They thought that we will be together until the end. Marami ang umaasa, nanghihinayang at nalulungkot para sa atin. Siguro nga, nasasayangan sila sa kung ano man ang meron sa atin noon. We've spent more than half of our lives together but why did you end it? Why, after all those years you got tired with me? Why?
"Let's break up..." you said when we were taking our lunch in our favorite place. I looked at you with confusion in my eyes. I've even waited, as if you're telling a joke. Tama ba talaga ang narinig ko? Tanong ko sa aking sarili noon. Naramdaman mo siguro na hindi ako nag-react sa sinabi mo kaya inulit mo pa ito, loud and clear "Let's break up, Tin."
Narinig ko naman talaga ang sinabi mo, pero bakit uulit-ulitin mo pa?
Umawang na lamang ang aking bibig, tila hangin lamang ang kausap niya sa ngayon. Parang na-blangko pa ang utak ko 'nun. Kakatapos ko lang kainin ang favorite burger steak ko sa Jollibee tapos sasabihan niya ako niyan?
"Magsalita ka naman Tin." Sabi mo sa akin na parang nawawalan ka na ng pasensya sa kakahintay sa sagot ko. I tried to compose myself, ininom ko na muna ang coke float kong kalahati na lang ay mauubos na ito, tila pampakalma ko sa sarili ko 'nun.
"Bakit?" Sagot ko sa kanya. Isang salita lamang iyon pero ramdam mo ang pait sa pagkakasabi ko 'nun.
"I got tired Tin. Hindi ka ba napapagod? We've been always fighting with each other for countless of times. I just want space. Magpapahinga na muna tayo sa relasyong ito." Sabi mo tila napapagod na ang tono.
"Ganoon na lang kadali Cy? Let's break up? We've been together since before at ngayon ka lang napagod? Hindi naman maiiwasan ang pag-aaway sa magkasintahan Cy. You should know about it. Baka naman, nawalan ka na ng pagmamahal sa akin Cy? Do you still love me? 'Cause if you've already fallen out of love for me, then that's the time that I'll let you go Cy. Hindi na kita pipiliting manatili sa buhay ko."
"You won't understand me Tin."
"Just answer my question Cy. Please. Do you still love me?" Tanong ko na halatang napapagod na. I just want the answer.
"I'm confused, Tin. Hindi ko na alam ang gagawin ko. I just need time and space."
"May iba ba?" Tanong kong may halong pait sa tono.
Hindi ka kaagad nakasagot sa tanong ko. Siguro nga tama ang hinala ko. May iba ka na talaga at ayoko ng ganun kaya iniwan na lamang kita. Palayo na ako sa Jollibee nang muli kitang tinignan. Nakayuko ka lamang at halatang umiiyak. Bakit ka naman makikipaghiwalay sa akin kung nasasaktan ka pala?
Babalikan na sana kita nang makita ko ang pinsan kong tinatahan ka. Ba't sa lahat ng pwedeng ipalit sa akin, ang pinsan ko pa? At ang pinakamatalik ko pang pinsan huh?
Pagkakita ko 'nun ay agad na akong tumakbo palayo. Ayoko ng ganito! Ang sakit sakit!
