Chapter 5: Hindi inaasahan na bangungut

2.6K 39 0
                                    

ch5: hindi inaasahang bangungut

----------------------------------------------------------------------------------------

Naglalakad sa kadiliman si Juaquin. Iniinda parin ni Juaquin ang malaking sugat sa kanyang dibdib. Wala syang maalala kung paano nya nakuha ang ganung grabeng sugat. Walang hinto ito sa pag-agos ng kanyang dugo. Halos napakaraming dugo na ang nawala sa kanyang katawan ngunit ang pinagtataka niya ay hindi p sya nanghihina. Napansin rin nya na nakasuot parin sya ng uniporme ng pulis. Sa kanyang paglalakad ay  natanaw niya ang kanilang maliit na kubo na nasusunog. lumiliyab ito dahil sa napakalaking apoy.

Nagulat si Joaquin sa nakita “Maria!........ Maria!..........Maria!” sinubukan nyang tawagin ang kanyang asawa nang makapasok na sya sa luob na nasusunog na bahay.

Nakakapagtaka na hindi siya nakaramdam ng init sa luob. hindi siya napapaso sa apoy na kanyang madaan. Tila walang tao. Nakakabingi ang katamikan.

Sinubukan naman tawagin ni Juaquin ang kanyang tatlong anak. “Banjo!........Daniel!.........Agnes!” malakas nyang tawag. Pero ganun parin walang sumagot.

Nilibot na lahat ng pulis ang buong tahanan ngunit wala syang nakitang tao. Patuloy parin ang pag-agos ng kanyang sariwang dugo sa kanyang katawan. lalong lumalaki ang pagliyab ng apoy sa kapaligiran.

Nagtungo si Juaquin sa kanilang kusina duon ay nakahanda ang hapagkainan. May limang pinggan sa lamesa, baso, at mga kubyertos. Nakahanda ang Hapunan? asan ang kanyang pamilya?................. Nanlaki ang kanyang mata sa nakita. Gulat na gulat ang pulis. Ang laman ng mangkok ay inuuod na karne. Hindi niya mawari kung anong karne iyon, kung sa baka ba o sa baboy. Napasuka sya sa tindi ng amoy, napaka baho. Mabilis syang naptayo sa kanyang kina-uupuan

“Itay!..........Itay!...........Itay!” sigaw ng isang dalaga.

Agad narinig ni Juaquin ang malakas na sigaw n iyon. Natanaw niya si Agnes na tumatakbo papalapit sa kanya. Gulong gulo si Juaquin sa kaganapan sa kanilang tahanan. Wala syang idea sa kanyang pwedeng gagawin.

Naliligo sa dugo si Agnes nang yumakap siya sa kanyang Ama, “Itay, tulungan mo ako, papatayin rin niya ako!” walang tigil ito sa kanyang pag-iyak.

“Huh?! Sino? Sino naman ang papatay sa iyo.” Gulat na gulat si Juaquin.

Tinuro ni Agnes ang kanilang kwarto. Hindi nya magawang tignan iyon dahil sa subrang takot. Tangin ang kanyang daliri lamang ang nakaturo sa bahagi ng kwarto na iyon.

“Itay papatayin nya tayo! Tumakas na tayo!” malakas na sigaw ni Agnes habang hinahatak ang kanyang ama papalabas ng kanilang bahay.

“Teka, ano ba ang nangyayari, asan ang mga kapatid mo,” tanong ni Joaquin.

Hindi sumagot ang dalaga sa tanong ng kanyang ama, patuloy parin nyang hinahatak si Juaquin para makatakas. Tangin mga iyak lamang ang maririnig sa kanya.

Kasunod nun ay biglang lumabas sa lumiliyab na apoy ang isang nakakatakot na nilalang. Napaka laki ito, nakakakilabot ng itshura nito. Ang kanyang mga pangil ay nakalabas at may pumapatak na sawirang dugo mula dito. Kanyang mga mata ay kasing pula ng dugo. Mabalahibo ang kanyang itim na katawan. Mapapansin ang mahahabang kuku nito sa daliri. “PAPATAYIN KO KAYO! HAHAHAHAHAHAHAHAHAH” malakas itong tumawa na may buses ng babae. Ngunit panglalake ang katawan.

Gulat na gula si Juaquin sa nakita. Sa buong tanan ng buhay nya ay ngayon lamang sya nakakita ng ganung klaseng nilalang. “Kung sino ka mang demonyo ka, humanda ka sa ginawa mo sa pamilya ko!” mabilis na nilabas ni Juaquin ang baril na nakasabit sa kanyang beywang, agad nya itong tinutok sa halimaw.

“Itay tumakas na tayo, isusunod na nya tayo!” sigaw ulit ni Agnes. Naka yakap parin sya sa kanyang ama,

“HHAHAHAHAHAHAHAHA HUMANDA KA DADALHIN KO NA KAYO SA IMPYERNO!” malakas na tawa  ng halimaw na umeko sa buong paligid. Kasunod nun ay binuka nya ang kayang napaka laking pakpak na katulad ng sa paniki. “PAPATAYIN KO NA KAYO!” lumipad ang halimaw at aatakihin na ang mag-ama

Pikit mata ay mabilis rin kinalabit ni Joaquin ang kagilto ng baril

“BAAAAAANNNG" malakas na putok ng baril

bumaon nalamang bala sa katawan ng halimaw, dila hindi ito nasaktan sa tama ng bala sa kanya, sa halip tumawa lamang ito ng napakalakas. hindi natatablan ng bala ang nakakatakot na demonyo.

tumakbo si Joaquin papunta sa kanilang sala, duon ay nakita nya ang isang matalas na Itak. agad nya itong kinuha upang maging sandata.

Lumipad ng mabilis  ang nilalang ngunit bago ito nakalapit ay malakas na tinaga ito ni Joaquin dahilan para tumalsik ang napakaraming dugo sa paligid.

 --------------------------------------------------------------------------------------------------------------

“BOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO” isang malakas na kulog na kumawala sa katahimikan ng gabi. Napakalakas ng ulan sa labas. May bagyo.

“MARIIIIIAAAAAAA!” sigaw ni Juaquin.Pagdilat ng kanyang mga mata ay hinabol niya ang kanyang paghinga. Basang basa ang kanyang nuo ng pawis. Natagpuan nalamang niya ang kanyang sarili na nakahiga sa isang putting kama. “Asan ako?” bulong ni Juaquin sa sarili. Nilibot niya ang kanyang paningin. Napakadilim ng malamig na kwarto. Sa tabi ng kanyang kama ay tanaw niya ang bintana. Nalaman niyang bumabagyo sa labas.

“Panaginip?.......isang masamang panaginip lang pala” muling huminga ng maluwag ang lalake.

Nagising si Agnes na natutulog sa gilid ng putting kama. Laking tuwa niya na nalaman niyang nagising na ang kanyang ama. “Itay!” may gulat at masayang bati nito.

“Agnes,,,,asan ako?” tanong ni Juaquin sa anak na babae.

“Nasa hospital ka po,”

Naramdaman niyang may malaking sugat siya sa kanyang dibdib. May benda rin siya sa kayang ulo. Maraming aparato ng hospital na naka kabit sa kanya. Wala syang maalala sa lahat ng mga nangyari. Nagkaruon siya ng Amnesia. Bigla niyang naalala ang isang masamang panaginip. “Asan ang dalawa mong kapatid?” mabilis na tanong niya.

Ngumiti muna ang dalaga bago sinagot ang tanong ng kanyang ama. “Itay nakila Tiya Sabel po sila Daniel at Banjo ngayon,”

“Huh? Nakila Tiya Sabel? Bakit?........asan na ba ang Inay mo?” malaking pagtataka ni Joaquin.

Ilang sigundo na tumahimik sa malidim na kwarto. Patuloy parin ang pagbuhos ng ulan sa labas.

"Itay wag ninyo pwersahin ang sarili nyo, makakasama pa sa iyo." wika ni Agnes

“Agnes!.... sagutin mo ang tanong ko,” may inis na sabi ni Joaquin.

Huminga ng malalim si Agnes. “Itay wag sana kayo mabibigla.” Panimula nito.

Handang making si Joaquin sa susunod na pwedeng sabihin ng kanyang anak.

“Itay, isang taon po kayong na comatose. Marami pong nangyari habang tulog kayo. Napagdesisyunan ni Inay na mangibang bansa para sa aming magkakapatid. Nasa Canada na sya ngayon.”

“BOOOOOOOOOOOOOM” isang malakas na kulog ang sumabog sa buong paligid

The Maria Anna Abiera StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon