•1

60 12 0
                                    

------- 

"KUYAAAAAAA! Sa'yo ako sasama ngayon ha?" Nakangiti kong sabi kay kuya habang pababa ng hagdan.

"Why?Hindi ka ba susunduin ni Dustin ngayon?" He asked

"Bakit kuya? Ayaw mo na ba akong kasama? Binibigay mo na ba ako sa bestfriend ko?" I asked na may kasama pang lungkot sa mukha.

"No, its not that. Palagi ka kasing sinusundo dito ni Dustin. Im just wondering atsakadi kita ipinamimigay. Ikaw lang kaya ang princess ko" Sabi niya atsaka niyakap ako.

Ang sweet talaga ng kuya ko. Kaya lab na lab ko to eh.

''I told Zachary kasi na gusto ko ikaw kasama ko papuntang school. Sawa na ako sa mukha niya eh. Hahahah! Joke!"

"Ikaw talaga, tara na at baka malate pa tayo" Sabi niya at saka sumakay na ng sasakyan niya. Yes,may sariling sasakyan si Kuya. Nasa right age naman siya eh.

By the way, ako ng pala si Cassidy Summer Lee at ang kausap ko ay si Kuya Niko Winter Lee.

Nakarating narin kami sa school. At syempre, yung mga tingin ng mga babae ay parang tutunawin nila si kuya.

HMP!! Alam kong gwapo ang kuya ko pero sana huwag naman nilang tunawin. Mawawalan akong sweet na kuya eeeh!

Paalisin ko kaya sa school?

AY! Ang bad ko naman >.<

We own this school kasi. The L Academy.

Hinatid na ako ni kuya sa classroom at di pa rin nawawala yung mga nakakatunaw na titig sa kanya ng mga babae.

Umupo na ako sa upuan ko katabi ang bestfriend ko.

''You're here"

"AY hindi, wala ako dito Zachary" Agad kong sabi kaya na pa 'tss' nalang tong bestfriend ko.

Ayaw niya kasi ng Zachary eh. Ako lang ag tumatawag sa kanya ng ganyan. His fullname is Zachary Dustin Hwa. He's my bestfriend since the third grade.

"CASSIDYYYYYYY!"Agad akong napatakip ng tenga at lumingon sa babaeng sumigaw ng pangalan ko.

Napapokerface nalang ako nung nakita ko ang isa ko pang bestfriend si Aubrey.

''Brey naman. Huwag ka ngang sumigaw"Agad kong sabi sa kanya.

"Sorry naman girl ha. Maybalita kasi ako"

"Ano na naman yan?" 

"Alam mo bang ikaw ang gagawing panlaban ng school natin sa isang competition? And guess what girl? Ang makakalaban mo lang naman ay ang oh-so famous plus hot na hot plus gwapo na gwapo plus matalino na matalino na si Kris Wu Yifan" Sabi niya habang pumapalakpak pa.

EH AKO? Ayaw ko kasi talaga sumali sa mga competition na yan. Eh halos na sa library lang ako niyan kasi kailangan daw talagang paghandaan.

Running for valedictorian kasi ako since 4th year highschool na ako habang si kuya naman ay 2nd year college.

I sighed heavily. Bakit ba kasi puro nalang ako?

At sino naman yang si Kris Wu Yifan na yan. Hay nako.

"Sino ba kasi yan si Kris na yan?" Tanong ko.

"Ano ka ba girl? Di mo kilala yun? Siya lang naman ang magiging valedictorian ng Yifan Academy. Yung school na pagmamay-ari din nila. Alam mo girl, wala pang may nakatalo sa kanya" Sabi niya.

"Mukhang mapapasabak ka Summer ah" Agad na sabi nitong si Zachary.

"Bahala na" Yun nalang ang tangi kong nasabi dahil nag ring na ang bell.

Pumasok na si Miss De Castro.

''GoodMorning class"

"GoodMorning Miss De Castro" Sabay sabay na bati namin.

''Well, gusto kong iannounce na this coming Sept. 14 ay may gaganapin competition and isa sa mga panlaban natin ay si Ms. Lee'' Sabi niya at sabay-sabay namang lumingon ang mga kaklase ko sakin.

''Kawawa ka na naman nito Summer" bulong sakin ni Zachary.

''Kaya nga eh"

"Isa sa magiging kalaban niya ay si Kris Wu Yifan ng Yifan academy. Miss Lee, you need a preparation for this since itong si Kris ay hindi pa natatalo. The school's name is in your hands'' Dagdag pa ni Miss De Castro.

Wala naman akong magawa kundi ang ngumiti at tumango.

Agad na natapos ang klase. Kasama ko ngayon ay si Zachary.

"Hay! Ayoko na talaga!'' Padabog kong sabi habang papunta kami sa canteen.

''You have no choice Summer'' 

''I know. Hay! Gano ba kalala yang katalinuhan ng Kris na yan at bukas ay magsisimula na naman akong umupo at haharapin yung mga tambak tambak na libro?"

"Do you really want to know?" He asked.

"Ne (yes)"

"Pumunta kaya tayo sa Yifan academy para makita mo siya ng personal"

I looked at him.

"Seryoso ka? Baka sabihin nila na nag s-spy tayo"

"Ano ka ba Summer? Eh titingnan lang naman natin yung mukha niya eh"

"I can search him on the internet"

"Mas maganda pag personal. Don't worry, sasamahan kita"

"Jinjja? (really?)"

"Yep! Alangan naman pabayaankita dun"

Napangiti nalang ako sa sinabi niya. Ang swerte ko talaga dahil nagkaroon ako ng bestfriend na tulad     ni Zachary.

"Princess!" Lumingon ako sa tumawag sa'kin at nakita ko ang aking oh so gwapo na kuya.

"Kuya!"

"Hey, ikaw raw ang panlaban sa competition next week" Agad niyang sabi.

"Unfortunately kuya. Sasabak na naman ako sa gyera" Ginulo niya ang buhok ko.

"Isa pala sa makakalaban mo si Kris"

"You know him? Sabi nila undefeated daw yun"

"Not in person. He's famous because of his incredible mind. Matalino daw talaga yun kaya you really need to prepare. Hahahaha"

''Tumawa ka pa kuya"

''Eto naman" Sabi niya saka inakbayan ako.

"Yow Dustin!" Bati niya kay Zachary

"Yow Winter!" Bati rin ni Zachary kay kuya at ngumiti ng nakakaloko.

Nakita kong umiba nang mukha ni kuya. Hahahah! Ayaw niya kasi kapag tinatawag siyang Winter.

Pumasok nalang kami sa canteen at kumain na.

FASTFORWARD

(Nagmamadali si otor XD)

Uwian na kaya naman nagready na ako sa pupuntahan namin ni Zachary. Ang Yifan Academy.

Papunta na kami sa parking lot nung nakita ko si kuya.

"Kuya kay Zachary ako sasabay may pupuntahan kasi kami eh"

"Saan naman?"

"Going to see that Kris Wu Yifan" Agad kong sabi

"I'll come with you. Sasakyan ko ang gagamitin"

I looked at Zachary.

"Pano sasakyan ko?" Tanong niya

"Just leave it here. Mapagkakatiwalaan mga tao dito" Sabi ni kuya.

Sumakay na kami sa sasakyan niya.

Yifan Academy! Here we goooooo!!!!!

A/N: Uwaaaa! Hanggang diyang lang muna guys ha? Peace tayo \V/

His KryptoniteWhere stories live. Discover now