We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

Prologue

5 0 0
                                        

"Don't walk away." Nanginginig ang kanyang mga tuhod at kamay. Basang-basa ang kaniyang pisngi. At 'tila nakadikit ang mga paa sa kinatatapakan niya dahil hindi niya ito maigalaw.

"Just..just please. Don't you dare walk away." Mahina niyang ani. Muli niyang sinubukang ihakbang ang mga paa, pero sa huli, binigo siya ng mga ito. Hindi niya lubos maisip na gayong nasa harapan na niya ang matagal na hinahanap, hindi niya ito magawang lapitan. Gayong kaunting distansya na lang ang pagitan nilang dalawa, hindi niya pa ito mapuntahan.

Unti-unti nang humahakbang palayo sa kaniya ang lalaki. Unti-unti. At habang palayo ito ng palayo, ramdam niyang unti-unti ring nadudurog ang puso niya.

Mas lalong rumami ang luhang lumabas sa kaniyang pisngi ng mawala sa paningin niya ang lalaki. Otomatikong napatakbo siya dahil doon. Tumakbo siya ng tumakbo hanggang sa mapahinto siya ng makita ang likod ng lalaki. Wala na siyang pinalampas na oras at dali-daling tumakbo papunta sa kinaroroonan noon.

Mahigpit niya itong niyakap mula sa likod. Nakaramdam agad siya ng kakaibang kuryente mula saan. Mas lalo ring nanginig ang kaniyang mga paa at kamay. Pero hindi niya pinansin iyon. "D-don't" Aniya ng subukang lumingon nito.

Sa kabilang banda, napako ang lalaki. Hindi siya sanay at ayaw niyang basta-bastang niyayakap o hinahawakan siya ng walang permiso.

Pero sa mga oras na ito, hindi niya alam kung bakit...

KUNG BAKIT HINDI MANLANG SIYA UMANGAL.

KUNG BAKIT SA HALIP NA UMALIS, 'TILA NAGUGUSTUHAN NIYA PA ITO.

'Familiar. This is too familiar' Hindi niya maiwasang isipin. Gusto niyang umalpas pero hindi niya magawa. Bakit? Bakit itong yakap na ito, bakit napakapamilyar sa kaniya na tipong sobrang kumportable sa pakiramdam ng yakap na ito?

"Do me a favor." Nanginginig ang boses ng babae. "I'll count one to three. And then after that, do not ever look back. Okay?" Dagdag nito. Agad siyang napatango.

"1.." Nagsimula itong magbilang. Hindi niya alam pero lumakas ang tibok ng puso niya.

"2.." Palakas ng palakas...

"3..." Dahan-dahang binitawan niya ang lalaki. Labag man sa loob, tumalikod siya rito at nagsimulang maglakad palayo. Bawat hakbang, bawat distansyang naglalayo sa kanila, ramdam na ramdam niya ang paghapdi ng dibdib.

Umaasa siya.

Umaasa siyang susundan siya ng lalaki.

PERO HINDI.

"What happened to you? What happened between us?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 15, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Of All the Stars, Stories to obsess over. Discover now