Interlude.

9.6K 191 5
                                    

Interlude.

Tumingin pa ulit ako ng isang beses sa salaming nasa harap ko. Hapit ang itim na bestidang suot ko. May konting beads sa bandang leeg nito kaya magandang tignan.

Napapasinghap ako sa lamig ng hangin ng bumababa ako sa bintana ng kwarto ko. Nasa kabilang kamay ko ang puting pumps ko habang bumaba gamit ang kumot na pinagdugtong-dugtong ko. I've been so crazy about night life kaya ito at gabi-gabi akong patagong pumupunta doon. Hindi pa kasi ko legal age kaya di aprubado ang parents ko.

Natanaw ko agad ang kotche ng pinsan kong si Tee-jay na nakaparada sa di kalayuan sa bahay namin.

"Here she is." Ani Tee-jay sa matigas na ingles. Nakasandal sya sa pulang Audi nya.

Ngumuso ako at iniinda ang sakit ng talampakan ko. Mali ata ang pagkakasalampak ko kanina.

Pinagbuksan nya pa ko ng pinto. Ngumisi ako at nagtaas ng kilay sa ginawa nya. Pumasok na lang ako sa back seat at nagkibit balikat. Naabutan ko ang dalawa nyang barkada na mukhang nagtatalo kung saan. First time to a?

"Stop being the fvcker!" iritableng Anang ni Sam.

"Shut up!" Galit na sabi ni Ylak.

Sinuot ko na lang ang puti kong pumps at hinayaang silang magtalo. Pagsuot ko ay saka pa lang ako nilingon ni Sam at Ylak.

"Hey, Victoria." Mula sa iritableng boses ni Sam ay naging malambing ito.

Maingay na tumikhim si Ylak at hindi manlang ako binati. Alam ko. Mainit talaga ang dugo ni Ylak sakin kahit noon po. At iyon ang isa mga dahilang hindi ko maintindihan.

Tumango lang ako.

"Dude, that's my cousin." Banta ng pinsan ko.

"Tsss." Ani ni Ylak at sumandal sa upuan.

"Pagpasensyahan mo na V, pinaglihi yata sa sama ng loob." Ngumisi si Sam habang nililingon si Ylak.

Umiling na lang ako at natanaw agad ang ilaw na nanggagaling sa loob ng Tribe lounge. Labas pasok ang mga tao at may mga mukhang nag-aaway na't sinusuway ata ng mga bouncer.

Nakahanap agad ng mapag-paparkan ang pinsan ko kaya mabilis kong inayos ang sarili ko. Nauna kong lumabas sa kanila.

Iginala ko ang paningin ko sa iba't-ibang neon lights ng makapasok na kami sa loob. Madami akong nakitang pamilyar na tao na tanging tango lang ang ginagawa ko. Natanaw ko ang dalawa kong kaibigan na mukhang may mga amats na.

"TJ, puntahan ko lang sila Ally at Ivon." Ani ko at tinuro ang dalawa kong kaibigan na nagdidirty dancing sa gitna ng crowd.

"Just an hour ok? Pag dii kita agad nabalik sa inyo siguradong malilintikan tayo!" Aniya.

"I know." Umirap ako at nagtungo agad sa crowd.

Kumaway agad sakin ang dalawa at natatawa na lang ako sa biglaang paghila nila sakin papuntang gitna. Inagaw ko ang shots na hawak-hawak ni Ally at dire-diretcho itong nilagok.

" Woah! Hoooo!" Hiyaw nya.

Umikot agad ang sikmura ko ng magpag-alamang vodka pala ito. Vodka is isn't my friend. Darn!

May iilang kilala pa ang nag-aabot sakin ng ilang shots at wala akong magawa kundi inumin ito. Napa-head bang ako ng marinig ang magandang kanta na Timbre ni Keisha.

Nahagip ng tingin ko si Tee-jay na may kasayaw na maputi at magandang babae. Ngumisi ito sakin ng mapagtantong nakatingin ako. Humalakhak ako at hinawi ang buhok ko, kasabay niyon ay ang pagsulpot sa harap ko ng matalim na titig ni Ylak.

"You always dance like that, Victoria!" Matigas na sabi nya. Kitang-kita ko ang pag-igting ng maganda nyang panga.

Agad ako nainis sa iniasta nya. Luminga-linga ako at hindi pinansin ang sinabi nya. Tumindig ang balahibo ko ng maramdaman kung paano naglakbay ang kamay nya papunta sa bewang ko.

"You look so thin, I wonder if your eating your food properly." Mayabang nyang sabi.

Umangat ng bahagya ang labi ko at kita ko kung paano bumagsak ang tingin nya dito. May kung anong kulisap ang namumuo sa tiyan ko dahil doon.

Nag-angat ako ng tingin at kitang-kita ko kung paano kuminang ang buhok nya. Naging silver ito at imblis na matakot ay manghang-mangha ako.

"I like your hair!" Wala sa sarili komg sabi habang tinuturo ang buhok nya.

Hindi sya nagsalita at mabilis na kinalas ang kamay nya sa bewang ko. Tumalikod sya ng walang ni isang salitang binibigkas. Pinanuod ko syang nawala ng parang bula sa pulutong ng mga tao na nasa crowd.

What was that?

The Vampire's ObssesionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon