Chapter 26: The Captive

Magsimula sa umpisa
                                    


"Does it need to be this way?" mahina niyang tanong sa akin.


"Anong gusto mo, maging masaya ako? Ngumiti at umaktong masaya?"


"Ibinigay ko sa'yo lahat na akala ko-"


Na akala mo magagawang bilin ang natitirang pagkatao ko? "Nagkakamali ka." kuyom ang mga kamay na putol ko sa sasabihin niya. "Konti na lang naman. Konti na lang ang titiisin ko na makasama ka."


Bumuka ang labi niya na para bang may nais siyang sabihin ngunit itinikom niya lang iyon ulit. May kung ano ang dumaan sa mga mata niya pero walang-salitang tumango lang siya at nilagpasan ako para tahakin ang daan papunta sa office niya.


Ilang sandaling parang itinulos ako na kandila sa kinatatayuan ko. Gusto ko siyang sundan, gusto kong itanong kung bakit niya ginagawa 'to. I want to asked him why he made me feel so worthy of him only for him to disregard me like this in the end.


Pero wala naman akong karapatan. Hindi niya naman talaga ako pinahalagahan. Hindi naman niya ako asawa...wala akong panghahawakan. Hindi naman totoo ang lahat hindi ba?


Ang totoo, apat na araw mula ngayon ay isa na lang akong ala-ala para sa kaniya. O baka nga hindi pa. Isa lang ako sa napakaraming kinailangan niya para sa negosyo niya. Para makuha niya kung anong gusto niya.


I don't believe that his a bad person. Alam ko na mabuti siyang tao. He's a great man that's why he deserve more. Alam ko naman iyon noon pa. Akala ko lang kasi...akala ko lang pwede. Akala ko pwede ko siyang mahalin.


At higit sa lahat akala ko pwede akong mahalin. That I can belong to someone and be happy. To be able to move away from my past and be with him in my future.


Nangingilid ang mga luha sa mga mata na ikinuyom ko ang mga kamay ko at umakyat ako sa pangalawang palapag. Dumiretso ako sa guest room na walang kahit na anong bakas ng lalaki. It feels empty...like what most of the hotel rooms I've been to feels like.


Lumapit ako sa kabinet at binuksan ko iyon. Kinuha ko ang isang kahon sa ilalim ng mga nakasabit na damit at binuksan ko iyon. Unti-unting napadausdos ako sa sahig habang tinitignan ang mga naroon. My black dresses.


Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang hikbi na bigla na lamang kumawala roon. Sa nanlalabong paningin ay inabot ko ang isa sa mga itim na bestida.


It's time to mourn for myself again. Oras na para bumalik ako sa realidad. Masyado na akong nagtagal na mangarap.


I'm not buying you, Chianti. I'm buying a contract from the devil to save an angel.


Pero hindi ba at ganoon na nga ang nangyari? Walang pinagkaiba sa iba na binili ako at matapos gamitin ay binibitawan. Ang pagkakaiba lang minahal ko si Gaige.


Sa kaniya natuto akong mangarap ulit. Natuto akong makaramdam. Nagawa kong tignan ang sarili ko ng walang bahid ng pandidiri. Dahil sa kaniya, nabuhay ako ulit.

Exquisite Saga #1: Chianti CallahanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon