bakit nananatili pa sila dito sa loob ng classroom gayo't ang mga magbabarkadang tulad nila naman ang madalas na mauna lumabas.
Pagkatapos kong ayusin ang aking gamit ay tumayo na ako. Aamba na sana akong lumabas ng silid nang biglang hinarangan ako ng isang lalaki mula doon sa magbabarkadang nasa likod lamang kanina.
"Hi Miss, may kasabay ka na ba kumain? Tara sabay ka na samin." sabay ngiti nito.
Nagulat ako. Hindi ko namalayan na nandito pala siya! Siguro ay hindi ko siya namalayan kanina pagpasok niya ng silid. Hindi ako makapaniwala!
"Troie, hanggang dito talaga ay sinundan mo ako? Ang akala ko ay nagbibiro ka lang!" sigaw ko dahil sa gulat.
Hindi ako makapaniwalang seryoso siya nang sinabi niyang susundan niya ako saan man ako lumipat na paaralan.
Sabay kaming lumaki ni Troie. Magkaibigan ang mga magulang namin. Gusto ako ng mga magulang niya para sa kanya at ganoon din sila mama at papa. Kaya 'di na dapat ako magtaka kung gayo't kakalipat ko pa lang dito sa Saint Denis University ay lumipat rin siya para sundan ako. Marahil sinabi ni mama kay Tita Cesca na dito ako mag-aaral ng 3rd year highschool.
"Imo, seryoso ako sa'yo. Ikaw lang naman 'tong hindi e." sabi niya sabay halakhak.
"Troie, stop it. Bata pa lang tayo nang sinabi kon---"
"Haha. Masyado ka namang harsh! Ilang taon pa lang din naman tayo ngayon. Puwede pa iyan magbago." sabi niya sabay kindat.
I know Troie has been hitting on me since we saw each other. Grade 4 kami nang makita namin ang isa't-isa nang bumisita ang bagong salta nilang pamilya sa village sa aming bahay nang nagkaroon ng Halloween Party. Hindi naman kami masyadong close noon hanggang sa sumunod na taon ay nagsimula siyang bumuntot at mangulit sa akin.
