Chapter One

1.2K 38 0
                                    

A/N:

Ano na mga bagets? bakit wala man lang feedback? TT_TT inaapi niyo ko! hahaha


p.s.

Happy New Year! Kampai!


ANG malakas na dapyo ng hangin ang siyang nagsisilbing paalala sa isang pigura ng isang lalaki kung saan siya kasalukuyang naroroon. Sa kanyang mga mata animo mga nagniningning na bituin ang mga ilaw sa ibaba ng kanyang kinatutungtungan. Nagkalat ito hanggang sa abot ng kanyang tanaw tila ba abot kamay na lang 'ni no man ngunit para sa kanya ay tila ilusyon lamang ang mga nakikita.

Yumuko siya para sipatin kung gaano kataas ang inaapakan na baradilya at hindi nito mapigilan ang mapangiti dahil tila ba pakiramdam niya ay pag-aari niya ang mundo. Sa gitna ng maingay na syudad na kinaroroonan kung saan bawat tao ay tila walang pakialam sa isa't-isa hindi niya maiwasan ang makaramdam ng saya na tila ba malaya siya sa mga kadenang nakagapos sa buo niyang katauhan.

Pero sino nga ba ang niloloko niya? Hindi nito maiwasang maitanong sa sarili. Tinalikuran niya ang mga nagniningning na liwanag sa kadiliman saka pinagmasdan ang buwan na kahit tila nasasapawan na ng ilaw matayog pa rin itong nakatayo sa langit tila ba pinapahiwatig na sa itaas na kapag nagtago na ang araw teritoryo nito ang kalangitan.

Idinipa niya ang dalawang kamay saka hinayang dumapyo ang hangin sa balat nito pagkatapos ay ipinikit niya ang mga mata ibinaling ang pandinig sa tahimik na gabi imbes sa maiingay na busina ng mga sasakyan saka niya hinayaan ang sariling tangayin ng hangin at tuluyang nagpatihulog sa gusali.

Sa wakas malaya na rin ako bulong nito sa sarili.

Ngunit sa pagbukas muli ng kanyang mga mata ay nakita nito ang sarili na tila nakaupo sa isang puting trono at ang buong silid ay nagliliwanag. Noon naman tumutok ang mga mata nito sa kabilang bahagi ng silid. Kung saan nababalutan naman ito ng kadiliman at sa tapat niya ay mayroon ring nakaupo na lalaki sinubukan niyang mabisitahan ang mukha ngunit tanging ang nakaupo lang nitong pigura ang nakikita niya.

"Hindi pa ito ang tamang panahon." Sabi nito ngunit tila hindi naman gumalaw ang bibig.

Napipilan lang siya nang mapansin ang kadenang tila nakakabit sa buo nitong katawan. Ngunit napansin niyang unti-unting nilalamon ng dilim ang liwanag na bumabalot sa kanya.

Hanggang sa namalayan na lamang niyang nasa harap na mismo niya ang nakaupong pigura. Hindi katulad ng simpleng trono na kinauupuan niya ibang-iba ang kinauupuan ng kasalungat niyang pigura. Tila gawa sa metal ang trono na pinapalamutian ng mga bungo at tinik ng rosas habang ang kadena ay nakapalibot sa buong katawan ng lalaki.

Nakayuko ito ngunit dahan-dahang nagangat ng mukha hindi niya mapigilan ang makaramdam ng hilakbot ng mabisitahan ang mukha nitong kawangis ng sa kanya ngunit hindi iyon ang nagbigay ng takot sa kanyang dibdib.

Ang katotohanan na ang mga mata nitong tila kasing pula ng dugo at ang mga pangil nitong kawangis ng isang bampira.

"Malapit na, malapit na tayong maging isa."

NAPABALIKWAS ng bangon si Al sa bangungot na naranasan niya, sapo-sapo ang dibdib na tila tinatambol sa kaba ay napahilamos na lang siya sa pawisan niyang mukha. Huminga siya ng malalim para kahit papano ay pakalmahin ang sarili pero parang may replay button sa utak niya at paulit-ulit sa utak at tenga niya.

Alucard: The Last DescendantWhere stories live. Discover now