Chappy 1: AGENT ON THE GO

2 0 0
                                    

A/N:

Hi readers kung meron man..
Pang ilang attempt ko ng gumawa ng story sana matapos ko at maupdate palagi.^^

Enjoy sa magbabasa..
Update depends on how many wants to update it kaya vote & comment lang. Tenchu!

ATHENA'S POV:

     Kanina pa ko naghihintay sa park na 'to ha. Hindi na rin ako komportable sa suot ko. Five.Four.Three.Two.One...that's it. kailangan ko nang tawagan si Chief.
     Kinuha ko sa black leather shoulder bag ko ang cp ko at dinial ko ang number ni Chief Reyes.

     "Enter your agent name and code number." ayun ang bumungad sa'kin sa kabilang linya. Telephone operated kasi ang linya ni Chief. Walang makakaconnect sa exclusive number niya nang hindi gumagamit ng code numbers.

     "Agent A code number F-1104-16"

     "Agent Athena Rosebourg- confirmed code number F-1104-16 connecting to Agent Z-0002..."

      Naghintay pa ng ilang segundo bago nakarinig ng beep. Maya-maya pa ay nakaconnect na'ko kay Chief Reyes. Ang superior ko sa Shining Canary.

      "Yes, Agent A., is there's something wrong with your mission?"bungad ni Chief Z.

      "Chief Z, parang wala naman pong nangyayari dito sa post ko eh. Kanina pa po ako dito sa park. Are you sure tama po ang binigay ng asset natin.?" panay pa din ang tingin ko sa paligid.

     "Oo naman. Kelan ba napurnada ang asset natin? Matagal na nating katrabaho ang mga informant natin. Kailangan mo lang ng konting tiyaga. Patience Agent A.. patience.. "

     "Baka po ngayon lang."

     "Hindi yan,.wag ka kasi mainip baka mamaya habang kausap mo ko andyan na pala ang hinihintay mo."

     "Eh kasi Chief..."

     "Just stay on your post, be patient and just accomplish your mission. I'll be hanging up bye Agent A."

     "Pero Chief---"Di ko na natapos ang sasabihin ko dahil...

  
     Toot! toot! tooot!...

     Ay tae. Binabaan na ko ng phone. Grabe naman kasi. Ang dami dami naman kasing Agent na capable dito sa mission na'to. Bakit ako pa pinagbigyan nito. Of all people talaga. Aist!

Ano ang mission ko? Tsk! Magpapanggap lang naman ako na babaeng nagbibigay ng aliw sa gabing malamig. Lechugas! In short, Prostitute.

    Sinong maniniwala sa'kin sa itsura kong ito eh di naman ako biniyayaan ng katawang may alindog? Isa pa, masyado akong astig para maging prosti.

    Pwede namang si Agent R na lang ang pinagbigyan neto. Ang ganda kaya ng katawan nun. O kaya si Agent L,.sus ang laki ng future nun ang liit pa ng bewang. Eh bakit ako pa? Parang pinagtripan pa ata ako kasi pinasuot pa sa'kin tong red mini skirt. Sus, sana naghubad na ako. Aist talaga.

     Dahil wala naman akong choice ay naupo na lang ulit ako sa bench. Kanina pa ko naiinip at kanina ko pa din napapansin ang matandang lalaking nakatingin sa'kin sa bandang kaliwa ng park.Pasimple ko lang siyang napansin na nakatingin sa'kin.

    Naku Lolo, wag na wag kayong magkakamaling lumapit at masasaktan lang kayo. Mataas po ang respeto ko sa mga senior citizen.
Sinulyapan ko ulit si Lolo.

    Panay pa rin ang ngiti ni Lolo.
    Lolo, wag po. Hindi ka kasama sa misyon. Baka po masira ang mission ko.

    Parang nakakaloko talaga. Dahan dahang tumayo si Lolo at naglalakad papunta sa kinauupuan ko.

Agent A's Love SurgeryWhere stories live. Discover now