Chapter One

11.3K 206 3
                                    

        "Good morning, Ma'am. Welcome to Cherry Café. Can I take your order please?"

        "One cup of brewed coffee please. And... one banana bread."

        "Dine in or take out?"

        "For dine in."

        Magiliw na inasikaso ni Aniza ang mga customers ng kanila café. Dahil um-absent ang isa sa kanilang empleyado, siya muna ang tumao sa cashier.

        Madali lang 'to, 'wag lang ako matataranta. Natatawang bulong niya sa kanyang sarili.

        Dahil umaga at nasa business district ang kanilang café, dinarayo sila ng mga tao. Maliit lang ang kanilang pwesto pero marami silang mga customers.

        "Good morning, Sir! Can I take..." napatigil siya ng makita niya ang customer na kasalukuyang pumipili ng o-order-in nito. "...your order please..."

        Ohmaygaad...

        "Cappuccino and croissant bread please. Dine in."

        "O-okay, Sir. Please wait for a m-moment..."

        Natataranta man pero mabilis na kumilos si Aniza para asikasuhin ang order ng kanyang 'One and Only Man.' Ang bilis ng tibok ng puso niya. Focus, Aniza. Focus!

        Lance Villafuerte, one of the famous young millionaire na nagmamay-ari ng isa sa mga sikat na real-estate company sa bansa, was standing right in front of her, waiting for his order. Hindi niya mapigilan na di mataranta dahil sa presensya nito.

        Literal na tall, dark and handsome ito. Pero reserve ang presensya nito. Strick-looking sa kabila ng gwapong mukha nito. Nakasuot ito ng salamin at palaging may dalang leather bag. At kahit madalas ito sa kanilang shop para magkape, hindi pa niya ito nakikitang ngumiti.

        Nang maupo na ito dala ang order, hindi maiwasang habulin ng tingin ni Aniza si Lance.

        "Ma'am Aniza, crush mo po siya, 'no?" sabi ng isa sa mga empleyado niya sa kabilang cashier.

        "Shhh! H-hindi 'no..." pagtanggi niya kahit obvious naman na totoo ang sinabi nito.

        "Makakapag-asawa kaya yan?" bulong nito. "Para kasing ang istrikto niya. Hula ko wala pang girlfriend 'yan."

        "Hoy ha ang bad mo. Pogi naman siya ah," pagtatanggol niya rito. Para naman akong teenager nito...



"Nakakapagod din pala sa cashier. Kailangan laging mabilis ang kilos," napabuntong-hininga si Aniza habang naglalakad sa kahabaan ng Central district.

        Naisipan muna niyang maglakad-lakad kahit alas-nuwebe na ng gabi. Hanggang alas-onse ng gabi ang kanilang café pero pinagpahinga na siya ng mga tauhan doon dahil konti nalang ang mga tao.

        Nag-ring ang kanyang cellphone. Naglalakad siya habang naghahalungkat ng kanyang shoulder bag nang biglang may nabangga siya at napabagsak siya.

        "S-Sorry..." napatingala siya sabay singhap. L-Lance! "S-Sorry sorry..."

        Inalalayan siya nito. "Be careful next time." Pagkatapos ay umalis ito.

        Nyek! 'Yon lang 'yon? 'Kala ko naman may matagal na eye-to-eye contact!

        Nadismaya siya. "Strict nga siya. Hayst. Pero okay lang gwapo ka pa din naman," nakangising sabi niya nang makalayo ang lalaki.

        Patuloy lang siyang naglalakad. Hindi mawala ang itsura ni Lance sa isip niya.

        Ewan ko ba... parang iba 'yung dating niya, eh. Parang may something sa kanya. Oo nga reserve siya pero parang may rason, eh. May problema siguro siya...

        Mula nang gabi na iyon, napagdesisyunan niyang alamin ang lahat-lahat tungkol dito. Yup, I like him. And I want to draw a smile on his handsome face. Well, I hope I can.


"Sir Lance may tawag po kayo from Mr. Reyes of Reyes Concrete Incorporated," sabi ng sekretarya ni Lance. Sinagot niya and tawag sa telepono. "Good morning Mr. Reyes..."

        Five years na mula nang umpisahan ni Lance and Real-Estate business niya. Sa kanilang pamilya, siya lang ang hindi arkitekto sa kanila. Mas pinili niya ang magkaroon ng sariling business.

        Lance Villafuerte, a young millionaire at 28, has been busy with his business. Kilala siya sa pagiging isa sa pinakabatang entrepreneur sa bansa. Kahit nung una ay hindi tanggap ng mga magulang niya ang naisip niyang hanap-buhay, kalaunan ay natanggap na rin ng mga ito ang napili niya. Well at some point nakikinabang din naman sila since I recommend them to my clients who wants to have floor plans.

        Napabuntong-hininga siya. Minsan naiisip niya na masyado na siyang nagpo-focus sa business niya. He wanted some thrill too. Aminado siya na may pagka-play boy siya pero lagi nalang siya nai-involve sa isang relasyon kung saan may ulterior motive ang babae sa kaya – his wealth and his name. Isang taon na rin mula nang matapos ang huli niyang relationship. Naisip nalang niyang magpakalunod muna sa trabaho.

        But at some point in life, he really wanted to have someone na makakaintindi sa kanya. 'Yung mamahalin siya kahit wala ang yaman niya. Napabuntong-hininga uli siya. Gusto na rin niyang ma-involve sa isang seryosong relasyon.

When Miss Hacker Meets the MillionaireUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum