KABANATA 28

3.3K 69 0
                                    

I looked like a sacrifice for some kind of ritual. It feels like I am the only way to save my people but it's the otherwise. I may become the sacrifice but I will never and cannot save them. It's funny how things turned not too well.

Tiningnan ko ulit ang mukha sa salamin. Malinaw na malinaw pa sa aking isipan ang mukha ng lobong naghatid sa akin ng isang pangitain. I don't know how to put her words into my actions because it is impossible. Naniniwala pa rin akong may dahilan kung bakit sa akin lumapit ang makapangyahirang lobo na iyon. Kumakapit na lang ako sa kaunting pag-asang binigay niya na may paraan pa para baguhin ang lahat ng ito.

Inangat ko ang aking tingin at muling napabuntong hininga. Hindi ko maintindihan kung bakit ako kinakabahan ngayon, hindi maganda ang kutob ko sa gabing ito. May mangyayari, iyon ang hindi ko pa matukoy. Pinilit kong huwag pansinin ang kabang nararamdaman.

Pumasok ang matandang tampalasan. Nakapaskil  sa kanyang mukha ang nakakainsulto niyang ngiti. Walang pasabi ay marahas niya akong hinila palabas. Hindi ako nakaimik. Lumabas kami sa silid at bumungad sa akin ang madilim na paligid. Patay sindi ang ilaw, ang malinaw lang sa akin ay ang mga guhit na nakasabit sa mahabang dingding. Lumiko kami, pansin na ang liwanag na magmula sa labas. Saglit akong napahinto nang makaramdam ang sobrang init sa aking dibdib. Nagalit sa akin ang matandang tampalasan at pinilit akong pinatayo. Halos kinakaladkad na niya ako para makausad. Palala nang palala ang init at kumakalat na sa buong katawan ko. Hindi ko na rin maramdaman ang aking katawan, parang bigla akong humiwalay sa akin. Nakikita ko na ang liwanag, subalit hindi iyon ang liwanag na nais kong makita.

Kahit gulong-gulo ang isip ko malinaw na malinaw ang imahe ng magiting na taong-lobo sa aking harapan. Hindi ko kayang alisin ang tingin sa kanya dahil natatakot ako na baka ano mang oras hindi ko na siya makita. Hindi ko man kayang mawala siya lalo na ngayon na pinaglalaban na niya ako ay kinalailangan. I already made my decision. Sa ilalim ng liwanag ng buwan muling nagtagpo ang aming pusong hindi pinahintulutan na tumibok ng malaya. Kaawa-awa siya sa nanghihinang katawan at hinihingal na mukha. Ramdam ko ang bawat daing niya, nais ko siyang isandal sa aking balikat habang binubulong ang pag-ibig kong hindi makapagsalita.

Kung ang pagmamahal ay isang sugal gaano kalaki ang dapat mong itaya para manalo?

I tried closing my eyes.

How I miss him, how I wanted to touch and hug him. Bakit ba hindi pwede? Bakit hindi ko siya pwedeng mahalin nang malaya? Wala ba akong karapatan? My unfortunate life was worth it because I never stopped loving him. I live because of my heart loving him. The little boy I respected and adore is now my man but I can't be his woman.Pinilit kong wag pansinin ang nagdurugong puso ko.

Pansin ko ang iba't-ibang nilalang na nasa paligid, hindi ko masyado matukoy ang iba dahil sa kakaibang init na nararamdaman ko. Ang sigurado ako kaming dalawa ng Alpha ang gagawin nilang katawa-tawa sa gabing ito, ang laruan nila. Pinipilit pa rin ako ng matandang tampalasan na umusad kahit hirap na hirap na ako.
Sobrang nag-iinit na naman ang katawan ko habang papalapit ako sa Alpha. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Parang sinusunog ang dalawang nilalang sa loob ko. Nararamdaman ko rin ang pagwawala nila. Ang hindi ko maintindihan bakit hindi ito nararamdaman ng Alpha, nakaugnay na ang aming katawan at ang sakit na nararamdaman ko ay dapat niya ring maramdaman. Ano ito? Isa ba lamang itong ilusyon o kung ano pa man.

Pinilit niya akong pinasok sa loob ng kulungan na puno ng tinik. Kitang-kita sa kinapapalooban ko ang liwanag ng buwan at ang mga nilalang na nagsisimulang magsama-sama sa aking harapan. Hindi ko namalayan na kumawala na ang isang butil ng luha sa akin mata. Wala akong ibang nararamdaman ngayon kung hindi ang pagkabigo. Wala akong laban na naipanalo, iyon ang mas masaklap.

Umakyat sa bulwagan ang pinuno ng mga tampalasan kasama ang matanda at ang impostor. Kita sa mukha nila ang kasiyahan at pagmamalaki na ang isa sa pinakamalakas na lobong nabuhay sa kasaysayan ay walang magagawa sa kanilang maduming kapangyarihan. Sa kanilang mata isa lamang akong halimaw na kung papakawalan nila ay maghahatid ng tiyak na kapahamakan.

“Magandang gabi aking minamahal na mangkukulam. Ngayong gabi ay wala tayong iisipin kung hindi ang magsaya. Ipagdiriwang natin ang kapangyarihang hindi mapapantayan ng kahit sinong halimaw. Pinakikilala ko sa inyo ang aking obra maestra, ang aking alamat ang halimaw ng mga lobo.”

Naghiyawan ang mga tampalasan habang pinagbabato nila kami. Kaya kong indahin ang sakit subalit kapag nakikita ko ang aking minamahal na nahihirapan ay unti-unti akong nakakaramdam ng kirot. Nandito pa rin ang init sa aking loob pero mas nananaig ang sakit ng aking puso. Nabahiran na rin ng dugo ang puting bestida ko. Wala akong magawa kung hindi ang titigan lamang sila hanggang makuntento sila sa pananakit sa amin. Kahit ang luha ko ay napapagod na ring tumulo.

“Tigil! Alam kong nagsasaya ngayon ang mga puso niyo at iyon ay pinahintulutan ko. Simula sa araw na ito ang lahi ng mga mangkukulam ang tinatanghal kong pinakamalakas na nilalang sa buong kagubatan!” Mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga tampalasan. Hindi ko maiwasang hindi matawa, kung ang pagiging pinakamalakas ay nakuha nila dahil sa kasamaan wala silang karapatan magsaya. Sa huli alam kong mananaig pa rin ang kabutihan.

Nagsimula na ang kasiyahan. Unti-unting lumalakas ang init sa katawan ko, nagsisimula na rin itong mamanhid. Nang mapadako ang tingin ko sa nagmamasid na Alpha hindi ko na maalis ang tingin sa maamo niyang mukha. Kahit anong pilit kong makipag-usap sa kanyang isip ay hindi ko magawa. May kung anong pumipigil sa akin para magsalita.

Isang palaso ang tumama sa aking braso na kumuha ng atensyon ng lahat. Ang kasiyahan kanina ay biglang nagkagulo. Sunod sunod pa ang palaso na tila ulan na pumapatak. Napatingin ako sa sugat na hindi ko namalayang nagdudurugo na pala. Kita ko rin ang nag-aalalang mukha ng Alpha. Sinusubukan niyang kumawala pero wala siyang magawa. Sinubukan kong ngumiti para kahit paano ay maibsan ang pag-aalala niya.

Kaya ko ito.

“Ano ang nangyayari! Mga kawal hanapin niyo ang makasalanang nilalang na humamon sa aking kapangyarihan. Wala kayong ititira!”

Bigla akong kinabahan sa mga nangyayari. Dumilim ang kalangitan na tila ba may bagyong paparating.
Ilang sandali lang ay nagkagulo sila, isang nilalang ang hinatid nila sa harap ng Reyna. Walang takot na nababakas sa mukha nito.

“Isang paslit lamang ito. Walang kwenta!”Paunti-unti nitong nilapitan ang batang lalaki, sinisindak sa pekeng kapangyarihan.

“Ano ang pinagyayabang mo paslit at hinamon mo ang aking kapangyarihan? Alam mo bang kaya kitang durugin nang pinong-pino.”

“Nalalapit na ang iyong katapusan. Ang lahat ng kasamaan mo ay babalik sa'yo.”

Tumawa nang malakas ang Reyna. Lahat ay napatawa rin, nakakunot noong pinagmamasdan ng paslit ang nababaliw na Reyna. Para bang iyon ang pinakanatatawang narinig niya sa buong buhay. Bigla na lamang ito sumeryoso kaya ang kanyang alipin ay napaubo.

“Walang katapusan ang aking kapangyarihan. Nakikita mo ang babaeng iyan? Isa siyang makapangyarihang halimaw, kaya niyang wasakin ang buong kabugatan ngunit ano ang nakikita mo? Nakabihag sa aking teritoryo. Hindi ka ba nasisindak?”

Lumipat ang tingin sa akin ng paslit. May kakaiba sa kanya na hindi mo mawari. May gusto siyang sabihin gamit ang matapang niyang tingin.

“Mahal na Reyna napapalibutan tayo ng mga lobo. Nasira nila ang ating makapangyarihang harang.”

Tuluyan nang nag iba ang mukha ng Reyna. Bigla na lang itong sumeryoso, namayani ang katahimikan sa lahat. Hindi nila inaasahan na ang kanilang kasiyahan ay mauuwi sa kaguluhan.

“Hindi pwedeng masira ang aking harang, isang nilalang ang makakagawa ng bagay na iyon at sinigurado kong tinapos ko na silang lahat. Hindi maaari na matatalo ako ng isang multo, hindi iyon pwede.”
Kapansin-pansin ang pagiging aligaga at kaba ng Reyna. Mukhang seryoso ang mga nangyayari. Ang banta ng paslit ay hindi lang isang salita, at mangyayari ito ngayon.

“Hinahamon nila ako sa digmaan kung gano'n ibibigay ko sa kanila iyon.”

Hindi ko na namalayan na ang sakit na nararamdaman ko kanina ay biglang na lamang lumakas hanggang sa nilamon na ako nito. Nang mapatingin ako sa sa kalangitan bigla na lang kumulog nang malakas at lumiwanag.

“Magandang gabi Cassidy.”

Primrose.

PS. Sobrang busy sa online school kaya d ako naka-update. Susubukan ko pong maka update at matapos ito bago kami ulit magpasukan. Maraming salamat Po.

Rejected Alpha (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon