Ano kayang pag-uusapan namin. Akala ko uutusan lang ako.

"Miss Sarsumedo, Gusto ko lamag ipaalala na bukas ng isa na ang paglipat mo sa Section 13" Panimula nito.

Oo nga! Naku, Bukas ng isa na pala iyon. Hindi ko pa nasabi kay James. Mamaya na lang.

"Ako na ang bahala para mapapasok ko si Francisco. Miss Sarsumedo, Sana magawa mo ito. Sobrang laki ng offer ko saiyo. At kapag nagawa mo ito, Maraming maraming salamat dahil natulungan mo ako" Pagpapatuloy nito.

Naku, Ito nanaman si ma'am e. Paawa effect nanaman ang boses niya.

"A-ah, Sige po ma'am. Hindi ko ipinapangako, Pero gagawin ko ang lahat mag success lang po ako dito sa offer ninyo. At, Salamat rin po dahil nabigyan niyo ako ng ganitong offer at ng chance para maitaas ang Grades ko" Ang sabi ko nalang.

Para lang naman ito sa Grades ko. Sa Grades lang.

"Wag kang mag-alala, At naipag paalam ko na rin naman ito sa Principal natin." Paalala nito.

At tumango-tango nalang ako.

"Okay Miss Sarsumedo, Sana magtagumpay ka. At sana, Kayo pa rin ni James hanggang huli. You may go." Sinabi niya iyon na parang alam niya na ang mangyayari. At ibinaling ulit ang sarili niya sa ginagawa niya kanina.

Nag simula na akong nag lakad at papunta ng library.

*beep*
From: James.

Babe, Nauna na ako ha. Yung libro ipinadaan ko nalang kay Mark sa bahay ninyo. May emergency lang. Ingat ka pag-uwi. I love you ;)

Ayy. Hala, Iniwan ako? Sinong kasabay kong uuwi. Huhuhu.

To: James.
Thank you. I love you too.

Bibili ako ng mga Materials para sa Project, sa last subject namin. Hindi ko Classmate si James duon, Kaya ako mag-isa ang bibili nun.

Nag lakad na ako, Dahil sa kabila lang naman ng University namin ang Mall. Kaya mabilis lang naman lakarin.

Dumiretso na ako sa NBS at kinuha na ang mga Materials na kakailangan ko.

Matapos kong kuhanin ang mga ito, Pipila na ako para sa pagbabayad at...

Sobrang haba ng pila. Puro Studyante. Mukhang matatagalan ako. Pero kahit sobrang haba, Pumila parin ako. Kailangan na kailangan ko 'to para bukas.

Pumila ako sa harap ng lalaking puro notebooks ang laman ng baskets niya at parang mag start palang siyang papasok.

Malapit na akong sumunod para mag bayad, Ng maalala kong ubos na pala ang glue ko.

Kaya't nakisuyo ako sa lalaking nasa harap ko.

"Hhmmm, Excuse me?" Sabi ko at kinalabit ko siya.

Tumingin siya saakin ng saglit, Busy kasi siya sa pag gamit ng phone niya.

At parang nakita ko na siya. Parang kilala ko siya. Hindi ko lang masyadong maaninag yung mukha niya dahil naka sumbrebro siya.

"Miss!" Pag sigaw niya. Tumingin siya saakin. At, Ibinalin ulit ang phone niya.

Nagulat ako sa pag sigaw niya.

"Ano? Bakit?" Tanong niya. Sinabi niya yun ng nakatingin sa Phone niya. Yung phone niya siguro yung kausap niya.

"A-ahh." Natataranta tuloy ako. "Pasuyo naman ho. Kukuha lang ako saglit ng glue, Nalimutan ko e" Pagpapaliwanag ko.

At tumango nalang siya.

Asan ba yung glue? Hindi ko mahanap!!

Nilibot ko na ang buong NBS at hindi ko parin mahanap yung glue.

Mahigit limang minuto ata akong naglibot, Ng nakita ko ang nag-iisang Glue.

Salamat naman. Nahanap ko rin ito.

Bumalik na ako sa may basket ko, At-at.

Wala na duon yung lalaking pinag suyuan ko.

Hala! Asan na yun?

Nag tanong-tanong ako at sabi nila, Umalis na.

Binayadan ko na yung glue.
Makakabayad ka naman agad kung isa o limang items lang yung binili mo. Kaya napabilis ako.

Lumabas ako, Inilibot ko ang paningin ko at ayun!! Nakita ko yung lalaki na naka sumbrero. Busy parin sa pagkalikot ng phone niya.

Nilapitan ko siya.

"Mister, Excuse me po?" Tanong ko sakaniya.

"Asan po yung mga pinamili ko?" Tanong ko ulit.

Humarap siya at.

"IKAW!?" Sabay naming sabi.

"Asan yung mga pinamili ko!?" Medyo pasigaw kong sabi dahil gulat ako.

"W-wala s-saakin!" Nabubulol-bulol niyang sabi.

"Amina!" Ginuyod ko yung plastic bag na hawak niya. Kitang kita naman na saakin yun dahil may Cartolina akong binili.

At siya? Puro notebooks lang naman.

Tumakbo na ako, At gabi na ng makauwi. Patay! Hindi ko siya nabayadan.

Section 1 - Section 13Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon