LOUISA'S POV
After a few days with Fritz, we're getting to know each other naman. Yung tipong, as in? Malaki ang pinagbago ni Fritz compared last year. I don't know why but that's what I noticed. Mas naging matured lang siguro talaga siyang tingnan.
Things worked well naman, in between the two of us. Luckily. But kung saan naman nagkamabutihan na kami, dyan na naman magkakaroon ng problema ang pamilya ko. Hay, wasak na nga, mas mawawasak pa. Galing naman talaga ng tadhana, ano po?
Magkasama kami ni Fritz kanina, ang dami naming napag-usapan.
Flashback
Aerobics time namin, pagkatapos nun nagpahinga na muna kami sa bleachers. Tapos na akong nakapagbihis ng damit, ngayon, hinihintay ko na muna si Fritz. Nung nakabalik na si Fritz, nag-usap kami.
"Oh? Kamusta ang aero? Haha, sure ako napagod ka." Pagbibiro ni Fritz. Nakakapagod naman talaga e. Ganito kasi talaga kami in the month of September.
"Ayos lang naman, yakang yaka ko. Ako pa!" Pagmamayabang ko. Tumawa naman si Fritz.
"Sa lahat ng nakilala kong may asthma, ikaw tong napaka-hyper. Ang cute cute mo talaga." Sabi niya yun habang pinisil niya yung dalawa kong pisngi. Hindi naman masakit pumisil si Fritz, hindi niya kasi masyadong dinidiinan.
"Oh, ikaw ba kumusta? Pustahan, hindi ka nag participate. Hahaha!" Sabi ko habang nag-smirk. Nasira naman ang mukha ni Fritz, nagsalubong ang dalawang kilay.
"Oo e. Eh kasalanan ko ba kung boring?" Tanong niya habang naka-pout.
"Wag mo nga akong nguso-ngusoan diyan, haha! Nagpapa-cute ka e." Sabi ko habang kinakagat ko yung kinakain kong chocolate.
"Eh, sorry naman po." Sabi niya habang naka-smile na. Ayun, di na cute. Pogi na. Tch.
Bad trip ako kanina. Ewan ko kung bakit. Nakita ko kasi sila na magkasama. O di kaya nagka-sabay lang sa pagbaba ng hagdan? Ewan. Basta, sila ni Kristy. Pinipigilan ko ang sarili ko na magtanong. Pero ewan, kusang lumabas sa bibig ko yun e.
"Ah, Fritz. May tatanong lang sana ako." Sabi ko na parang nagaalinlangan. Tinignan niya naman ako na parang nagtataka.
"Sure, ano yun?" This time, inalis niya ang tingin niya at isinuot ang t-shirt niya after niyang magpa-dry.
"Ano kasi, may mutual understanding pa ba kayo ni Kristy? Tanong lang ah." Tanong ko naman na parang pinagsisihan ko kung bakit ko natanong yun. He looked directly in my eyes, yung parang may sinasabi ang mga mata niya? Parang, ang lungkot. Tapos nagsalita siya.
"Ano ka ba? Sa tingin mo liligawan ba kita kung MU pa kami? Louisa naman." Sabi niya with a sad tone.
"Sorry. Curious lang kasi ako, kasi parang lagi ko kayong nakikitang magkasama." Totoo naman e. Hindi ko nga alam kung conincidence lang yun or sinadya ba talaga.
"Alam mo naman na kaibigan sila ni Lowell, tapos magkaibigan kami ni Lowell. Kaya siguro akala mo kami ang magkasama. Wag ka mag-isip ng ganyan." Sabi niya, ngumiti naman siya. At napangiti rin naman ako.
"Hay, ang cute mo naman. Nagseselos pa baby ko?" Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Ano raw? Selos? Asa naman. Pero wala nga ba? Ewan.
"Hindi ah, asa ka pa. Bilisan mo na nga lang diyan at ng matapos na tayo." Sabi ko. Nakita ko naman siya na ngumisi.
"Tsk tsk, okay po." And he gave me the sweetest smile. Ang cute naman ni Fritz habang nagsusuklay at nag-aayos ng buhok. Gwapo naman kasi talaga si Fritz. Daming naghahabol nito. Tsk.
YOU ARE READING
I'm Still Into You (ON HOLD)
Non-FictionLouisa, a fourteen year old girl who is passionately in love with her boyfriend. But what if Mr. Cool guy comes along? And suddenly she falls in love with him even if it's wrong? What do you think will happen? Will they be together? Or should I say...
