Mula sa dibdib niya, bumaba ang tingin ko sa legs niya. Makinis at maputi ang balat niya pero kahit balingkinitan ang katawan niya ay mabilog naman ang kangyang hita. Maybe she knew I was checking her out dahil naiilang siyang tinabunan ang kanyang hita gamit ang maluwag niyang jersey. I dunno, can I say I find the gesture cute?

Ibinaling ko ang tingin ko sa labas ng sasakyan upang itago ang aking ngiti. Mukhang magiging makulay ang huling mga araw ko sa mundong ito, I might as well enjoy it.

*Yumi's POV*

Hindi ko na maitago ang inis ko sa multong manyak na nasa tabi ko. Aba! Hindi porke't gwapong multo siya ay libre na ang pagtitig niya sa hita ko. Ano ba ang kailangan ng multong ito at bakit niya ako sinusundan?

Ipinarada ni Coco ang jeep sa tapat ng boarding house ni tiya saka kami nagsibabaan. Nakita kong sumabay sa pagbaba ang multong manyak at sumunod sa akin hanggang sa silid ko. Hindi na takot ang nararamdaman ko kung hindi inis na. Ganito na ba talaga ka walang modo ang mundo na pati mga multo ay manyak na rin? Mga lalaki talaga, multo man o hindi, walang mapipili dahil lahat sila ang utak nasa maliit nilang ulo na nasa pagitan ng hita nila.

Wala akong imik an umakyat ng hagdanan hanggang sa marating ko ang silid ko. Ayoko siyang kausapin sa harap ng tiyahin ko, baka mapagkamalan pa akong baliw.

"Teka," humarang ako sa pintuan nang makapasok ako sa aking silid, "huwag mong sabihing papasok ka?"

Ningitian lang niya ako saka ako mahinang napamura.

"Baliw ka Yumi," pinagalitan ko ang sarili ko, "multo yan di ba? Kahit maglock ka pa ng pinto, makakapasok pa rin yan."

Bumuntong hininga ako saka nagpatuloy sa pagpasok sa silid ko, "humarap ka sa pintuan!" utos ko.

"Huh?" batid ko ang pagkagulat sa kanyang mukha.

"Magbibihis ako," saad ko, "kaya tumalikod ka!"

"Ah" tumango siya saka humarap sa pinto ngunit bumilog ang mga mata ko nang maalala ko ang nakapaskil na litrato sa pintuan.

"Shoot!" mabilis kong tinabunan ang human size poster ni Xavier Vanhallen na nakapaskil sa pintuan.

"Gusto mo ng fansign?" pilyo siyang ngumiti sa akin.

"Tse!" bulyaw ko saka mabilis na tinanggal ang poster sa pinto.

"Sabihin mo lang," mapanuya niyang biro, "mabait ako sa mga fangirls ko lalo na kung kasing ganda mo."

"Arrgh!" napakuyom ako at napatadyak sa harap niya. I really cannot stand men! They are selfish good for nothing fvcktards!

"I love you too," pang-iinis niyang sagot kaya pinaniningkitan ko siya saka pinunit ang poster at pagkatapos ay tinapun sa basurahan.

"Hindi ko alam na stalker pala kita," narinig kong sagot niya kaya agad ko siyang tinignan.

Nataranta akong pinagtatanggal ang mga litrato niyang nakalagay sa salamin ko. Diyos ko! Pinaparusahan mo ba ako dahil araw-araw kong hinahalikan ang nakanguso niyang litrato na nakuha ko sa isang old magazine? Bakit ba naman kasi sa lahat ng multong pwedeng mangulit sa akin, siya pa talaga ang pinadala sa akin.

Abala ako sa pagtanggal ng kanyang mga litrato sa salamin nang marinig ko ang mahina niyang tawa kaya nagtaka akong lumingon sa gawi niya. Bumilog ang mga mata ko nang makitang nakaupo siya sa harap ng laptop ko kung saan ang nakangiti niyang mukha ang screensaver. Mabilis ko siyang nilapitan saka tiniklop ang laptop.

"Pwede ba? Lubayan mo ako!" inis kong saad.

"Ayaw," agad niyang sagot.

Ohemgee! Did he just pouted like a cute little boy?

"Yumi! Multo yan," paalala ko sa sarili ko.

"Hoy Manyak!"

"The name is Xavier."

"Alam ko!" nanggigil kong saad.

"Hello Eris," nakangiting saad niya na nagpatigil sa akin.

"E-eris?" mahina kong nasambit.

"Yeah, Eris right?" mayabang niyang saad pero natunaw ako sa magandang ngiti niya lalo na nung makita ko ang malalim niyang dimples sa pisngi, "well, ako nga pala si Xavier Vanhallen, aka Eros."

"Ah-eh-ah," parang naglaho ang lahat ng bokabolaryo sa utak ko dahil sa narinig kong saad niya. Did he just say he is Eros?

"Hey!" he clicked his fingers in front of me, "okay ka lang?"

Napakuyom ako nang mahimasmasan ako mula sa pagkagualat, "nagbibiro ka ba?"

"Natawa ka ba?" tanong-sagot niya.

"Paano ka naging si Eros? Matagal ka nang patay di ba?"

"Yeah," tumango siya na para bang normal lang sa kanya ang pinag-usapan namin.

"So paano mo maipaliwanag na gabi-gabi kong nakachat si Eros?"

"Just like this?"saad niya saka pinakitang kaya niyang buksan ang laptop.

Napasinghap ako habang napatabon sa bibig nang makita kong nagawa niyang manipulahin ang laptop kahit na isa siyang multo.

"A-anong kailangan mo sa akin?" natatakot kong saad.

"Good that you asked," excited siyang humarap sa akin, "I need you do something."

Marami siyang sinabi ngunit ang totoo, wala akong ni-isang naiintindihan. Pakiramdam ko kasi, nakalipad ako sa himpapawid. Sino ba naman ang makapaniwalang halos isang taon akong nakikipagchat sa isang multo and to make things worst, siya pa ang online boyfriend ko.

4ImW5o}

Status: In a Relationship with a GhostWhere stories live. Discover now